"Princess Leila, gumising ka na para hindi tayo mahuli."
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako agad suot-suot ko pa rin ang wedding gown ko, nakakapagod talaga kagabi. Medyo madilim pa ang kalangitan ng ginising ako ni lady Nastasia.
Tahimik kaming mabilis na naglakad papunta sa quarters ko. Gising na ang mga guwardya pero hindi kami pinapansin dahil siguro alam din nila ang plano. Ang iba ay nagtatanggal ng sumbrero at nagba-bow lang sakin kapag nakakasalubong ako.
Pagakyat ko ng kwarto ko, bago ako makapasok, "Princess Leila?". Nakita namin ang isang champion na gising at naglalakad-lakad sa corridor. Hinarangan siya nang mga guwardya at nagmadali akong pumasok.
Ewan ko kung ano na sumunod na nangyari, basta ako inaantok pa ako.
Hindi na ako makakatulog dahil kailangan ko nang maligo at aayusan pa ako.
Buti pa yung iba, hindi kailangan gumising nang ganito kaaga. Sobrang saya talaga kagabi. Ang ganda-ganda nang pagkaka-organize nang Royal Ball at syempre kilig at tuwa at basta, busog na busog rin pati mga mata ko kagabi.
"Kumain ka na Lei, ano pala, Luke nang marami dahil ito na ang huling beses kang kakain nang masasarap sa ngayon. Siya nga pala, ikaw na pala ulet si Luke, kalimutan mo na kung ano ang mga na-experience mo kagabi at mag-focus ka na sa laro. Aalis na kayo maya-maya."
Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na andito na ako sa wakas. Kapag makapunta na ako sa arena, mapapatunayan ko na sa ama ko na hindi ako ang dalagang basta-basta lang naka-upo sa trono at walang ibang ginagawa kung hindi ang maging palamuti at magkunwaring nagpapakitang magandang example sa mga kababaihan.
Pumasok ang sinabi sakin ni Dylan kagabi, "Ah, general Rose? Bakit ano... si ano... si Dylan... sabi niya..."
"Alam ko ang sinabi niya, ipinaalam niya ang sinabi niya sayo kagabi. Binigyan ka lang naman niya nang konting paalala, dahil talagang concern sayo yung tao."
"Ahh ganun po ba?"
Sorry Dylan, pero itutuloy ko ang laro kahit anong mangyari. Ang dami ng nangyari, ayoko naman mapunta ang lahat sa wala.
Tuloy ang pag-sali ko dito sa Ultima... R-r-royal...
Bakit ganun? Parang hindi ko siya masabi ng maayos ngayon? At ano toh? Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi kaya, deep inside natatakot din ako?
Pagka-suot ko ng chest binder ko, isusuot ko na sana ang Champion's Suit ko kaso sabi sakin ni miss Marionette, hindi na ito ang suot namin ngayon.
Pinasuot niya ako nang isang black shirt na may horizontal stripe na royal blue at white sa gilid, ang tela nito ay pareho nang sa Champion's Suit, napansin kong wala na itong District number at pinasuot sakin ang isang flexible na pantalon para talaga makakilos kami ng maayos at isang long combat boots.
Eto na talaga ito, ang pagsuot ko nito ang nagpaparamdam sakin na malapit na ang nakatakdang oras. Bumilis ulit ang kabog ng puso ko.
Tahimik ang lahat na kumakain sa Dining Hall. Napaka-odd nang atmosphere, ibang-iba simula nung first day at nung nagte-training pa lang kami. Napansin kong medyo maputla rin ang mukha nang iba.
Dinamihan ko ang kain ko at konting-konting tubig lang para hindi agad siya matunaw sa tiyan ko.
Mamayang kaunti pa may mga Raidwheel nang sumundo sa amin at inihatid na kami sa harbor.
Bago kami sumakay, kinausap pa muna kami nang kanya-kanya naming mga adviser.
Payo sakin ni general Rose, "Luke, mag-iingat ka, lalo na sa alam mo na sa, sa First String nang palaro. Makikita mong nakakalat doon lahat ng mga gamit, mga weapons, shields, armors, supplies at kung anu-ano pa. Wag kang masyadong magiging greedy at kunin mo lang ang kaya mong bitbitin. Wag kang makikipagsabayan dahil maaaring mga magagaling at malalakas ang makaharap mo."
"Oh sige po, kung may makita akong espada, kukunin ko na rin ba agad?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede, pero mas maganda kung uunahin mo ang mga supplies, tandaan mo, Linggo o mahigit pa ang itatagal nang laro, baka wala kang kakainin."
"Okay ano pa po ang kailangan kong gawin."
"Basta, hangga't maaari wag na wag kang magpapakita, maghanap ka lang nang lugar na ligtas na mapapagtaguan, wag ka magtitiwala kahit kanino at wag na wag kang magkakamaling mawala panghabang-buhay. Okay? Kaya mo ito (sabay bulong) Leila."
Napalunok ako ng laway dahil yung huli niyang sinabi parang kahit siya meron ding takot kahit papaano na maaari akong mamatay sa arena.
Dalawang barko ang naka-abang sa amin at hiniwalay-hiwalay kami in no particular order. Tig-labing-anim ang bawat laman.
Umakyat na kami sa barko. Bago ako pumasok tumingin muna ulet ako kay general Rose sa huling pagkakataon. Ngumiti siya sa akin at huminga ako nang malalim.
Sa isang maluwag na space sa loob nang barko, andito kaming lahat na mga champions, naka-upo kaming lahat na magkakatalikod sa isa't-isa at bawal na kami tumayo. Hindi ko makita kung sino ang mga kasama ko sa barko except kay Valkyrie na katabi ko sa kaliwa at di ko makilala itong isa, dahil wala na ring pangalan ang mga damit nila.
This is it, papunta na kami sa Matter ang isolated island na ginagamit naming arena taon-taon.
Hindi rin naming masasabi memoryado namin ang lugar dahil iniiba-iba rin ang disenyo nito, tulad nang paglipat ng mga kuhaan ng tubig, puno at kweba. Iba-iba rin ang mga halamang nasa loob pati narin mga hayop na nakakalat sa loob.
Pero ano kaya ang gagawin namin sa First String?
Sobrang tahimik ng lahat. Parang kagabi lang ang saya-saya naming lahat, kung sabagay walang nakakaalam kung sino ang makakasurvive sa unang parte ng laro at sino agad ang mamamatay.
Napapabilis ang paghinga ko dahil hinahabol ko tibok ng puso ko. Dahil kinakahabahan ako tuwing sumasagi sa isip ako ang salitang "mamamatay".
Nung nakalipas na Linggo akala mo magkakaibigan ang turing namin sa isa't-isa, pero ngayon, magkakakalaban na dahil isa lang ang pwedeng manalo. At syempre dapat ako yun.
Sa sobrang pagod ko, nakatulog nanaman ako at hindi ko namalayang nakarating na kami sa lugar.
Wala pa ring nagsasalita at lahat nang may starter pack B, nakuha na namin at isinuot na namin ang mga jacket namin.
Pinatayo na kami sa upuan namin.
Mula sa labas ng barko naririnig namin ang host nang palaro na nagsasalita. "Let the Ultimatum – The Grand Royal Games begin! Goodluck champions."
Heto na, kailangan ko nang ihanda sarili ko sa kung anong mangyayari. Mamamatay agad kaya ako? Hindi ko alam, kinakabahan na ako, parang gusto ko na nga talaga yata mag-back out!
-----------------------------------------------------------------------------------------
9M\7
BINABASA MO ANG
The Royal Games
AkcjaThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...