#HL28

266K 14.7K 15.8K
                                    




CHAPTER 28


FINDING OUT that I have an amnesia was like waking up in the middle of a rollercoaster ride without any seatbelt. I wasn't ready, not prepared, don't know where I left off, and have no idea what's coming to me.

Naging literal ang pag-ikot ng tiyan ko at matagal akong sumuka sa banyo ng bago kong opisina. It wasn't just something that's mentally shocking, my emotions were stirred up as well. I was anxious as hell. Imagine seeing new faces all of a sudden, seeing photos of yourself doing things you can't remember.

Nag-alala sa akin sina Renhur kaya pinayuhan niya akong magpahinga muna sa trabaho ngayong araw at pumunta sa kaibigan naming doktor. Nang mahimasmasan ay bumiyahe na nga ako patungo sa address na ibinigay niya.

"Miss Fiorisce," the kind Dr. Xalvien told me, "I can't speak for your condition because I'm a psychiatrist. You should consult a neurologist for amnesia."

"P-Pero kaya rin kasi ako nagpunta rito, nabanggit ni Renhur na nag-message ka raw sa kaniya na sunduin ako sa bahay? M-Magkaano-ano ba tayo bago ako nagka-amnesia?"

"Uhm, I'm just an investor and a shareholder for The Street Sentinel," tila may kabig sa dibdib niyang tugon. "Miss Fiorisce, do you have any head injury? Hindi biro ang amnesia. At kung wala kang external injury, lalong delikado dahil baka may internal hemorrhage ka na pala. I suggest you should go to a hospital soon."

Marami pa akong gustong itanong, pero tulad ng kaniyang mga mata ay tila umiiwas siya sa'kin.

"The primary foundation of trust is eye contact," pangiti kong sabi. "How can I trust my doctor if he can't even look at me?"

Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin ko iyon. Bigla siyang pinagpawisan na para bang nakakita siya ng multo.

"Doc? Is everything okay?" sambit ko habang nakakiling ang ulo. Sinusubukan kong silipin ang kaniyang ekspresyon.

I caught him licking his dry lips, his Adam's apple going down, and his brow twitching a little. Pakiramdam ko ay mas ninenerbyos pa siya kaysa sa akin.

Inayos niya ang kaniyang necktie at napalabi. "I-I guess doctors don't feel well at times, too."

Sinusubukan niyang idaan sa pagngiti ang kaniyang pakikitungo, pero bakas sa malamlam niyang mga mata na may tinatago siyang lungkot. Lungkot nga ba iyon o takot?

Whoever is making his heart weary, she must be a very lucky girl.

***

PAGKAGALING sa ospital ay binagsak ko na lamang ang bag ko sa kama. Napahiga ako sa tabi nito habang nakatitig sa kisame. Ang sabi sa akin ng mga doktor ay wala raw silang napansing kakaiba sa scans, wala raw akong kahit anomang internal injury na dapat kong ikabahala.

Sobrang weird, dahil ganoon din ang findings sa akin noong nagising na lamang ako sa ospital fourteen years ago. Wala raw kakaibang maaaring maging dahilan ng aking amnesia.

I inhaled, puffing my cheeks to collect some air before blowing my loose bangs upward. Kung ano man ang nangyari sa akin noon, siguro ay may kinalaman ito sa ngayon. After effects of my past amnesia, I guess?

Bumangon ako at tumungo sa laptop. Hindi na nag-atubili ang mga daliri ko't nag-search tungkol kay Dr. Xalvien Vouganville. Ewan ko ba, may kung anong tali na humahatak sa akin pabalik sa kaniya. Mas gusto ko pa siyang makilala.

While searching, I learned that the Vouganvilles are a very isolated family. In fact, napaka-espesyal nila dahil mabibilang lamang sa isang kamay ang mga Vouganville sa mundo.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon