Chapter 13 : Tagumpay na Plano

49 4 0
                                    


Habang pabalik na kami ng assembly hall, napansin kong marami na rin pala ang mga champions na gising, kasama ang mga adviser nila. Buti na lang may number na naka-indicate sa mga manggas namin kaya Mythor pala pangalan nung taga-4, hindi ko pala narinig yan noong Draft Pick dahil yan na yung part na nahihilo na ako. Trevor at Jesse naman ang sa 15 at 23.


Pagpasok namin ng assembly hall, nandoon si sir kibba at miss summer na naghihintay sa amin.


Paglapit namin tinanong ko siya agad, "Sir Kibba, bakit po ikaw ang nandito? Nasaan si sir Luke?"


"Ahhh, lalaban kasi si Marvel sa swimwear competition kaya nagpapractice na sila nang mga dapat gawin, at inaadvisan na siya ng mga do's at dont's" Sabi niya sa akin.


"Ahh so ano na po ba ang plano natin? Tanong ko sa kanilang dalawa."


Umupo muna kami sa isang pwesto na hindi masyadong matao para hindi kami marinig. At tsaka nagsalita si miss Summer, "Princess, ganito ang gawin nandoon ngayon si lady Nastasia sa kwarto ng hari na nakasuot ng gown mo ngayon at nakamaskara."


"Huh? Paano kung mabuking siya kapag nagsalita siya?" singit ko.


"Kaya nga hindi siya nagsasalita hangga't maaari, nakapose lang naman si lady Nastasia doon habang pinipinutura siya sa isang canvass. Nanonood lang ang hari doon at hindi siya kinakausap para hindi sila maistorbo. Kaya tayo naman ay pupunta sa kwarto mo nang patago. At ang kasunod na plano ay doon na sasabihin sayo ni Lady Nastasia dahil baka matagalan tayo kung ngayon pa natin ito lahat paguusapan." Explain ni miss Summer.


"At ako kaya naman nandito para gumawa ng atensyon at hindi ka mapansin na umaakyat." Singit ni sir Tear.


Kaya naman ginawa na namin ang plano at si general Rose naman ay humiwalay para tumingin-tingin sa paligid.


Nakakatuwa dahil mukha akong magnanakaw sa ginagawa ko pero ang saya.


Success! Nakapasok kami dito sa loob ng kwarto nang walang hirap! Sumangayon ang lahat sa plano.


Pagpasok ko ng kwarto ko, una kong ginawa ay ang lumundag sa kama ko dahil namiss ko ito kahit isang gabi lang naman ang lumipas.


Naghintay lang ako ng matagal hanggang sa makapasok na si lady Nastasia sa kwarto. "Princess!"


Bumangon agad ako sa kama para magmadaling pumunta sa kanya, "Oh my! Oh my! Sobrang thank you po talaga lady Nastasia. Ang galing-galing mo po. Salamat sa pagtatakip sa akin at sa pag tulong sa mga plano ko."


"Di ba nga? Sabi ko sayo? Basta ikaw?" Sabay kindat sa akin.


"Oh sige na, maghilamos ka muna at susuotin mo pa itong suot ko."


Pagkatapos ko maghilamos, ako na ang nagsuot nitong light yellow green backless na long gown na may slanting effect para makadagdag ng sexy sa katawan.


Habang nilalagyan ako ng light make up ni lady Nastasia, ininstructionan na ako, "Ganito naman ang parteng gagawin mo, babalik ka doon sa kwarto ng tatay mo suot pa rin ang maskara. Tapos tatanggalin mo ito sa harapan niya para mas mapaniwala siya na ikaw talaga ang prinsesang naka-maskara at sasabihin mo ang script na ito." Tapos may inabot siya sa aking papel.


Dagdag pa niya, "Hindi naman kailangang eksakto ang sasabihin mo pero basta masabi mo lang ang mensaheng dapat na iparating mo okay na."


Sinimulan ko nang basahin ang script at madali ko lang itong naisaulo dahil ito rin naman halos ang balak kong sabihin sa kanya.


Pagkatapos niya ako ayusan, naglabas siya ng wig galing sa box. "Eto na muna ang buhok mo ngayon, pareho halos ng sa akin. Siguro naman hindi ka pwedeng magpakita na pudpod na ang buhok mo di ba?"


Pagkatapos ko magsuot ng wig, naghanda na ako para tagpuin si demonyong Dmitri sa kwarto niya.


"Boog! Boog! Boog!" Tunog ulet ng katok ko sa pintuan niya.


Pagpasok ko doon, lumapit ako sa kanya at hinubad ang maskara ko, "Patawad po."


"Hahaha! Ikaw? Humihingi ng tawad? Patawa ka talaga ano?" Sabi niya sa akin.

"Alam ko, pero napilitan lang akong magsabi dahil utos lang sakin ni miss Summer. Pero at least nakapag sabi ako di ba?"

"Yan! Yan ang anak ko, bastos. Hahaha okay, pinapatawad na kita pero tuloy pa rin ang laro."

"Alam ko po, kaya nga may suggestion ako."

"Ano nanaman ba iyon?"


Huminga ako ng malalim para magfocus at hindi magkamali sa sasabihin ko, "Napag-isipan ko po na hindi muna ako magpapakita masyado sa mga champions, para meron pa ring element of surprise."


"Okay sige ituloy mo ang gusto mong sabihin." nice one Leila, mukhang interesado siya.


"Manonood ako ng swimwear competition at iba pang mga events sa loob ng kwarto ko, kaya magpapakabit po ako ng television. Para na rin hindi kagad sila magsasawa na palagi nila akong nakikita. At isa pa, kung sakaling gusto ko sila bisitahin o kaya nama'y panoorin, lage na lang akong magsusuot ng maskara."


"Mukhang maganda ang naisip mo, pero ano naman ang mapapakinabangan ko sa gusto mo?" tanong niya sa akin.


"Simple lang, hindi kita maipapahiya sa harap ng maraming tayo. Na katawa-tawa ang prinsesa.".


"Hahahaha! Bwahahahaha! Akalain mo yun, gumagana rin pala yang utak mani mo? Okay pagbibigyan kita. Kung wala ka nang ibang sasabihin maaari ka nang lumabas." Sabi niya sa akin.


Bago ako makalabas naghabol pa siya ng isa pang salita, "Mukhang you're growing up na anak. Good job!"


Ouch! Seryoso ba yung huli niyang sinabi? Iba sa boses at tonong narinig ko. Parang may laman yung sinabi niya sa akin. Anyway, hindi ko pa rin siya pinansin at lumabas na ako ng kwarto.


------------------------------------------


A/N: Ang galing ni lady Nastasia,

pwede na siyang magtrending dahil sa

Make-up Transformation Skill niya. XD

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon