AUTHOR'S NOTE:I recommend listening to #HLHuLingYugto's playlist on Spotify while reading this update, and the Epilogue which will come out after this chapter. Just search for "Irshwndy Stories" on Spotify! Maraming salamat. ❤️
#HL35
"FIORISCE, puwede kayong manirahan muna sa Villa Vouganville."
With careful hands, Fifteen took my arm and caressed it, letting me know that they are always ready to help. "Tutal dito naman talaga kayo nanirahan noon," alok niya.
My lips stretched out a short smile as I declined. "Hindi na, Fift. Ayaw rin naming makaabala sa mga kasong inaasikaso niyo ni Prof. Ako na ang bahala kay Xalvien. Sa kaniya muna ako maninirahan."
Inubos ko ang mga natitira kong enerhiya sa pagsusulat ng mga artikulo na nagbubuko sa mga karahasang nagaganap sa loob ng Asylum de Psychomorphosis. Nang mailabas na ito sa wakas sa The Street Sentinel ay nagpaalam muna ako ng mahaba-habang sabbatical leave.
"Fior, tandaan mong hindi kayo nag-iisa, ha?" malumanay na bilin ni Xantiel. Tinutulungan niya akong maglipat ng mga kagamitan ko sa mansyon ni Doc. "Palagi akong bibisita! Kung kailangan mo ng mga magre-repair ng mga bagay-bagay, tumawag ka lang sa Xantiel hotline. Okay?"
Pinisil niya ang pisngi ko sabay dantay ng noo sa ibabaw ng aking ulo. "You've really grown into a strong woman, our little baby Fleur. The professor and I are so proud of what you have become. At tandaan mo, kahit 24 ka na, ikaw pa rin ang unica hija ng mga Vouganville. Kuya Xanti mo pa rin ako, okay? Huwag kang mahihiyang humingi ng tulong."
Inabot ko ang kaniyang ilong para malambing na pingutin ito. "Noted, Kuya Xanti!"
His lips moved as he tried his hardest to smile. Binuhat niya na si Xalvien at inalalayan ko siyang iupo ang doktor sa wheelchair. He made sure that his friend is securely seated before tapping my shoulder once again.
"Are you really sure you want to do this alone?" nag-aalalang pahabol ni Xantiel. "Puwede akong manirahan dito kung kailangan, Fiorisce."
Umiling ako at marahang sinuntok ang kaniyang braso gamit ang nakakuyom na kamao. "I'm a big girl now, okay? Xalvien has always taken care of me ever since we were kids. And now, it's my time to take care of him. Marami na kaming pinagdaanang magkasama simula noong maliliit pa lang kami. Kaya na namin 'to. Kaya ko na ito, Xanti."
Nag-aalinlangan muna si Xantiel bago ko siya tuluyang nakumbinsi. Bago umalis ay may kung ano-ano siyang mga in-install sa mansyon ni Doc. Isa-isa niyang itinuro sa akin ang paggamit ng mga ito.
"Itong smart ref, kabisado niya ang healthy meal plans para sa inyo ni Doc. Alam niya kung may mabubulok na ba sa mga karne't prutas sa loob. Ito namang smart vacuum, siya na bahalang maglinis ng mansyon para mabawasan ang mga inaasikaso mo. Naglagay rin ako ng smart assistant, tuwing may kailangan ka ay kausapin mo lang ito," sunod-sunod niyang pagbilin. "Wala ka nang kailangang alalahanin kung 'di kayong dalawa ni Doc. Please take good care of yourselves. Rest and find strength again, okay? At uulitin ko, huwag mahihiyang tumawag, ha!"
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...