Pagkapasok namin ng kwarto sinabi agad sakin ni general Rose ang concern niya sa akin.
"Princess Leila, hindi pwedeng si lady Nastasia ang nasa ball bukas, kailangan ikaw mong tumayo bilang prinsesa ulet bukas."
"Huh, yun din ang iniisip ko, baka kasi patanggalin sakin ang maskara at malamang impostor ang nagpapanggap na bilang ako."
"May naisip naman na kaming plano ni Tear para diyan, si Dylan ang pagsusuotin namin bilang 16, tsaka naka maskara naman ang mga tao, hindi naman masyadong mahahalata, at isa pa, balot na balot naman kayo ng mga magagarang mga suot."
Pinatulog na niya ako dahil maaga akong gigising para patagong papasok sa kwarto ko.
Kinaumagahan, wala pang masyadong araw, sobrang tahimik sa buong kaharian, sa hagdanan kami dumaan para hindi mag-ingay ang elevator. May mga gwardyang nagbabantay pero hindi kami pinapansin. Siguro mga kasabwat sila.
Dumaan na kami ng Throne Room paakyat sa kwarto ko. At nakapasok na kami ng ligtas.
Pagpasok ko, nakita kong nandoon si lady Nastasia nakahiga sa kama ko at hinihintay ako. Nagyakap ulet kami sa sobrang namiss namin ang isa't-isa.
"Sobrang nakaka-miss ang kwarto ko, feeling ko isang buwan akong nawala. Kahit ganun pa ring ang pagkakaayos, parang feeling ko talaga bago ang lahat ng mga bagay dito." Sabi ko kay lady Nastasia.
"Hayyy, oo nga eh, kamusta ka na, parang ang laki ng ikinamature mo"
"Oo nga po eh, hindi na ako basta lang naglalaro, talagang ginagawa ko ang lahat, makalusot lang araw-araw hanggang makarating talaga ako sa arena." Sabi ko sa kanya.
"Mamayang gabi pinapasuot sayo ang Wedding Gown na gagamitin mo sa kasal mo, yun nga lang since ikaw ang dapat na mananalo, hindi mo rin ito magagamit paglabas mo nang arena. Hahaha" Pagbibiro niya sakin.
"Yun na nga eh, sa tingin ko ang liit ng pag-asa kong manalo, feeling ko pwede rin akong mamatay sa loob ng arena bago ko pa man maamin na ako ang prinsesa."
"So, ayaw mo nang ituloy? Ganun na lang? Tara punta tayo sa hari at sabihin natin."
"Ay hindi, kaya ko toh. Kayang-kaya ko toh, konting pasensya na lang, last naman na ang Masquerade Ball mamaya eh."
"Di bali, gagawin kitang pinaka-magandang Reyna sa balat ng Lupa. Yun nga lang wig ang gagamitin mong buhok mamaya syempre. Hahaha tara na."
Tinawag na ni lady Nastasia si miss Summer at ang iba pang mga kasama nito para ayusan ako.
Sinimulan namin sa paglilinis ng mabuti ng katawan ko, dahil sa mga naka-raang araw, nag-amoy mandirigma na ako kaya hindi ako masyadong lady-like tingnan.
Ang sarap maranasan ulet ang mga ito, ang shampoo, bath tub na may mga petals ng flowers at ang sabon na sobrang sarap sa balat.
Pagkatapos ko maligo at magbabad sa tubig, inayos na nila ulet ang buhok ko para hindi malaglag ang wig mamaya pagkinabit na sakin ito.
Pinasuot na ako ng isang base na white silkyshirt habang naka-panty pa rin ako dahil nililinisan pa ang kuko ko sa paa.
Pagkatapos nun, minake upan na ako ng light, rosy cheeks at strong red lipstick. Inayos din ang kilay ko at buhok.
Pagtingin ko sa salamin, oh my! Hindi ko na maalala kung ano itsura ko nung araw na bago ako sumali dito sa Royal Games. Hindi ring mahahalata na ako ang gumaganap na Luke Hemmington. Ako ito. Akong-ako ito. Grabe!
Medyo bumababa na ang araw at kailangan ko nang isuot ang gown na susuotin ko mamaya, ano kaya kulay nito? Red, Yellow, Pink, green, blue. Kyaaa hindi na ako makapag-hintay!
"Pikit ka muna princess Leila." Sakin ni Miss Summer.
Tapos narinig ko may pumasok sa kwarto at nabubulungan at nagtatawanan sila. "Okay na po bang dumilat?"
"Okay na".
Pagdilat ko, andun lang sa harapan ko ang mga nagayos sa akin pati si Lady Nastasia at miss Summer. Wala naman silang hawak na kahit ano, parang pinagtripan lang yata ako.
Pagkatalikod ko, nakita ko ang isang napaka-gandang white, silky, smoking hot white gown. Ang ganda! Naka balloon pa ito bandang baba with layers of flowers and ruffles. Meron itong cut sa likod para makita ang skin ko sa likod, sobrang ganda talaga niya. Halos maiyak ako sa tuwa.
"Nagustuhan mo ba princess? Tanong sa akin ni lady Nastasia."
Ngumiti lang ako at yumakap sa kanila, tapos sabi sakin ni miss Summer, "Dahan-dahan lang baka masira ang make-up mo." Tapos niyakap niya rin ako.
Pagkasuot ko ng gown, tumunog na ang kampana, ibig sabihin, magsisimula na ang masquarade ball. Pinasuot na rin ang ng white cotton gloves at isang edgy at crytal-like glass shoes.
May kumatok na sa kwarto ko at sinabing maghanda na pagkatapos ng sampung minuto.
Ano na kaya nangyayari sa baba? Ano kaya sinasabi sa mga champions at ano kaya ang itsura nila?
Hayy hindi ko alam, basta ang mahalaga masaya ako ngayong gabing ito.
"Yang gown na yan ang wedding gown mo, yan ang susuootin mo sa araw ng kasal mo pero pinasuot na sa iyo ito agad ng ama mo para mas maexcite ang mga tao. At para sa final touch, eto na ang maskara mo."
Ang ganda ng maskara. Butterfly detailed siya tapos may mga sequins na design. Ang cute! Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko.
------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Tonight is the big night yehey :)
See the lights, see the party and ball gowns, see you make your way to the crowd and say hello. Little did I know... Hahaha :D
9t]
BINABASA MO ANG
The Royal Games
ActionThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...