Chapter 20.4: Training - Day 3
Pagkakuha ko ng pagkain sa counter, napansin ko si Vhan na nagiisang kumakain.
This time ako naman mangbabangga sa kanya, "Hoy, ang tahimik mo yata diyan. Patabi ako ah."
Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy kumain, at binilisan pa niya ang subo niya.
"Ayaw mo na yata ako kausapin, sorry talaga sa nasabi ko kanina, hindi ko talaga alam na sensitive ka." Sinimulan ko na rin kumain habang tinitingnan siya sa mukha.
Hindi niya pa rin ako pinansin at nagpatuloy kumain. Hindi ko na rin siya kinausap, at kumain na lang din ako. Mamayang kaunti pa, isa-isa nang nawawala ang mga champions at bumabalik na sa training hall at halos patapos na rin si Vhan kumaen.
Alright, hindi kinakaya ng loob ko kapag may isang taong galit sakin, "Uy Vhan, sorry na! Please."
Tumayo siya sa inuupuan niya at tumalikod sa akin at naglakad ng mabilis. "Hay, bahala ka na nga diyan kung ayaw mo na akong pansinin. Basta ako, malinis na konsensya kong nag-sorry na ako!"
Bigla siyang humarap sakin para gulatin ako, "Aha!" bigla siyang tumatawa at nagpatuloy magsalita. "Hahaha! Wahaha! Di ko na kaya pigilan tawa ko! Huling-huli ka! Hahaha kung napapanood mo lang sana ang sarili mo. Nakakatawa ka. Hahaha!"
Pinalo ko sa mukha niya, yung tinapay na hawak ko. "Geh, salamat ha! Pinag-alala mo lang pala ako sa wala. Ang saya mo noh?"
Mukhang mali yata ako ng pagkakakilala sa kanya, napaka-walang kwenta niyang tao! Wala na akong ganang kumain.
Bumalik ako sa training hall para manood muna sa mga champions habang nagpapahinga ako.
Si Valkyrie na payatot, ayun oh nagbubuhat ng mabibigat, nagpapalakas yata ng braso. Teka sino pa ba ang mga kilala ko dito. Yung batang taga-6 nasa archery section ulet, its either nagpa practice siya or naglalaro na lang siya dahil ineenjoy na lang niya ang natitira niya pang mga oras.
Wait, basically, ang mga kilala ko lang na mga volunteer ay si Howard, si Vhan, Rannier, si baby Lucent at Jude ko, at yung tatlo niyang kasama. Sino kaya sa mga ito yung dalawa pang volunteer na natitira? Wala akong nabalitaan.
Nagpatingin-tiningin ako sa mga matatangkad baka isa sa kanila yun, ayun District 9, hindi ko siya napansin nung swimwear competition pero matangkad pala siya. Hmm ano kaya pangalan niya? Mamaya ko na tingnan. Matangkad din itong taga-13, sino pa ba, yung negrong kalaban kanina ni Lucent na si Shiver matangkad din. Pwedeng isa sa kanila ang volunteer.
Bahala na, ayoko mag tanong baka isipin nila naiinsecure ako at masyadong nagiingat baka lalo akong pagtulungan dahil mahina ako sa paningin nila.
Alright, saan ko kaya uubusin oras ko? Pag-aaral ng survival skill or combat skill? Ang gulo!
Tama alam ko na! Pupunta na lang ako doon sa self defense. Baka magamit ko pa. Kahit payat ako, kung may technique naman. Pwede ko pa rin mapakinabangan yun!
Tumunog na ulet ang kampana, ibig sabihin eto na ang huling araw nang training.
Pinag-ipon ipon ulet kami sa gitna para sa announcement ni brunette. "Sana marami kayong natutunan sa tatlong nakalipas na araw. Sana magamit niyo yang mga yan sa loob ng arena pagkatapos pa ng dalawa pang araw."
'Zzzzap! Zapp!' Biglang kumidlat! Haha joke, ngumiti kasi si brunette sa amin! Hahaha, nakakatuwang may softside pa rin pala siya. Tapos nagpatuloy siyang magsalita, "Happy Royal Games. Kita-kita ulet tayo bukas sa Talent competition".
----------------------------------------------
A/N: Woooohoooo! Itutuloy-tuloy ko na ang story hanggang sa labanan na sa arena.
Tsaka ko muna later on ieedit yung mga TYPO.
Para panandaliang masuspend ang suspense :D
BINABASA MO ANG
The Royal Games
ActionThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...