(Aisha's POV)
At heto kaming dalawa ni Van, naglelecture about sa Dating 101 niya.
Hindi ko naman alam na sobrang nakakastress pala tong ginagawa namin!
"Okay. Susunod naman nating gagawin ay ang etiquette mo sa harap ng table. First, you shouldn't put your elbow on the table. It's rude. And a good person doesn't put her elbow on the table." sabi ni Van.
Dahil sa pagkabored ay ipinatong ko ang siko ko sa lamesa.
"Hey! Diba kakasabi ko lang sayo na never put your elbow on the table?!"
"Eh hindi pa naman to actual date!"
"Exactly! Hindi pa nga tayo actual na nagde-date, hindi mo na kaagad sinusunod ang sinasabi ko sayo! Paano pa kaya kung nagde-date na tayo?!"
"Whatever!"
Okay. Grabe naman to si Van, akala mo may mamamatay pag may nagawa kang mali sa table manners niya!
"Next, kung mapapansin mo, may mga table napkins na nakalagay sa may table. Ganito lang ang gagawin mo. Napkins should be placed on the lap as soon as you are seated. When you get down from the table, leave the napkin, unfolded on the table, to the left of the place setting."
"Okay. Pero mapapansin ba nila kung hindi mo nilagay ung table napkin sa lap mo? Hindi naman yata nila ichecheck kung nakapatong na ung table napkin sa lap mo. Buti pa sa Jollibee hindi yan required!"
"Alam mo, makinig ka nalang!"
"Fine! Hanggang kailan kaya to matatapos?!" hininaan ko lang boses ko at baka marinig ni Van at uminit nanaman ang ulo.
"Okay, next rule, Do not begin eating until everyone has been served. Always prioritize others. But, since minsan lang naman tayo magsasama ng ibang tao, di naman to masyadong important."
"Okay. Waaaaaaa." sabi ko sabay hikab. Inaantok ako!
"Last but not the least, when you have finished eating, place your knife and fork - with the tines facing upwards - together on your plate."
Yes! Tapos naaaa! Yesss!
"Okay, since lunch na din naman, ioobserve kita ng mabuti kung gagawin mo ung mga tinuro ko sayo about table manners."
Ano?! Ano to practical quiz?!
"Haaaay. Ano practical quiz lang ang peg?!"
"Yes! And pag successful ang practical quiz mo, may prize ka sa akin!"
"Ano ako bata? Bibigyan mo ko ng prize tapos candy lang?!"
"No! It's more important than a candy, and it's the most precious thing in your life! Ano game?!"
"Okay! Game!"
---
(Van's POV)
I'm tired of Dating 101.
Andaming ginagawa. Andaming rules.
Pero, ako nag-isip nun.
Hindi totoo ung kwento kong ginagawa ko ang Dating 101 sa mga naging girlfriend ko. Kaya nabuo ang Dating 101 kasi gusto kong mas mapalapit ako kay Aisha, and I want her to move on to Sebastian. And I know that moving on is a way na maglalapit sa amin ni Aisha. I love her! I really love her.
I think love at first sight brought us together!
It's peculiar for me to love at first sight. Ngayon ko lang naramdaman to. Bumilib ako sa fighting spirit niya nung nag-confess siya sa harap ng maraming tao at kay Sebastian. Nagulat din ako sa nangyari. Hindi ko aakalaing hahayaan niyang ma-fall si Aisha sa kanya. Because, sa family nila Sebastian, it is a ritual to be married to a business partner. Kaya ang tanga ni Sebastian. If I were Sebastian, hindi ko hahayaang ma-fall sa akin si Aisha. I will be happier and more contented with us being friends.
Pero, hindi ako si Sebastian. At hinding hindi ko hahayaang masaktan pa ni Sebastian si Aisha.
Sige, saktan niya si Aisha, at mas masasaktan siya..
--
(Aisha's POV)
"Okay, game!"
Ano naman kaya ang prize netong si Van. Nagpwesto siya ng plate, table napkin, spoon and fork at tubig.
"Okay, Aisha ready ka na?"
"I am born ready!"
"Okay pasok na kayo!"
"Ha? Sinong papasok?!" bigla kasing nagpapasok si Van. Eh hindi ko naman alam kung sino papasok.
"Kami. Kami ang papasok!"
"MAMA?!"
----
(A/N: Yung nasa picture ung suot ni Sebastian nung silver wedding anniversary.)
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary
Teen FictionA story that started in a coffee shop. At dahil sa isang simpleng plano, mabubuo ang isang complicated love story. May mabuo kayang pagmamahalan o tanging paghihiganti ang mamumuo sa kanilang storya? This is 'The CEO's Secretary'. (Formerly, It All...