#HL34 Part 1

241K 10.1K 8.2K
                                    




#HL34

Part One


ALAS siyete y medya ng gabi kami nakarating sa aming destinasyon, inabot din ng labing-isang oras ang biyahe. Nasa isang malayong isla kami sa kalagitnaan ng Pasipiko. Hindi pa namin masiyadong naaaninag ang ganda ng kapaligiran dahil madilim na.

Dahil pagod sa biyahe, nagpahinga muna kami sa kaniya-kaniyang silid at nagpasya na lamang magsimula ng aming bakasyon kinabukasan. Tinulungan ako ni Venge na buhatin ang malaking painting na regalo nila sa akin ni Vien papunta sa kuwarto ko.

The two of us were a bit awkward, unable to look at each other in the eyes.

I just bit my lip, closed the door, and jumped face-first towards the big white bed. Good night, Fior. Tomorrow will be a busy day.

"Good morning, birthday girl!" pagbati ng malakas na boses ni Fifteen habang hinihila paalis ang aking kumot. Umaga na pala, at nakakasilaw ang malaking ngiti ng aking kaibigan. "Time for your two-piece!"

"Hindi ko na birthday. . ." humihikab ko pang sagot. Hinila ni Fift ang braso ko, at tinulungan niya akong magising sa pamamagitan ng pagmasahe sa pagod kong katawan.

"Bakit ka puyat? Mahaba ang flight natin, ah. Hindi ka ba natulog?" labas sa ilong na tanong ng tsismosa kong kaibigan, halatang may gustong iparating.

Si Fifteen ang pumili ng aking isusuot na swimsuit, at sinadya niyang terno kami ng disenyo. Nakasuot kaming dalawa ng matching two-piece bikini swimsuits—kulay purple ang akin, samantalang brown naman ang kaniya.

Paglabas namin ng kuwarto ay bumungad ang mabangong amoy ng kape na tinitimpla ng propesor. Si Xantiel naman ay busy sa kaniyang laptop habang may tinapay sa bibig. Hinanap agad ng mga mata ko kung nasaan ang lalaking kulang.

"Nag-e-exercise," biglang sagot ng engineer sa tanong sa aking isipan habang hindi inaalis ang paningin sa screen. "Gising na ang taong hanap mo. Nasa kuwarto nila."

"W-Wala naman akong hinahanap!" palusot ko, ngunit nagpunta pa rin ako sa tinutukoy niyang kuwarto.

I pursed my lips and walked towards the second room from the hall. Alam kong kuwarto iyon nina Vien at Venge. I squinted my eyes and tried to peek inside.

Walang tao.

Pag-atras ay nauntog ang ulo ko sa matigas na pader. Paglingon ko, hindi pala iyon pader—malawak na dibdib ang katapat ko ngayon.

"Good morning. . ." pagbati ng lalaking katapat ko, pulang-pula ang mga pisngi habang napapatingin sa suot kong lavender swimsuit.

He was dashing himself, wearing a black muscle shirt that emphasized his biceps. "Uhm. . . Venge and I are both awake, Miss Fiorisce."

Bigla akong nahiya sa swimsuit ko, medyo nakaluwa kasi ang aking hinaharap, kaya tinakpan ko ito at hinimas na lamang ang kabilang braso habang binabati sila pabalik. "G-Good morning din sa inyong dalawa."

I saw them clenching both fists while looking away.

"Shut your thoughts, Venge. I can hear you."

"Shut your mouth, Vien. She can hear you."

Sabay kaming naglakad papunta sa sala kung saan naroon ang iba naming mga kasama. Nilabas ni Fift ang kaniyang phone na nakakabit sa isang mahabang selfie stick. Dahil si Xantiel ang pinakamatangkad, hinawakan niyo ito sabay sigaw nang malakas na "Cheese!"

That was the very first photo of all five of us together.

***

"WELCOME to the Wildon Nymph Islands!" pagbati ni Fifteen sa kaniyang hawak-hawak na video cam. "For today's video, isasama ko kayo sa aming bakasyon! Narito kami sa isang isla sa gitna ng Pacific Ocean, kung saan less than ten thousand lamang ang populasyon. Can you believe it, Fior?"

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon