(Aisha's POV)
"ANO?! Secretary mo?! Nako, nako, ayoko ng ganyan ha." nabigla naman ako sa sinabi ni Sebastian. Ako, secretary niya? What the?!
"Wala ng urungan Aisha. Pumayag ka na. Hindi ka na pwedeng magback-out. At saka, ano naman masama maging secretary ko?Marangal naman na trabaho un ha. Malaki pa sweldo."sabi ni Seb.
May point naman siya dun. Ang kaso lang eh, hindi ko nga natitiis na makita at makasama siya ng isang oras, eh pano pa kaya kung secretary na niya ako. Ang pinakamatagal na naming exposure sa isa't-isa, ay nung date namin. Well, di pala un date, nung namasyal kaming dalawa.
Tumingin naman ako kay boss, "Eh, boss. Kailangan niyo po ba talaga akong tanggalin sa shop? Maganda naman po diba performance ko dito."
"Eh, Aisha, nung si Sebastian na kasi ang nagbantay dito sa shop, mas maraming customer ang pumupunta dito."
"Eh sir.. Please sir. Ibalik niyo na po ako dito. Kahit po magstay-in nako dito."
"Aisha! Ano naman masama sa pagiging secretary ko, ha?"
"Wag kang sumabat diyan! Ikaw ang kasalanan kung bakit ako nawalan ng trabaho!"sabat kasi ng sabat tong Sebastian na to. Akala mo kung sino!
"Well, Aisha. You have no choice. You've agreed na maging secretary ko. Now, I'm asking you, will you take it or leave it?"
Ano Aisha? Papayag ba ako?
Bigla ko namang naalala ung mga kapatid ko, at si nanay. Kung mawawalan ako ng trabaho, hindi makakakain ng maayos si nanay at ung mga kapatid ko. Wala rin kaming ipambabayad sa kuryente, tubig at pati narin sa pag-aaral ng mga kaptid ko. Well, wala na talaga akong choice!
"Sige na! Papayag nako maging secretary mo! Pumayag ako hindi dahil gusto ko, pero dahil sa mga kapatid ko at sa nanay ko." labag man sa kalooban ko, eh pumayag na ko. Kapakanan din ng nanay ko at mga kapatid ko nakasalalay dito.
"Thank you Aisha!" sabi ni Seb.
"Thank you thank you ka diyan!"
"Sir, magreresign na po ako!" sabi ni Seb! ANO? Unang araw palang nyang nagtatrabaho magreresign na siya?! Pambihira!
"Okay Sebastian. Pumirma ka nalang dito."
Ganon ganon na lang yun?
"Seryoso boss?"tanong ko kay boss. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon!
"Oo, Aisha! Wala naman siyang contract dito kaya anytime pwede siyang magresign. Ikaw din, wala ka ding contract dito kaya anytime pwede kitang ifire." Boss! Bakit kailangan niyong gawin to!
"Sige na Aisha. Magprepare kana. Ikaw din Sebastian."
"Yes Boss. Halika na Aisha! Iuuwi na muna kita sainyo. Bukas ka na magstart." Waaaah! End of the World na ba?!
"Sige na nga! Wala naman akong choice eh."
*Bahay
"Ma! Fired na ko! Waaaah! Wala na tayong pagkain! Wala na tayong panggastos! Wala na lahat! Wala naaaaaaaa!"
"Anak?! Wag kang OA! Diba secretary ka na ni Sebastian Babe mo? Okay lang un. Ikaw talaga."
Ano? Alam niya na secretary na ako ni Sebastian?! Plinano ba nila to? Joke ba to?
"Nay!! Plinano niyo ba to?!"
"Peace Anak! Napagutusan lang. Hihi." Sabi ni nanay sabay peace sign pa.
Nakakainis!>.<
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Teen FictionA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...