Chapter 38: IMBYERNA!

4.4K 80 8
                                    

(Sophia's POV)

Maaga akong nagising ngayon kasi ngayon ako susukatan ng gown. I'm really exciteful. Tama ba yung term?

Bumangon na ako sa kama, dumiretso sa cr para maghilamos and bumaba na para pumunta sa kitchen. Gusto ko kasing ako ang magluto ng breakfast para kay Sebastian.

Pagpunta ko sa kusina, nakita ko ung mga katulong namin na naghahanda na ng iluluto para sa breakfast.

"Manang, ako na lang po ang magluluto ng breskfast." sabi ko kay manang na kasalukuyang nagccrack ng mga itlog.

"Sigurado ka ba hija?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.

"O sige. Ipagpatuloy mo nalang ito. Mukhang excited ka na sa fitting mo mamaya ha." sabi niya kaya ako na ang nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Hehehe. Siyempre po. At saka gusto ko rin pong maging handa pag mag-asawa na kami ni Sebastian. Pag asawa ko na kasi siya, siyempre ako na ang laging maghahanda ng almusal pag gising niya." sabi ko.

"Osya, maiwan na muna kita. Magwawalis lang ako sa garden. Sarapan mo luto mo ha." sabi ni Manang.

"Opo." sagot ko. At tuluyan nang umalis si manang.

Sinumulan ko nang i-beat ung eggs para gawing scrambled.

Binuksan ko naman ung ref para kumuha ng bacon at hotdog. Favorite kasi namin ni Sebastian ung dalawang un.  Ipinrito ko na rin un.

Naglagay naman ako ng kape sa coffee maker para paggising ni Sebastian, ready na ung coffee niya.

After ilang minutes, nagising na rin si Sebastian.

"Good morning babe! Breakfast is ready!" energetic kong sabi pagbaba ni Sebastian.

"Morning." sabi niya at dire-diretsong umupo sa dining table.

"Anong gusto mo? Coffee? Tea? or Me? Joke! Kukunin ko lang ung coffee sa coffee maker." sabi ko. Hahaha. Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng kape.

Pagbalik ko sa dining area, grabe! Ngayon ko lang nakita si Sebastian na sobrang dami kumain. Sobrang sarap yata ng pagkakaluto ko.

"Masarap ba ang pagkaluto ko? Mukhang ginanahan ka ata ah." sabi ko.

"Okay lang. Bakit ikaw pala ang nagluto?" tanong niya.

"Wala lang. Gusto ko lang na ako ang magluto ng breakfast natin. Ang aga kong gumising dahil lang dyan."

"Hindi mo naman na kailangang gawin to. You should've let manang to do this. Umupo ka na nga lang dito at kumain na rin."

"Okay lang yun." sabi ko. Pero, ang pag-upo ko ay ang pagtayo niya. Ayaw niya ba akong makasama kumain ng almusal?

"Saan ka pupunta? Kauupo ko lang ah."

"Malelate na ako sa work. Kailangan ko ng maligo."

"Wait! Hindi ka pupunta sa office mo. Ngayon ang fitting ko ng gown at ng suit mo. Remember? Para sa kasal.."

"Fitting?! I'm sorry but I have no time for that."

Nanlumo ako sa sinabi niya. Wala siyang oras para lang makapagpasukat ng suit niya. Wala rin siyang oras para sa kasal namin.

Nakakainis!

Dahil to kay Aisha eh. Dahil to sa malandi niyang secretary!

Aaaaaaargh!
---
Nakakainis lang. Mag-isa akong pumunta sa designer ng gown ko. akong mag-isa lang ang nagpasukat. Nung hinanap niya si Sebastian, eto na lang ang sinabi ko,"Paki mo ba?! Eh sa wala nga siyang time sa akin. Sayo pa kaya meron?! Magsukat ka na nga lang!"

The CEO's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon