Eto ang araw kung saan unang beses ko makikilala pa ng mas personal at mas malapitang ang mga champions. Naeexcite na ako makita si Lucent o di kaya si Jude ng malapitan. Kyaaah!
Naglalakad na kami ni General Rose papunta sa Training Hall. Suot-suot ko pa rin syempre ang aming champions' suit. May mga kasabayan na rin kaming pumupunta doon pero hindi kami lahat nagpapansinan.
"Nandito na tayo Luke. Papaalalahanan lang pala kita ng ilang mga bagay." Sabi sakin ni General Rose.
"Ano po yun?".
"Unang-una sa lahat, tandaan mo, ikaw si Luke Hemmington okay?" Grabe umay ah, paulet-ulet?
"Opo alam ko na po yun, ako pa ba?" Sarcastic kong sinagot.
"Pangalawa, hindi ka maaaring gumamit ng espada habang nagtetraining ka."
Napa-isip ako ng konti, bago ako sumagot, "Hala! Bakit po? Eh yun nga ang kailangan kong masterin dahil yun ang pinaka-lamang ko sa kanila at pinaka-gamay ko."
"Alam ko, pero eto ang strategy nating gagawin. Wag mo ipapakita kung saan ka malakas, alam mo kung bakit? Kung malaman nilang pwede mo itong ika-advantage sa kanila. Pwede nila sirain lahat ng available na espada na pwede mong magamit sa loob ng arena. Kahit bumaba ang grade mo dahil sa hindi mo pagsali sa swimwear comepetition, mainit pa rin ang mga mata sayo ng mga tao."
Oo nga ano. Tama siya, thank you General Rose, "Eh anong gagawin ko?".
"Edi iba practisin mo. Pwede ka namang gumamit pa rin ng pana, paggamit ng kutsilyo, at higit sa lahat, aralin mo lahat ng survival skills tulad ng paggawa ng apoy, tapos alamin mo ang mga dahon na pwedeng gamot sa sugat at higit sa lahat, dapat alam mo rin ang mga pagkain na nakakalason at mga pwedeng kainin. Alalahanin mo, wala na doong roast duck, beef cordon bleu, at kung anu-ano pa."
"Opo, gagawin ko lahat ang mga sinabi niyo." Biglang nakita ko si Lucent papasok ng hall. "Sige pasok na ako!" hahaha grabe talaga tama ko sa kanya!
Hinila niya ang kwelyo ko "Ops, may pangatlo pa!"
Hala, ano nanaman kaya yun? Tapos idinugtong niya, "Wag na wag kang didikit sa mga kapwa mo champions, alam mo namang tela lang ang suot mo, pwede nilang mahawakan yan kapag nagkataon."
"Ah yun lang ba? O sige pasok na ako. Ta-dahhh!"
Hinila niya ulet kwelyo ko. "Hindi pa ako tapos! Eto ang pinaka-importante. Wag na wag kang makikipag-usap hangga't maaari. Wag kang makikipag-kaibigan at wag na wag na wag kang maiinlove sa kahit sino sa kanila."
"Yung hindi maiinlove madali lang sakin yun. Pero bakit bawal makipag-kaibigan?"
"Tandaan mo, kumpetisyon pa rin ito. Kung sila, kaibigan ang tingin mo sa kanila... Pwes kalaban ang tingin nila sayo at the next thing will happen, pinatay ka na nila."
Napalunok ako ng laway, dahil napaka-tama ng punto niya. Kung kailangan ko talagang manalo, kailangan kong sundin ang payo niya, kaso ang hirap ng pinapagawa niya. Babae lang ako. Sadyang marupok lang talaga ako!
Pagkatapos kong matulala ng ilang segundo, idinugtong pa niya, "Heto pa, sakaling maging kaibigan mo nga sila, tapos nagtulungan kayo hanggang dalawa o tatlo na lang kayong natitirang buhay sa kompetisyon. Makakayanan mo ba silang patayin? Alam mo naman isa lang ang pwedeng manalo di ba?"
Tuluyan na akong naging bato sa sinabi niya. Sobrang natameme ako.
Pinalo niya ang likod ko "Kaya mo yan! Wag mo masyadong dibdibin ang sinabi ko, basta maging natural ka lang." Tapos itinulak niya na ako papasok ng pintuan sa hall.
Lumingon ako ulet sa kanya, para ngumiti at bumulong ako sa kanya ng "Thank you." Siguro naman mababasa niya ang bukas ng bibig ko.
--------------------------------------
A/N: Short Chapter for the Sake of Update
Grabe kasi sa OJT ko! Daming pinapagawa!
Anyways, makakayanan kaya ni Leila ang mga paalala sa kanya?
Next Chapter, training na! YEY!
BINABASA MO ANG
The Royal Games
ActionThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...