Chapter 24: Mysterious Guy 2

5.1K 107 1
                                    

(Aisha's POV)

Aray! Ang sakit ng ulo ko. 

Syet.

 Bat ang lamig? Wala naman kaming aircon ha.

Bat parang ang laki ng kama ko? 

At bakit ang laki-laki ng k-kwarto k-k-ko?!

Shemaaay! 

Hindi ko to kama! Hindi ko to unan! Hindi ko to kumot! In short, hindi ko to KWARTO!!!

At bakit iba na ang suot kong damit?! Don't tell me.....

"Waaaaaaaa! Tulooong! Tuloooong!! Tulungan niyooo ako!!!" sigaw ko ng malakas, dahil sa takot na baka may nangyari sa akin na hindi ko alam!

"Oyy! Wag kang sumigaw diyan!  Baka sabihin ng kapitbahay may ginawa akong masama sa iyo!" sabi nung lalaki. LALAKI?! Anong ginagawa ko sa kwarto ng isang lalaki?! 

"Bakit? Wala ba? Wala ka bang ginawa sakin?!"

"Relax! Relax lang Aisha! Wala akong ginawang masama sayo!" 

"Bakit alam mo pangalan ko? Ha?"

"You are the secretary of my cousin! That's why I know your name! Even your surname! So, pwede ba? Wag kang maghysterical diyan at hayaan mo akong mag-explain!" mukha namang mabait tong si mysterious guy... Teka! Alam ko na! Siya si mysterious guy #2! 

"Ikaw si mysterious guy #2 diba?!" 

"I don't know what you are talking about! But please! Let me explain." tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Okay. Ganito yun, pumunta ka sa silver wedding anniversary nila Tita Lea, at may ginawa kang confessio--"

"Confession na naging pangit ang resulta at nakapagpahiya sa aking itsura at sa aking pride. At may nalaman akong balita, na mismong ung parents pa ni Seb ang nagsabi, na engaged na siya sa ibang babae, at wala man lang akong kaalam-alam na may ganong nangyari. Tapos umiyak ako at napatakbo at ang letse kong sapatos ay natanggalan ng isang heel kaya muntikan akong matumba pero dumating ka at sinalo ako. Sinabihan kitang umalis pero ayaw mo. Pero sa huli ay umalis ka din. Malakas pa man din ang ulan nun. Tumakbo ako palabas ng venue pero natanggal pa ang isang heel ng sapatos ko at natumba ako. Dahil nga sa malakas ang ulan, eh nagmukha akong crying lady, well crying lady na nga ako. At sabi mo pa nga eh ung white kong gown, ay naging brown na. Niyaya mo na akong umuwi at dahil no choice ako kundi sumama, eh sumama na ako. Tapos ano na nangyari?" 

"Hindi mo ba talaga alam ang nangyari? Mukhang mas alam mo pa nga nangyari kesa sa akin eh."

"Wala akong pake! Okay, continue!"

"Tapos nakatulog ka. At dinala kita dito sa condo ko. At kung nagtataka ka kung bakit iba na ang suot mong damit paggising mo, eh pinapalitan kita sa kasama kong katulong dito sa condo, na wala ngayon dahil pinagbakasyon ko! Okay na?!" sabi niya. Mukha namang kagalang-galang ang mukha nito kaya naniwala na ako.

"By the way, ano pala name mo mysterious guy 2?"tanong ko. Para mabawasan na ang mga mysterious guys sa buhay ko. Una ung nagbigay ng gown, at pangalawa itong kausap ko.

"I'm Van. Van Perez. Cousin ni Sebastian Perez." oh. Van. Sasakyan diba yun? VAN?! waa. CORNY     -_-

Pwede ring sapatos. VANS. Kaso wala pala ung 'S'. (A/N:Tama na Aisha! Corny na! Suuuuupppeeer!)

"Okay. Paano mo ba ako lubos na nakilala? Bukod sa naging secretary ako ni uhm.. ugh.. Sebastian!"

Gusto ko kasing mas malaman ang buhay niya at kung paano niya ako nakilala nang lubusan.

"Ganito un, tinawagan ako ni Sebastian na magcoffee sa isang coffee shop (na hindi nabanggit sa Chapter 1. Lol) pero hindi ako pumunta. Tapos naalala ko na may nangyari pala sa kanila ng family niya at pumunta ako kasi baka kung ano ang mangyari sa kanya. Pagpunta ko eh, nakita ko siyang masaya at parang ang light ng aura niya. At nakita ko ding kausap mo siya. Hiningi pa nga niya number mo tapo----"

"Waaaaaaa! Huhuhu... Bakit pina-pa-ala-la mo paaaaaaaa?! Waaaaaaa. Huhuhuhu."

"Eh sabi mo magkwento ako.!"

"Waaaaa. Pero hindi sa ganung paraan. Bakit buong lovestory pa naming un!"

"Hindi ka talaga makalimot no? Why can't they easily move on?"

"Kasi, ang pagmamahal ng isang babae ay walang kasing-tulad. Natatangi ang pagmamahal na ibinibigay ng isang babae, kaya grabe din ang sakit 'pag ang babae ay naiwan. Hindi katulad ng mga lalaki na itinuturing ang pagmamahal bilang isang game. Love truly is a game. But just like the other game, the first one to give up, loses."

"Woaah. Fine! Wag mo naming ibuhos ang sama mo sa mga lalaki sa akin. Ibahin mo ako. My love is forever!"

"Forever?! Meron ba nun?!"

"Hindi ka naniniwala sa forever kasi iniwan ka. Ang konsepto kasi ng forever ay nakadepende sa tao. Pag may boyfriend o girlfriend ka, maniniwala ka sa forever. Pero pag wala, siyempre hindi. Pero para saakin, may lovelife man ako o wala, I still believe in forever."

"Bakit naman?"

"Maraming nagsasabi na walang forever kasi bakit daw tayo namamatay kung may forever? Kaya nga ang tagalog translation ng forever ay panghabambuhay. Habang buhay. Hindi habang patay. Gets?"

"O-kay. Basta ako, I don't believe in forever!"

"But seriously, do you want to move on, and forget Sebastian Perez?"

"Super! I want to forget his face, his name, and his whole identity! I want to forget everything about him!"

"Then, DATE me!"

Anong sabi niya? DATE?!

****

(A/N: Eto na! Nagdededicate na ko. Minamadali niyo ako eh. Yung sa iba, next chaps. Alam niyo naman mga ginagawa sa school! :) 

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon