Mukhang andito na lahat ng mga champions, syempre ayaw naming malate. Sayang ang mga points na ibabawas sa amin. Etong araw naman na ito lang, tapos free schedule na kami. Pwede na kaming bumalik sa quarters namin, pwede ring hindi na kami magtraining hanggang sa ika'tlong araw, tapos pati ang oras ng pagkain, bahala na kami kung kailan namin gusto. Basta magsasara lang ang hall ng 5PM ng hapon.
Pinapila-pila na kami ayon sa sunod-sunod ng mga Districts namin, walo-walo per row.
Pagkatapos ay may pumasok na isang babaeng brunette na nakasuot ng armor na may logo ng Goldstein Kingdom at naglakad papunta sa harap namin.
Nagulat ang lahat sa biglaan niyang pag-sigaw. "Wala nang introduction para mabilis tayo! Sasabihin ko kaagad ang mga pointers na dapat niyong tandaan dito sa Training Hall mula ngayon hanggang sa dalawang susunod pang-araw kaya makinig!"
Grabe! Ang tapang niya, nakakatakot! Mukha siyang doña na nananakit ng mga katulong.
(Okay, bulleted form ulet para hindi magulo basahin kapag naka-paragraph form)
Rule 1: Bawal makipag-away sa mga kapwa champions.
-Marami kayong oras para doon sa loob ng arena.
Rule 2: Ang training hall ay divided sa maraming sections.
-Kung sakaling may nauna na sayo, maghintay ka para sa turn mo.
Rule 3: Maging magalang sa mga nagtuturo sa inyo.
Rule 4: Wag na wag makakalimutan ang survival skills.
-Alam kong marami sa inyo ang atat na atat na gumamit ng mga weapons, pero alam naman ninyong hindi lahat ay basta pinapatay lang. Yung iba ay namamatay dahil sa gutom, uhaw, lason, kagat ng hayop o di kaya ay dahil kalamidad.
Rule 5: Enjoyin ninyo ang tatlong araw ninyo at magkita-kita ulet tayo sa Talent Competition.
Pagkatapos niya magsalita, tumakbo agad ako sa archery section. May limang space dito kaya hindi ako agad maiinip na maghintay kung sakaling napuno agad.
May kasabay agad ako, District 6 at District 24. Huh, grabe naman itong batang ito talagang paggamit agad nito ang inuna niya kesa mag-aral siya ng survival skills. Pwede naman kasi yun eh.
Naalala ko dati, may isang nineteen years old na napaka-hina pero nanalo sa Royale Games. Walang ibang ginawa kung hindi tumakbo, mag-tago at gumawa ng patibong. Tapos nung apat na lang sila, gumawa pa ulet siya ng patibong tapos ginawa niyang paen ang sarili niya. Tapos lahat ng sumugod sa kanya, patay. Pero ang isang ito, balak yata talaga lumaban ng harapan. Bahala siya.
Bago ako pumana, pasimpleng pinanood ko muna silang dalawa.
Yung bata, tulad ng inaasahan, hindi man lang niya tinatamaan yung bilog ng target niya. Hahaha! Okay! Edi ako na mayabang.
BINABASA MO ANG
The Royal Games
ActionThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...