#HL29◇◆◇
VENGE
"GOOD morning, Attorney!"
The reporter grinned her teeth out like it's the cure for fucking cancer. I'm not complaining, though. But I just find it hard to stop myself from smiling back, I had to bite my knuckles.
"Good morning, miss reporter," I greeted and reached for the car door on the other side, opening it for her without leaving my seat. "Aren't you gonna use our code? What if I'm the doctor?"
"You're not the doctor." She confidently shrugged me off as she settled herself on the passenger's seat. "I'm sure. Kabisado na kita, eh."
"Wow, someone's acting too mayabang." Kusang tumaas ang sulok ng labi ko. Someone's acting too cute.
"Bakit naman sure ka na?" Hindi ko napigilan ang kamay ko na pisilin ang pisngi niya sa sobrang panggigigil. "Kakakilala mo pa lang sa'kin, ha?"
Gumanti siya sa'kin, pinisil naman ang pisngi ko pabalik. "Kakilala na kita noon, 'di ba? Duh! Pero fine, I'll play with you."
She removed her hand from my cheek and daintily placed her finger over my lips. "Hush, Attorney."
Napanganga na lang ako sa sinabi't ginawa niya. What the actual hot damn!?
Manhid ba talaga 'tong babaeng 'to?
Wala ba talaga siyang ideya sa ginagawa niya? O talagang sinusubukan niya lang ang hangganan ko?"Hala, hindi ka sumagot!" Sarkastikong namilog ang mga mata niya ngunit halatang nagbibiro lang. "Doc, is that you?"
Hindi ko tuloy napigilang kurutin ulit ang pisngi niya. Ginagawa ko iyon para hindi niya mahalata ang pamumula ng mukha ko. "Louder. Happy? Tara na, saan ba tayo?"
"Basta sundan mo 'yong binigay kong pinned location," sagot niya sabay kabit ng seat belt.
Wala akong alam kung ano ang balak ni Reporter ngayong araw o kung saan kami pupunta. Niyaya niya lang ako bigla na lumabas.
Alam kong may mga bagay na kailangan kaming asikasuhin, tulad ng impormasyon sa nakaraan at kung bakit nawala ang kaniyang memorya, ngunit hindi na rin siguro masama kung paminsan ay may mga araw ring ganito kung kailan gusto lang naming gumala.
Sinilip ko ang phone na nakakabit sa tabi ng manibela't nakitang malapit na kami sa destinasyon.
Nagtaka ako nang makitang ang lugar na kaniyang nilagay sa pin ay isang park, ngunit lalo akong nagulat nang makita ang mga kaibigan niya sa The Street Sentinel na nakaupo sa isang picnic blanket doon sa may damuhan.
"H-Hey, why are they here?" I asked, panicking. Ililiko ko na sana ang sasakyan pabalik nang pigilan niya ako.
"Venge! Ano ka ba, gusto kitang ipakilala sa kanila!" kaniyang rason habang nakahawak sa kamay ko na mahigpit na nakahawak sa manibela.
"T-They don't know me, reporter." I sighed and shifted my body towards her. "They only know the doctor. Kaya lagi lang akong nag-aabang sa'yo sa labas ng opisina niyo."
"Iyon na nga, Venge. Kaya kita gustong ipakilala," pagpilit niya, mas kunot pa ang noo kaysa sa akin. "It's time that people get to know you, for them to acknowledge you, to know that you exist!"
"I. . ." Nawalan ako ng rason para tumanggi. Hindi ko rin alam kung bakit ba ayaw ko.
Siguro, masiyado lang kasi akong nasanay. Nasanay na tinatago. Nasanay na hindi kilala ng tao.
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...