Chapter 18.3 : Training Hall - Day 1

68 4 0
                                    


Ang bigat ng puso ko, parang sobrang lakas na impact sakin nun! Anong gagawin ko? Bukod sa napaka-lakas pala ng mga nagvolunteer, maaaring isa sa kanila ang manalo at magkaroon ng planong pabagsakin ang kaharian namin. Anong gagawin ko?


"Luke? Okay ka lang? Masakit pa rin ba ang tiyan mo dahil sa kahapon?" Tanong sakin ni Marvel na nandito.


Aww, concern siya sakin. Teka wait, kahit pala siguro kay Marvel, hindi ko rin dapat gaanong maka-close. Baka nga naman hindi ko kayaning patayin siya kung sakaling maging bestfriend ko siya.


"Umalis ka muna Marvel. Tumatae ako nang mga 14 bars ng tae. Baka kusang malaglag kulangot ko kapag naamoy mo ito!" Pabiro kong sinabi sa kanya.


"Yuck! Eww! Hahaha kadiri ka!" Tapos sinipa niya pintuan ng cubicle ko. "Blag!"

Tapos nagpaalam na muna siya, "Sige balik na lang ako doon. Balik ka na lang sa hall kapag okay ka na."


Tapos narinig kong lumabas si Marvel. Kaya dapat lalabas na rin ako ng cubicle biglang may malalaking boses nang mga lalaki naman ang pumasok sa CR.


"Wahaha! Nice one tropa! Nakita mo mga mukha ng mga bata? Manghang-mangha sila sa atin." Tapos lalo pa lumakas ang tawanan.


"Heto pa, kanina rin may nakasabayan ako sa archery section, isang bata, tsaka yung taga-District 16 na masyadong papansin. Hahaha buti nga sa kanya at hindi siya nakasali kagabi sa swimwear competition. At ang nakakatawa pa, nagwalk out siya kanina dahil pinakitaan ko siya kung paano gumamit ng bow and arrow! Hahaha, pahiya siya eh."


"Eh ikaw Jude? Anong ginagawa mo ngayon?". Oh my gawd. Ibig sabihin, nandito yung apat na mga volunteer? At magkakaibigan na agad sila. Balak ba nilang magtulungan, tapos tsaka papatayin ang isa't-isa kung sakaling sila na lang matitira?


Grabe! Kung ano man ang pamamaraan nila. Napaka-dumi!


Kahit hindi ako gumagawa ng ingay, napansin siguro nilang naka-lock ang cubicle ko kaya alam nilang may tao. Biglang may sumipa, "Hoy, sino kang nakikinig ka? Lumabas ka diyan!"


Oh dear! San ako dadaan? Corner ako! At anong gagawin nila sa akin kapag nalaman nilang may tao nga dito? Edi mas lalo nila akong pagiinitan? Waaaah! Anong gagawin ko!


Tumingin-tingin ako hanggang sa nakita kong may daanan sa ilalim nang cubicle kung saan kasya ako.


Gumapang ako sa ilalim. Eww kadiri! May mga tapon-tapon na ihi pa sa simento! Ang bababoy talaga kapag lalaki ang mga gumagamit ng CR. Pero okay lang yan, magandang training din ito para masanay na ako sa mga kadiring bagay tulad ng putik, itong wiwi, at yung kulangot ni Marvel. Pero yuck!


Pagdaan ko sa pinaka-huling cubicle, meron doong mop. Kinuha ko yung map para itago ang mukha ko pati ang District number at yung name ko sa likod.


1...2...3... Tumakbo ako ng mabilis hanggang makalabas ako ng pinto tapos nagtago ako sa gilid para hindi nila makita, dumaan ako sa ibang shortcut papunta sa training hall. Syempre alam ko ito dahil mula bata pa lang, pumupuslit-puslit na talaga ako sa loob.


Sana talaga hindi nila ako nakita.


May nakita akong section kung saan pwede ka magpratice umakyat ng pader o puno gamit ng isang lubid. Sinubukan kong umakyat.


Sa sobrang adrenaline rush ko, bigla kong naakyat yung tali at hindi ko naramadaman yung balat kong nagasgas dahil sa init ng lubid.


Mula sa malayo, nakita ko nang pumasok ang mga volunteer na champions na magkakasama at mukha talagang hinahanap nila ako.


Ngayong may alibi na ako, triny ko pa ulet akyatin pa ang tali ng mas mataas, kaso parang hindi ko na kaya dahil medyo kumalma na ako. Tapos sa malayo, pumalakpak si Vhan. "Nice one Luke! Kung nasa arena na tayo, hindi ka na namin mapapatay mula diyan! Yun nga lang hindi ka na rin makakababa kapag inabangan ka! Hahaha!". Biglang lumapit si Marvel sa ibaba at niyayaya na akong bumaba dito.


Lumapit din sila Thaddeus, kaya bumalik na kaba ko.


Tapos sinadya kong iparinig sa kanila ang boses ko, "Phew! Grabe! Basang-basa ako ng pawis, pero chicken lang pala ang pagakyat sa lubid eh!". Pero ang totoo, tubig yun galing sa mop. Ewww talaga.

"Okay try ko naman, sa paggawa ng apoy, mukhang madali lang!" Parinig ko rin sa kanila, habang iniiwasan ko si Marvel.


Actually, pwede naman na akong umalis sa training hall, kaso sayang ang mga matututunan ko, mapapakinabangan ko rin naman sa loob ng arena.


-------------------------------------

A/N: Ahhh! Ahhhh!

Palapit nang palapit na ang Royal Games!

Konting Sali-salita na lang, patayan na!!! :D

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon