AUTHOR'S NOTE:Congrats sa mga naka-survive ng first week nila ng classes!
Here's a big hug for doing your best! 🤗
***
◆◇◆
VIEN
I STRETCHED my arms out into a streamline position, stacking my right hand over my left, and squeezed my biceps against my ears. I tightened my core and sprung forward, diving a distance of two meters into the Olympic-sized pool.
SPLASH!
I turned my body around so that I'm lying above the water and started doing backstrokes. My rhythm was constant—arms above my head, beside my ear, then back to the water. Arms above my head, beside my ear, then back to the water. My biceps and back muscles contracting with every shoulder rotation.
When I reach the end of a lap, I automatically turn around to swim back to the other side of the pool. Paulit-ulit lamang ang aking mga kilos, pare-parehas lamang ang bawat galaw. It made me remember the memory loops and repeating first encounters that I go through with Miss Fiorisce.
Paulit-ulit at pare-parehas din ang nangyayari.
Nang makaahon ako sa pool ay inibabaw ko sa 'king katawan ang puti kong tuwalya. Inaraw-araw ko na na ang paglalangoy para lamang ma-distract ako sa mga bagay-bagay. I brushed my wet hair with my long fingers as I drank from my stainless tumbler, gulping down hydrogen water with my eyes shut tight.
Pagkaligo't pagkabihis ay dumiretso na ako pauwi sa mansyon. My whole body hurts from my morning swim, so I immediately plunged myself on the bed. Habang nakangudngod ang mukha ko sa unan, naalala ko ang mga araw na gumigising akong katabi si Fiorisce sa kamang ito.
"Miss Fiorisce. . ." anas ko habang hinahaplos ang bakanteng espasyo sa kumot. "If ruining ourselves is what it takes to keep us happy. . . then is it still called happiness?"
Hindi ko alam kung ang mga basang patak sa unan ay galing ba sa mamasa-masa ko pang buhok, o sa ligaw na luhang nakatakas sa gilid ng mata ko.
Umupo ako sa dulo ng kama para kunin ang isang dilaw na notebook mula sa loob ng drawer. Ito ang kuwadernong laging dala-dala at sinusulatan ni Fiorisce. Binuksan ko ito para basahin ang kaniyang mga sulat-kamay na ulat sa mga puti nitong pahina.
First interview with Dr. Xalvien Vouganville
Bad side #1: Late dumarating sa usapan.
Napangiti ako nang mapansing may ekis sa ibabaw ng mga salitang iyon. Ito 'yong unang araw ng aming interview kung kailan kumain kami sa isang mamahaling restaurant.
Dr. Xalvien's good side #1:
Nagdesisyon siyang maging psychiatrist para matulungan ang kaibigan niyang may phobia.
(Not sure if male friend or female friend.)
My lips formed a bittersweet smile as I whispered my answer. "It's a female friend, silly." My fingers traced her handwriting. "It's you. . ."
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng kaniyang mga report. Nakakatuwa silang basahin dahil marami rin siyang mga nakasingit na komento at doodles sa gilid ng mga pahina. Nakakaaliw rin kasi para talaga itong diary kung saan niya kinukuwento ang mga nangyari sa kaniya.
Nagpunta kami ngayon sa isang pambatang paaralan kung saan si Dr. Xalvien ay nag-volunteer bilang psychiatrist ng mga estudyante roon.
Dr. Xalvien's good side #2: Mabait siya sa mga bata. May potential maging daddy sa future.
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...