Chapter 14 : Grades at Scoreboard

77 5 0
                                    


Malapit na magtanghalian, pero bago pumunta lahat sa dining hall, lahat kami ay nagtipon-tipon sa assembly hall para ipakita na ang grades namin sa scoreboard.


Wala dito sa loob si Dmitri, siguro hindi na siya required na pumunta dito.


Nakatayo lang kami dito at nakaharap sa isang napaka-laking screen.


Siya nga pala, ang television na ginagamit namin sa goldstein kingdom ay isang projector na itinatapat sa kahit anong flat, blank o malapad na bagay, pwede mo itong iharap sa pader, sa bubong, sa simento, pwede ka rin magpagawa ng sarili mong flat object na may stand. Diskarte na iyon ng kung sino man ang gumagamit.


Naka-standby ang television sa ginagamit naming screen na nakalagay ang simbolo ng kaharian namin habang tumutugtog ang anthem.


Pagkatapos ng anthem, lumabas na sa live newsfeed ang host ng palaro. Isa siyang lalaking kulay green at white ang buhok na medyo binata pa. Nakasuot siya nang Goldstein Kingdom-inspired na kulay ng costume.


Napaisip ako, ano kaya mga sinasabi niya habang nagpapa-siklab ako gamit nung costume ko nung parada? Hayyy, di bali na nga, makikinig muna ako sa mga sasabihin niya.


"Magandang tanghali, mga mamamayan ng Goldstein Kingdom, ito po ulet si Sean Sweighkonovich ang inyong host sa kakaiba at napaka-bihirang uri ng Royal Games - ang Ultimatum!" grabe ang taas ng energy niya ah.


Pagkatapos niya huminto saglit, nagpatuloy na ulet siya, "Alam niyo naman na siguro kung anong meron sa araw na ito hindi ba? Eto ang pinaka-unang beses na magkaka-grade ang mga champions this year. Alam naman nating lahat na merong consolation prizes ang mga nakakakuha ng highest points mula sa una hanggang huling araw. At palaging surpresa kung ano ang ipinamimigay, maaring pagkain, tubig o gamot na magagamit ng isang champion sa loob ng arena."


Heto na, bumibilis tibok ng puso ko, kinakabahan ako, sana mataas please!


"Gine-gradan ang mga champions from 1-10. 1 ang pinaka-mababa at 10 ang pinakamataas. Tingnan natin ang evaluation na nagmula sa hari at sa apat pa niyang taga-payo." Grabe sabihin mo na please!


"Ladies at Gentlemen, eto na ang grades na nakuha ng mga champions galing sa Champion's Debut Parade na naganap kahapon...... Mula sa district 1, na may grade na 3 points, district 2, na may grade na 3 points..."



(A/N: Ipost ko na lang para hindi nakakalito kapag naka-paragraph form XD)


CHAMPION'S OFFICIAL SCOREBOARD

District 1 - - - - - > 3 points

District 2 - - - - - > 3 points

District 3 - - - - - > 2 points

District 4 - - - - - > 1 point

District 5 - - - - - > 5 points

District 6 - - - - - > 4 points

District 7 - - - - - > 6 points

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon