"this chapter is dedicated to AdamLoveee kasi ang bait-bait niya sa akin sa group chat sa facebook. Hahaha"
--------------------------------------
Dalawang buwan na lang at malapit na ang isa sa mga engrandeng selebrasyon ng kaharian namin. Ito ay ang aking 16th birthday! Magkakaroon ng piyesta sa buong districts at ang hari o ang aking ama ay mamimigay ng tatlumpung sako ng bigas na paghahati-hatian ng mga pamilya kada isang district. Alam ko hindi ito sapat, pero siguro pampakuha lang niya ito ng loob para magmukha siyang mabaet at hindi mukhang gahaman. Tinatawag ko lang siya sa pangalang Dmitri kapag kausap ko lang ang sarili ko.
Goldstein Kingdom ang tawag sa aming kaharian. Ito ay napapalibutan ng isang malaking pader na may 54 ft. ang taas na may dalawang lagusang papasok at paglabas; ang daungan ng mga barko at bangka sa silangan at isang malaking gate naman sa kanluran.
Ang mga mamayang nakatira sa loob ng kaharian ay hindi maaaring lumabas maliban na lang kung sila ay nabigyan ng misyon o kaya'y kapag ipapadala na sila sa arena na ang tawag ay Matter para i-celebrate ang taunang Royal Games.
Sa pinaka hilagang bahagi naman ng kaharian nakatayo ang aming munting kastilyo. Medyo may kataasan ang lugar na ito siguro para magkaroon ng konting oras na makapag-handa ang kaharian kung sakaling ang mga lulusob sa amin ay manggagaling pa sa ibaba.
Merong fortress na binuo sa taas para magbantay sa mga magtatangkang lumusob sa amin, gayun din sa timog na parte ng kaharian. Sa likod naman ng kastilyo ay ang barracks o ang pinaka-lugar para sa mga kawal at sundalo.
Sa loob ng kaharian na ito ay may 32 districts na naka-numero base sa pinaka-malapit hanggang sa pinaka-malayong lugar mula sa kastilyo. Kahit na wala namang gerang kaganapan, nagte-train pa rin kami ng mga sundalo kung sakalin may masamang mangyayari.
May kumatok sa kwarto ko at narinig ko ang boses ni miss Summer. "Tuloy po kayo" sabi ko. Si miss Summer ay isang napaka-sweet na lolang personal kong katulong, pero hindi ganun ang turing ko sa kanya, para sa akin, siya ang bestfriend ko at pangalawang ina dahil siya ang bumubuo ng ilang pagkukulang na hinahanap-hanap ko.
Ang reyna o ang aking ina ay namatay nung ako ay ipinapanganak pa lamang kaya hindi ko alam kung ano ang hitsura niya. Pero kamukha ko raw siya ayon sa mga taong nagsasabi sa akin.
Dinalhan niya ako ng tsaa at sinabing "Good morning my dear princess, gising na! Ubusin mo na yan at maligo ka na, tatawagin ko lang si lady Nastasia"
Oo nga pala! Si lady Nastasia ang nagbibigay sa akin ng mga pang-araw araw kong mga suot. Lagpas dalawampu na ang kanyang edad pero mukha pa rin siyang teenager dahil sa height, sexy niyang katawan at baby face na mukha.
Lumalamig na ang tsaa. Maliligo na siguro ako.
Pagkatapos kong maligo, nakita ko si lady Nastasia na nasa loob na nang kwarto ko, hawak-hawak ang isang pink at simple pero napaka-garang dress. Pagkasuot ko nito, sinuklay na niya ang itim, at smooth and silky kong buhok at saka siya nagtanong "Maganda ba yung damit?"
BINABASA MO ANG
The Royal Games
ActionThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...