#HL31 Part 3

228K 11.6K 13.5K
                                    




#HL31 Part 3


◇◆◇

VENGE


"V-VIEN?"

May pag-aalinlangan sa boses ko, habang nagmamaneho ay ramdam kong nakatayo pa rin ang aking mga balahibo.

"Yes, Venge?" the doctor answered. My lips moved by themselves, but it was Vien's gentle voice which came out.

Buti na lang ay nakarating na rin agad kami sa mansyon. It was so dangerous to drive in my confused state of mind! Buti na rin at katulong kong magmaneho si Vien dahil kabadong-kabado talaga ako.

"Calm down, Venge. It's. . . hard to believe for me as well," palunok niyang sabi habang pinapatay ang makina ng sasakyan.

Kusang gumalaw ang mga paa ko't dinala ako ni Vien sa loob ng mansyon. Kunot ang noo ko habang pinapanood ang mga sarili kong kamay na gumagawa ng tsaa. I've never even brewed tea in my life!

"Here's some lavender tea to calm you down." Pag-upo namin sa dining table ay inangat ni Vien ang tasa ng tsaa papunta sa 'ming bibig.

Pag-inom ng tsaa ay nadura ko ito sa gilid. "Puweh! Ang pangit ng lasa, hindi ako mahilig sa tsaa!"

"Eh ano'ng gusto mo? Ayoko naman ng kape," kaniyang palya.

I brushed up my hair while shaking my head, still very bewildered about what's happening to our body. "Paano ka nakalabas habang nasa labas ako?" diretsahan kong tanong.

Nararamdaman kong sumasakit ang aking lalamunan. Dire-diretso kasi kaming magsalita at sunod-sunod ang aming sagutan.

"Let's pause for about two seconds before speaking," suhestiyon ni Doc sabay buntonghininga. "Huminga rin muna tayo, alam kong nakakabigla ito para sa 'tin—aray!"

Aray! Sinawsaw ko ang daliri ko sa mainit na tubig ng tsaa para subukan kung mararamdaman niya rin ito. And his response proved that he certainly did. Kung ano ang nararamdaman ko ay nararamdaman niya rin. Parehas kaming napaso dahil sa ginawa ko.

"Venge, sabi ko kumalma, hindi magpakatanga!" reklamo sa'kin ni Vien.

Pinatong ko ang aking pisngi sa nakatikom kong kamao at naghintay sa kaniyang sasabihin.

"I guess gaining access to the fragmented parts of our memories triggered our co-fronting," dahan-dahan niyang paliwanag. "Dahil naghati ang memorya natin ng nakaraan, kinailangan naming alamin ang mga nasa alaala mo para matukoy ang bagong lokasyon ng asylum. I could remember seeing doctors talking about it and passing some paper around. Pero hindi ko nakita ang nakasulat dito. My theory is, that certain information went to your part of our memory."

Naalala ko nga ang bahaging iyon, ngunit hindi ko pa masiyadong matandaan ang nakita kong nakasulat.

Magsasalita pa lang sana ako nang marinig ko ang pagngiti ni Vien. "It's okay, Venge. Hindi mo kailangang puwersahin ang sarili mo. Nakakapagod din itong ginagawa natin ngayon na sabay tayong nasa harap—"

"No!" Natuptop ko ang aking bibig sa biglaan kong reaksyon. Sa totoo lang, ayaw ko muna siyang umalis. Ito lang ang unang beses na magkakasama kami nang ganito. "H-Hindi mo kailangang umalis agad. . ." nahihiya kong sabi.

Tumawa nang marahan ang doktor. Kakaiba sa pakiramdam dahil nadamay ako sa kaniyang pagtawa kahit hindi naman ako natatawa.

"W-What will happen now? Kaya na nating i-kontrol ang katawan natin nang sabay, ibig sabihin ba nito ay magiging isa na tayo?" tanong ko, naguguluhan sa bago naming natuklasan.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon