#HL30

231K 12.6K 8.6K
                                    




#HL30


IT WAS getting late but the attorney was kind enough to let us stop by our office. We were looking for my missing notebook, but I honestly can't concentrate at searching—my mind is too preoccupied and my heart is too uneasy.

Kaming dalawa lang ni Venge ngayon, at umaalingawngaw sa buong opisina ang katahimikan. Bawat kaluskos niya ay tumitindig ang balahibo ko. Bawat kilos niya ay dumadagdag sa kaba ko.

I told him that he could stop looking for my notebook, but the truth is, I really wanted us to keep on looking just so we can spend more time alone.

I wanted to delay this night, and I wondered if it was getting too obvious.

Nang lapitan ko siya sa lamesa ni Renhur ay nagtaka ako dahil tila humihikbi siya.

Is there something wrong? Parang masaya lamang kami kanina. May nagawa ba akong mali?

Hindi ko inaasahan ang sunod-sunod niyang pag-amin ng damdamin.

"What if I tell you that I was tempted to keep you away from your memories, huh? Hindi ako santo, Fior!" Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Ito ang unang beses na marinig ko ito mula sa kaniya. "Paminsan ay naiisip ko rin ang mga bagay na iyon. Natutukso rin akong ipagkait sa'yo ang katotohanan. . ."

The attorney who was always cocky and confident is breaking down in front of me right now, and it hurt to see him hurting.

"Gusto kita, putangina, mahal na mahal kita! Pero ayokong ipagdamot sa'yo ang nararamdaman mo! Si Vien ang gusto mo. . . Si Vien ang dapat mong gustuhin. . ."

Why are you telling me you love me, yet you're pushing me to love someone else?

Napakaramot ba talaga kung susundin ko ang nararamdaman ko ngayon?

Napakaramot ba talaga kung pakikinggan ko ang bulong ng puso ko?

Para lamang sa nakaraan, kailangan ko ba talagang isakripisyo ang ngayon?

My head is in a complete mess right now, and my heart is the only thing that's giving me clarity.

Kung hindi namin alam ang mangyayari bukas. . . baka sakaling puwede naming sulitin ang gabing ito?

Kahit ngayong gabi lang. . . baka sakaling puwede kong pagbigyan ang puso ko.

Ayoko na munang isipin kung ano ang katotohanan, kung ano ang nakaraan.

If this is us being selfish, then let us be selfish even just for tonight.

"I love you helplessly too, Attorney." Before I knew it, my heart had pushed my mouth to confess.

My lips moved on their own and filled the gap between the attorney's parted lips.

My kiss was careless, clumsy, and mixed with tears. My lips were trembling and I'm sure he felt that too.

Paglisan ng mga labi ko sa kaniya ay tiningnan ko siya nang may mapupungay na mga mata. "Venge. . ."

Suminghap siya't umiwas ng tingin. "Y-You're just saying that now because you can't remember the past, reporter." Pumikit siya nang mariin na tila ba napakasakit ng halik na iniwan ko. "When your memories come back, your feelings would change."

Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ng dating ako, hindi ko rin alam kung ano ba ang mararamdaman ko kung sakaling bumalik ang mga alaala ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko't pinilit kong ngumiti. "N-Natatakot din ako kung ano ang mangyayari bukas. Natatakot din ako kung may magbabago ba. . ."

I took the attorney's sleeve and fidgeted with its cuff as I whispered out my feelings.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon