WARNING:This chapter contains major events. Strictly DO NOT post spoilers of Chapter 26 anywhere. Trigger Warning: Abuse.
***
ASYLUM de Psychomorphosis.
Those set of words were drilled into my head like three strong jabs of huge-ass needles. Bumaba ang aking paningin papunta sa artikulo para basahin ang tungkol dito—pero biglang may kamay na lumitaw at sinarado nang malakas ang laptop.
Naramdaman ko ang mabibigat na paghinga ng lalaki sa'king likuran. Paglingon ko, isang pawis na pawis at hinihingal na Dr. Xalvien ang sumalubong sa harapan ko. "D-Doc?"
"No, p-please—no! M-Miss Fiorisce, no!" His voice was breathy, staggered, restless. The degree of fear within his eyes were so severe, he was almost convulsing. "No! N-No! No!"
Bigla niya akong niyakap nang mahigpit mula sa likuran. Ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng kaniyang buong katawan na nakadikit sa akin. Dinala niya ako paatras hanggang sa mabangga niya ang istante ng mga libro. Nahulog ang mga aklat sa sahig, pero hindi pa rin ako binibitawan ng doktor.
"D-Doc? Calm down, please. . ." Kahit ako ay kinakabahan na dahil sa kaniyang inaakto. "Puwede ba nating pag-usapan ito?"
Ngayon ko lamang siya nakita ulit sa loob ng matagal na panahon, sa ganitong pagkakataon pa.
Umiiyak ang doktor, dinig na dinig ko ang matitinis niyang paghikbi habang mariing nakasubsob ang mukha sa balikat ko. Dahan-dahang nanghina ang mga binti niya't bumagsak kaming parehas sa sahig. Nakayakap pa rin siya't wala akong balak na pakawalan.
"Doc Xalvien. . ." I whispered, so confused and clueless. "W-What's happening, Doc? You're scaring me."
"S-Stop searching. Stop d-digging. Stop getting yourself involved," he croaked. "Please, Miss Fiorisce. . . I beg you."
I bit my lip and shook my head. "But I am involved! Bakit password mo ang mga letra't numerong nakasulat sa braso ko noon?! Ano ang Asylu—"
"Don't even mention that name!" pagtataas niya ng boses. "Don't. . . please."
Dr. Xalvien's chest was pressed firmly against my back, I could feel his erratic heartbeats. "Your lavender, do you have it with you? Pampakalma mo iyon, 'di ba? Magpakalma ka muna't pag-usapan natin ito nang maayos."
"I-If I do, will you promise not to do anything? W-Will you promise not to leave my sight?" he asked in a helpless voice.
Marahan akong tumango bilang pagtugon. Masiyadong nanginginig ang mga daliri niya kaya hindi makuha ng doktor ang maliit na bote sa kaniyang bulsa. Tinulungan ko siya't ako na mismo ang nag-alalay para maamoy niya ito nang mabuti.
"Feel better?" I asked while placing the small bottle of lavender oil under the doctor's pointed nose, watching closely as he takes a whiff of the scent.
"No. . ."
Napabuntonghininga ako dahil sa magkahalong pag-aalala't pagtataka. "Ano'ng kailangan kong gawin para mapakalma ka?"
His rough hands held my hands together in one clasp. Halos mapaso ako sa sobrang lamig ng mga kamay ni Doc. Hindi siya nagsasalita, malalim lamang na nag-iisip.
"G-Gusto mo ba talagang malaman ang tungkol sa nakita mo?" kaniyang mahinang sambit na siyang tinanguan ko. "Come with me, Miss Fiorisce."
Dinala ako ng kaniyang malamig na kamay papunta sa isang sulok ng mansyon na hindi ko pa nararating kahit kailan. Sa pinakadulo ng unang palapag ay isang maitim na pintuan na gawa sa kakaibang uri ng kahoy. Nang itulak ito ng doktor ay saka ko lamang napansin ang kapal ng pintuan na ito, halata ring mabigat dahil sa puwersang kinailangan ni Doc.
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...