#HL27

251K 13.2K 8.8K
                                    


CHAPTER 27

Trigger Warning: Graphic depictions of depression, anxiety, and su*cidal thoughts.


◆◇◆

VIEN


CICUTA maculata.

It's the scientific name for water hemlock, one of the world's deadliest plants. Ingesting a certain amount can give its victim a case of retrograde amnesia—a kind of memory loss where one cannot recall memories that happened before a certain event.

After studying the plant's effects and reactions with certain chemicals, I was able to create a formula that can cause a specific kind of retrograde amnesia. Depending on the level of toxicity, the person who inhales the potion's scent will forget all memories related to the last person that the victim has interacted with.

An hour has passed and we're still here in the basement, sharing a moment of silence, staring in space. I held an unconscious Miss Fiorisce in my arms, her cheeks wet with my tears.

"Xalvien. . . w-what have you done again?"

I embraced her small, fragile frame. . . and within those quiet seconds, I remembered the last time I held her like this. Fourteen years ago—the same year I created the potion that would start a series of cracks in our lives.


***

July 20, 2011

Villa Vouganville


"IAAKYAT ko na ito sa kaniya, ha?" wika ko sa'king mga kaibigang kumakain pa sa mesa. Kinuha ko ang platong may lamang pagkain at nilipat ko ito sa isang tray. Labing-apat na taong gulang ako at wala pang isang taon na naninirahan sa Villa Vouganville.

"Xalvien." Tinawag ako ng batang Xildius. Kasing lalim ng kaniyang boses ang kaniyang iniisip. "If she still doesn't want to eat, you have to force feed her. Ilang araw na siyang hindi kumakain at napakahina na ng katawan niya."

I didn't respond, because there was really nothing to say.

"Kunin mo na rin itong mansanas ko, baka sakaling magustuhan niya," dugtong ng labintatlong taon na si Xantiel sabay lagay ng prutas sa tray. "Kailangan niya ng lakas."

Pumanhik na ako sa hagdanan, ramdam sa likuran ang pagmasid nina Xantiel at Xildius mula sa hapagkainan. Wala man silang sinasabi, dinig sa katahimikan ang kanilang pag-aalala.

Kumatok ako sa pintuan kahit na alam ko namang hindi tutugon ang batang nasa loob ng kuwarto. "Pasok ako, ha?" aking paalam.

Pagbukas ko ng pinto ay naroon ang isang siyam na taong gulang na babae—nangangayayat, lubog ang mga pisngi, at tadtad ng mga kamot ang balat.

The buzzing of fruitflies and the foul stench of rotten food immediately stole my attention. Pagtingin ko sa table, hindi niya pala ginalaw ang pagkaing iniwan ko kagabi. Napanis na ito't nilalangaw.

Nilapag ko ang bagong plato't kinuha ang panis na pagkain para itapon saglit. Pagbalik ko, nagkakamot na naman siya ng katawan. "Fleur!" mabilis kong pag-awat sabay hawak sa mga braso niya. "Itigil mo ang pagkakamot, masusugatan ka niyan!"

Pagtingin ko sa kaniyang balat, puno ito ng mga galis, gasgas, at sugat. Iba-iba ang mga direksyon nito, ang ilan ay malalalim. Ngunit halatang lahat ito ay gawa ng kaniyang matatalas na kuko.

Paghawak ko sa kamay niya, napansin kong halos magdugo na ang dulo ng mga daliri niya dahil sa kaniyang hindi maawat na pagngatngat ng kuko.

"Fleur! Please, stop biting your nails and stop scratching your skin!" I told the poor little girl.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon