Chapter 4 : Ultimatum - Grand Royal Games

109 22 2
                                    


Sa lahat ng mga pangyayari ngayong araw na ito, sa tingin ko hindi na papaawat itong Dmitri na ito.


Habang nasa kwarto ako, nilalagyan ng gamot ni lady Nastasia ang ilang mga gasgas ko. Hindi ko alam kung saan ko sila nakuha pero medyo mahapdi.


Sinabi ko kay lady Nastasia na gusto ko munang pumunta sa balkonahe na magisa.


Wala naman talaga akong balak pumunta doon, dahil dumiretso ako sa meeting room.


Ngayong nandito na ako, kailangan kong makaisip ng paraan para makalusot sa mga nagbabantay na mga guwardya. Buti na lang nakita ko si mr. Milo na may dalang cart na may tray ng mga pagkain sa ibabaw kaya nagkaroon ako ng bright idea.


"Mr. Milo isabay mo naman ako sa loob, magtatago ako sa ilalim nang cart tapos magtatago din ako sa loob nang hindi nila napapansin." Wala siyang pagaalinlangan na isinama ako sa loob. Hindi naman kami pinapansin dahil busy sila sa paguusap. Nang malapit na ako makapag-tago, kinuha niya muna ang atensyon ng lahat sa pamamagitan ng magandang pagpe-presenta ng mga pagkain.


Dito ako nakapag-tago sa likod ng isang malaking mesa na gawa sa mahogany na may napaka gandang flower vase sa ibabaw. Umupo na ako sa pinaka-kumportable posisyon para makinig sa usapan nila.


"Ngayong araw na ito idineklara ko ang Ultimatum. Alam kong hindi ito ang nakasulat sa ating batas pero sa tingin ko, ito ang pinaka-madaling paraan para maging mas mature ang ating prinsesa". Sabi ni Dmitri.


"Alam naming lahat ang iyong hangarin, pero paano ang mga reaction ng mga mamamayan sa kanya-kanyang mga districts? Hindi sila handa para sa maagang selebrasyon ng taunang Royal Games. At hindi ito ordinaryo - Ultimatum ang pinaguusapan natin dito." Sabi nung isang lalaki.


Oo tama siya, sana nakumbinsi niya itong nakakainis na hari na ito.


Isang boses ulet ng isang lalaki ang nagsimulang nagsalita "Ang Ultimatum ay isang napaka-unique na uri na Royal Games at may malaking pagkakaiba kumpara sa ordinaryo. Dahil ang anak mo ay isang prinsesa, ibig sabihin, ang larong iyon ay ang makakapagsabi kung sino ang kanyang pakakasalan. Tama ako hindi po ba?"


"May tama ka! Kapag ikakasal siya ng mas maaga, baka siguro naman kahit papaano ay maging isang totoong babae siya. At ilang taon na lang naman magaganap din naman ang Ultimatum, so bakit hindi na lang ngayon? Hindi rin ba masaya ang kaganapang ito dahil ikakasal siya sa parehong araw ng kaarawan niya? Ikakasal siya kung sino man ang mananalo sa Royal Games na iyon." Masaya niyang ibinalita.


May boses ng isang babae na kahit papaano ay close ko at sumabat sa usapan. "Paano naman ang kanyang edad? Di ba ito yung edad kung saan ineenjoy muna ng prinsesa ang kanyang sarili bago siya maging isang Reyna? Napaka-bata pa niya at mahinhin, kailangan pa niyang matuto ng mas marami pang bagay."


"Wala akong paki-alam sa edad. Maturity niya ang habol natin dito" Sigaw ni Dmitri na parang na-offend siya dahil may isang tumututol.


"Paano naman ang mga edad ng mga champions, eighteen hanggang twenty-five? Masyado naman yata silang matanda para sa prinsesa?" Sabi ulet nung babae.


"Magandang tanong yan! Kaya nga bababaan ko rin ang edad ng mga sasaling champions this year. Fifteen hanggang twenty-one ang mga pwedeng makasali ngayong taon. Okay na ba?"


"Kahangalan! Willing kang magsakripisyo kahit ang mga bata pa para lang magkaroon ng angkop na edad para sa anak mo?"


"Tumahimik ka na general Rose! Ayoko nang makarinig pa ng pag-iingay mula sayo. Kaya ladies at gentleman, magbotohan na tayo. Lahat ng mga pabor sa Ultimatum itaas ang kanang kamay." Utos ni Dmitri.


Sinubukan kong sumilip at halos lahat sila ay nagtaas ng kamay, siguro dahil natatakot silang suwayin ang hari na ito.


Biglang may pumasok sa imagination ko na ubod ng bilis. Paano kung mas maaga akong ikakasal, edi hindi na ako makakalabas ng kastilyo at makakapag-laro, yung future kong magiging kabiyak ay maaaring kontrolin ako at magtake over sa mga bagay-bagay at siyempre hindi ko na rin makikita si Black Lightning at hindi ko na rin makakasama si Dylan kahit kailan.


Hay Dylan, kung ikaw ang nandito, anong gagawin mo?


Biglang parang may nabasag at gumawa ng ingay, nung natauhan ako, napansin kong nahulog ko ang flower vase at lahat ng mga tao sa kwarto ay nalamang nandito ako.


Medyo naging blurry ang paningin ko dahil sa nangingilid na luha pero nagpakatatag ako. "Kung yang pagdedeklara mo ng Ultimatum ay makakatulong edi sige! Pero tandaan mo ito, kung sino man ang lalaking mapapakasalan ko, wala siyang makukuha sa akin, kahit katiting na pagmamahal. Good luck na lang sa mga plano mo amang hari!".


Habang tumatakbo ako palabas, humabol siya ng isang habilin, "Tuloy ang plano! Magkikita ulet tayo sa araw ng Draft Pick.."


--------------------------------------


A/N: Excited ka na bang makilala ang ilang sa mga champions ng mga districts?

Abangan sa susunod na chapter at alamin din kung ano ang Draft Pick"


The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon