(Aisha's POV)
"DATE?! Anong date ang pinagsasabi mo?!" nagulat naman ako sa sinabi ni Van. Sinong baliw ang makikipagdate sa taong kakakilala mo palang?!
"I mean, friendly da-- no! Real Date! Diba gusto mong makapag-move-on kay Sebastian?! This is your time to shine, Aisha."
Well may point siya dun.
"Wait.. Pag-iisipan ko pa ng mabuti."
"Okay, Aisha. I'll give you ti--" naputol ang sasabihin ni Van nang sabihin kong,
"Payag na ako!"
"Akala ko ba mag-iisip ka pa nang mabuti?"
"Okay na. Nakapag-isip na ako ng mabuti! Ganon ako mag-isip. Fast as a train, and not slow as a turtle!"
"Then Dating 101 starts now!"
Teka? Anong Dating 101 ang sinasabi nito? Hindi ako dun nainform. Promise!
---
(Sebastian's POV)
I really felt bad about sa nangyari nung isang gabi. Naaawa ako kay Aisha.
Sabi na eh! Hindi dapat siya pwedeng madamay sa letseng arrange marriage na to! Bakit hindi ko kasi siya binreakan agad! Edi sana wala na kaming connection nun kung binreakan ko na siya! Ang tanga mo kasi Sebastian! Ang tanga mo sobraaaaa!
Wala na eh. Nangyari na.
Nabigla ba kayo nung itinanggi kong kilala ko si Aisha? Eto ung TOTOONG nangyari!
Flashback...
"Sebastian? Do you know that girl?" sabi ni Mom dahil sa biglaang confession na nangyari sa silver wedding anniversary nila ni Dad.
Sasagot na sana ako pero nilapitan ako ni Dad,"Sige, subukan mong ipagtanggol iyang babaeng yan. Nang mawalan ka ng pera, ng pagkain at higit sa lahat ng pamilya! Let's try kung hanggang saan ka aabot!"
Natakot ako sa sinabi ni Dad. Hindi ko kasi maimagine ang araw na walang pera, pagkain at ng wala ang pamilya ko. Kahit kailan talaga! Ang duwag-duwag ko sa tatay ko!
Pero, hindi ko din maimagine ang araw na wala si Aisha. Wala nang magpapatawa sa akin at wala na din akong pagtatawanan. Pero, madadamay siya pag di ko sinunod si Dad kaya ayun.
"NO! I don't know that girl. Even her name and everything. I think she's out of her mind!"
Inisip ko na lang ang kapakanan ni Aisha ang nakasalalay dito kaya ko nagawa to. Masyado akong nabigla nang biglang mag-announce si Mom na,
"Moving on, I would like to announce that Sebastian is getting married! He is engaged to the one and only daughter of Mr. and Mrs. Larameda, Sophia Larameda!"
Wala akong maalalang araw na nagpropose ako kay Sophia. And I'll never do it..
But because of some shitty business, I'm now engaged to a woman I never loved.
---
(Aisha's POV)
"Then Dating 101 starts now!" Anong Dating 101 ang sinasabi neto?!
"Hoy, anong dating 101 ang pinagsasabi mo?! Wala iyan sa mga pinag-usapan natin!"
"Well, dito sa Dating 101 matututunan mo lang naman ang good and bad etiquettes sa pakikipagdate. And since ngayon ang first day ng Dating 101 mo, today is the Dating Orientation!"
Nakadrugs ba to o ano?
"Anong nasinghot mo? Effective ha."
"Wala na munang joke time ngayon. Let's start the Orientation!"
"O--kaaay.."
"Before we start, kailangan may background ka muna about sa Dating 101. Itong Dating 101 ay isang activity na ginagawa ko sa mga nagiging date ko. It's a way for them to know what I want, what I don't want, and the things that should be done before, during, and after the date."ang haba naman ng sinabi nito. Seryoso ba talaga siya sa Dating 101 na to?!
"Okay. So ilan na ba ang dumaan sa Dating chuchu na to?"
"2. Ikaw ung pangalawa. I'm choosy when it comes to the person whom I should teach. This isn't just pure teachings, this is a life skill that everyone should learn."
"Okay. Choosy mo talaga ha."
"Going back, angdapat na una mong matutunan is the importance of this activity. This is important because, I am a Perez. Maraming nakaaligid na mata sa akin. Kaya nakakahiya naman kung makita nila ang kadate ko na parang aso sa harap ng lamesa. Second, learning this is a must. Kasi kung hindi naman pala alam ng tao kung paano makipagdate edi sana hindi nalang naimbento ang pakikipagdate."
"Okay. I get your point."
"Mabuti naman. Your first lesson is table manners."
Grabe! Stressed na stressed na ako sa Dating 101 na to!
***
(A/N: Yung nasa picture po ay ung suot po ni Aisha na gown nung gabing nag-confess siya k
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Teen FictionA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...