#HL33

289K 12.2K 20.7K
                                    




#HL33


"VENGE is here."

The attorney's husky voice introduced himself with a sinister smile and narrow eyes.

Curiously, those were followed by a pair of smiling eyes and a gentle voice. "We're both co-conscious right now," sunod naman ng malambing na boses ni Xalvien.

Sa sobrang bigla't hindi pagkapaniwala ay napaatras ako na naging dahilan upang masagi ang plorerang nahulog sa sahig. Lahat sila ay napatingin sa direksyon ng nabasag na vase, ngunit ang mga mata ko'y nakapako pa rin sa matipunong lalaki sa tapat ko.

Vien and Venge are. . . co-conscious? Are they fronting at the same time right now?

Narinig ko ang pagbuntonghininga ng propesor. "Hay, bagong bili lang ang vase na 'yan. . ." kaniyang reklamo habang nagmamasahe ng sentido. "Mabuti pa, ituloy natin itong pagtitipon natin bukas. Kakabalik lang din ngayong gabi ng mga alaala ni Fiorisce. Hayaan muna natin siyang makapagpahinga."

Hindi pa rin umaalis ang titig ko kina Xalvien at Xalvenge, nakatayo lamang siya roon at nakasandal sa dingding, pero ramdam ko ang presensya nilang dalawa—I can't explain why, but my heart can just feel it. My nervous, restless, and uneasy heart which is beating so loud that it wants to jump out of my chest.

Namamanghang nakanganga ang bibig nina Venge dahil sa aking reaksyon, sinundan ito ng pagngiti. "Alam kong may hitsura kami, pero para namang first time mo lang kaming nakilala?" bigkas niya na may pagtaas saglit ng balikat.

Napatakip ako ng bibig, naramdaman ko ang mga luhang nangingilid na sa'king mga mata. "T-Totoo bang magkasama kayo ngayon? Parehas kayong n-nariyan ngayon?"

"Yes, Miss Fiorisce. . ." answered Vien's voice. They then raised their arms forward with hands open, as if beckoning me to come. "We're both here right now."

I sniffed for a second, scrunched my nose, and tearfully ran towards them. The impact of my excited hug made their body bang against the wall, but they still accepted my sudden embrace with a smile, wrapping their arms around my body.

"V-Vien, V-Venge!" I cried as I clung to their neck, burying my face on their right shoulder. "Sa wakas, bati na kayo! Sa wakas, magkasundo na kayo. . . S-Sobrang saya ko—parang sasabog 'yong dibdib ko sa sobrang tuwa!"

Tumingala ako saglit at napansin kong namumula ang kanilang tainga. "Parehas niyo bang nararamdaman ang yakap ko?" inosente kong tanong.

"Yes, reporter. . ." sagot naman ng boses ni Venge. "Ramdam naming parehas ang yakap mo, k-kaya naman medyo delikado ang lapit ng katawan mo. Parehas yata kaming nasabik ni Vien."

"H-Ha?" Titingnan ko sana kung ano ang kaniyang ibig sabihin, pero imbes na bigyan ako ng pagkakataon ay niyakap na lang nila ako nang mas mahigpit.

"We share each other's feelings, and since we were both excited. . . L-Let's just say that your simple embrace was kind of a double-shock to us, Miss Fiorisce." Si Xalvien ang nagpaliwanag na parang nahihiya.

"Hindi ko akalaing darating ang panahong mayayakap ko kayong dalawa nang sabay!" naiiyak kong paghikbi sa loob ng kanilang mga bisig.

Habang may moment kami sa gilid ay nakarinig kami bigla ng pagngitngit mula sa gitna ng sala.

"Tara Professor, uwi na tayo," pagsingit ng boses ni Xantiel na sumisingkit ang mga mata sa inggit. "Hindi na yata tayo kailangan dito, eh."

"Bahay ko 'to, Xantiel," walang emosyong sagot sa kaniya ni Xildius. "Sila ang umuwi."

Si Fifteen ang umawat sa dalawa, pinaalalang ubusin ang hinanda niyang mga sandwich. Ilang minuto lang ay nag-join na rin kami sa kanila.

Natutuwa akong panoorin kung paano kulitin ni Xantiel si Venge, at kahit nagsusungit ay alam kong natutuwa ang abogadong magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon