(Aisha's POV)
SLAAAP!
"Lumayo ka! Gag*! G*go! Wag kang lalapit! Baka gusto mo pang masampal! Waaaaah! Ang first kiss kooooo! Gag*! Gag*!" hysterical na kung hysterical! Sino ba naman ang hindi matataranta kung bigla ka na lang ninakawan ng halik!
Well, boyfriend ko nga siya pero, pero, p-pero, FIRST KISS KO PARIN YUN!
"Oy! Relax! Akala mo naman kung sinu-sino lang humalik sayo! Hindi ba kita girlfriend? Ha? Pasalamat ka gwapo ako...." Gag* talaga to! Ang sarap halika-- sampalin! Anubayen! Nagiging manyak na ko!
Isa sa pinaka-iingatan ng isang babae, ang first kiss niyaaaa!
"Eh ano naman kung girlfriend mo ko? Binibigyan ba kita ng karapatang halikan ako? Ha? Kung iyan ang pananaw mo sa mga naging past mo, pwes ibahin mo ko! Maria Clara si ate!"
"Aisha? Tayo ba talaga?"
Hala! Napa-realtalk si koya!
"Huh? Ba't mo naman natanong?"
"Kasi parang hindi ko ramdam na tayo. Parang lang tayong boss-employee relationship. Kahit sabi kong Seb ang itawag mo sakin, parang nahihiya ka at Sebastian parin tawag mo sakin. Aisha, ikinahihiya mo bang boyfriend mo ko?" Shete! Nagiging seryoso na to. Kahit ako eh hindi ko alam kung kami ba o hindi kami. Basta ganon. Ang gulo ng buhay ko no? Parang life! XD
"Nako Sebas-, Seb napaparanoid ka lang! Diba pagod ka na? Ba't di ka kaya muna matulog. Kailangan mong magpahinga para sa business meeting bukas." ayoko ng pahabain to! Baka kung saan pa to umabot!
"Aisha, do you love me?" Eto ang ayaw ko sa mga gantong realtalk.
"Seb, magpahinga ka na. May mga oras para sa ganyang sapan at di ngayon ang oras na yun. Kaya matulog ka na at maaga ka pa bukas. Hindi tayo nandito para sa ganyan. Sige na, sa kama ka na matulog." Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh. Nandito kami hindi para mag-usap tungkol sa ganyan kundi para sa trabaho.
"Hindi ako makakatulog kung sa baba ka. Sa kama ka matutulog."
"Seb, sige na. Sa kam-"
"I insist!"
"Fine! Sa kama ako, sahig ka. Since yan naman ang gusto mo." pumayag na ko para makapagpahinga na siya.
"Wait, Aisha I've changed my mind." Huh? Gag* talaga to.
"Ano ibig mong sabihin?"
"What if pareho na lang tayo sa kama. Malaki naman un eh." At binigyan niya ako ng isang stare na hindi ko maipaliwanag. Naa-attract ako. Shemay! >_<
"Nagsabi ka na kung saan ako matutulog at kung saan ka, kaya mag--pa-hing-aa k-a naaa." napabagal pagsalita ko dahil, ayun sumalampak na siya sa kama. Well, no choice na ko nito. Ang himbing na ng tulog eh.
****
Lumabas muna ako sa room at pumunta sa isang maliit na botanical garden.
Iniisip ko kung ano ba talaga kami ni Sebastian. Kasi iniisip ko kung mahal ko ba siya o talagang kami dahil gusto kong maghiganti dahil dun sa plano. Well, aaminin ko na ako mismo ang nangako na hindi dapat ako mainlove sa kanya.
Pero hindi ko inisip na bago pa ang plano eh kung nainlove na ba ako sa kanya.
Una ko siyang nakita sa coffee shop, hindi ko maexplain kung ano ung naramdaman ko nung nakita ko siya. Yung bang feeling na bigla nalang tumibok ng napakabilis ung puso mo pero ang sabi ng utak mo hindi ka pwedeng mainlove sa kanya dahil may trabaho ka at wala ka pang oras para sa mga ganyan.
Pero, paano ngayon? Maraming oras na kasama ko siya. At di rin imposible na mainlove ka sa kanya. Matalino, gwapo, mayaman, mabait, gentleman- complete package ika nga.
Pero, may plano pa ako. Planong nagpipigil na mainlove sa kanya.
Pero ulit, bumalik tayo sa tanong ko.
Nainlove na ba ako sa lalaking to?
Masagwa bang sabihin kung,
OO. Naiinlove na ko sa boss ko!
Ready na ba akong bitawan ang plano ko? Ready na ba akong alisin sa isipan ko ang paghihiganti?
Damn! Gulung-gulo na ako! >.<
![](https://img.wattpad.com/cover/38799006-288-k51507.jpg)
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Подростковая литератураA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...