Chapter 3 : Deklarasyon

126 21 0
                                    

"This chapter is dedicated to AAngel08 kasi natutuwa ako sa kanya na talagang binabasa niya at nagyayaya ng update agad" :D


--------------------------------------


Paggising ko ngayong umaga, nakaupo si miss Summer sa tabi ko at hinihintay akong bumangon. Bigla ko siyang niyakap at basta na lang akong naiyak. "Miss Summer, kasalanan ko kung bakit mapaparusahan si sir Tear at sir Kibba."


Hinawakan niya ang ulo ko at sinabing "Alam ko, pero hindi mo naman kasalanan yun. Gusto ka lang talaga pasayahin ng mga taong nagmamahal sayo dito. Napaka-ganda at napaka-buti mong prinsesa."


Pumasok bigla si lady Nastasia nang hindi man lang kumatok at iniabot na sa akin ang dress ko sa araw na ito. Kulay itim na may mga detalyadong sequins na gawa sa dyamante at perlas. Pagka-suot ko nito sinamahan na nila ako papunta sa barracks at nakita ko sila sir Tear at sir Kibba na nakahubad at naka-tali.


Bago ako makaupo sa upuan biglang nagsimula na ang paglalatigo. "Ahhhhh!" Sigaw nila.


Grabe! Sobrang sakit niyan, mukhang hindi talaga nagbibiro itong Dmitri na ito. Kaya rin siguro niya ako pinagsuot ng itim ngayon dahil sa pagdamay ko sa kanila.


Matapos ng lima pang sumunod na pag-hataw, hindi ko na ito kinaya at tumakbo na ako palayo. "San ka pupunta Leila!" Sigaw ni Dmitri. Hindi na akong tumingin sa kanya at nagpatuloy pa rin ako sa pag-takbo nang mabilis papunta sa stables ng mga kabayo.


Nang makarating ako doon, nakita kong pinapakain ni Dylan si Black Lightning.


Dirediretso akong pumunta sa kanya at niyakap ko siyang sobrang higpit. Eto rin ang isa sa gusto ko sa kanya. Kapag kasama ko siya gumagaan ang paki-ramdam ko. "Teka kalma lang. Ano bang nangyari?" Pagaalala niyang tinanong.


"Yung ano kasi, yung demonyong hari na yun! Sobrang sama niya! Isa siyang halimaw! Pinaparusahan niya yung dalawa sa mga kaibigan ko dahil sa akin. Anong gagawin ko? Sa tingin ko papunta na rin dito ang mga tauhan ng hari na yun! Itago mo naman ako sa likod ni Black okay lang?" Pagmamakaawa ko sa kanya.


"Alam mo hindi siguro magandang ideya yan pero alam mong hindi naman kita matitiis eh." Pagkabukas niya ng kulungan ni black, umapak ako doon sa maliit na stool at sumakay ako sa likod ng kabayo. Kumuha ako ng isang hairpin sa buhok ko at itinusok ito sa kabayo para ito ay magwala. Kumapit ako sa buhok nito dahil nawalan ito ng kontrol tulad ng nasa plano ko.


Hindi ko alam kung papaano sumakay nang kabayo dahil hindi naman talaga ako pinapayagan. Pero ngayon wala akong paki kung ano ang mangyari sakin, gusto ko lang makapunta kahit saan man ako dalhin ng kabayong ito.


Hindi ko na alam kung anong nangyayari, nakapikit lang ako buong magdamag.


Maya-mayang konti pa bigla na lang nadapa si Black at nahulog ako. Buti na lang nasalo ako ng isang knight at nakita kong may mga mahigit sampu pa sa kanila ang nakapalibot sakin. Naka-higa si Black habang naka-kulong sa isang net.

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon