May nagbe-bell sa labas ng kwarto ko, kaya lumabas ako para malaman kung para saan yun.
Isang official ng palaro ang nagsabing kailangan naming magbihis agad at magdala ng pamalit dahil pupunta raw kami malapit sa harbor, para turuan lumangoy...
Ano kamo? Lumangoy? Para saan? Hindi ako marunong. Hala, ano kaya ibig sabihin nun? Bakit kami kailangang turuan?
Balak ko pa naman sana bandang tanghali na pumunta ng training hall, tinatamad kasi ako eh, tutal, marunong naman na ako gumawa ng apoy, dahil naubos oras ko kahapon kakaiwas sa mga champion at sa panonood ko kay Marvel kahapon kung paano niya ito nagagawa (see the picture above - Marvel studying how to make a fire).
Paglabas namin ng kastilyo, may apat na malalaking karwahe ang naka-abang sa labas ng kastilyo, pwede kami sumakay kahit saan, basta makapuno lang ng walo.
Bago ako sumakay, nagbilin muna sa akin si general Rose, "Luke, tandaan mo ang mga sinabi ko sayo kahapon ah, at hangga't maaari, wag kang maghuhubad, sabihin mo medyo allergic ka sa araw. Tatanggapin nila ang excuse na yun."
"Hindi ako marunong lumangoy", mangiyak-ngiyak kong sinabi sa kanya.
"Kaya mo yan, makinig ka lang sa sasabihin sayo, hindi mo naman kailangan maging magaling agad, basta matuto ka lang nang kaunti, yung makakarating ka sa pampang, okay na yun. Fast learner ka naman.". Tumango lang ako at pinili kong sumakay sa karwahe kung saan hindi nakasakay yung mga taga-24 hanggang 27.
Wala akong kinausap hanggang sa makarating kami sa isang pool na gawang tao, malapit sa harbor na ginagamit ng mga kawal para sa training sa tubig.
Pinapila ulet kami walo-walo para sa instruction. Yung brunette na nakakatakot ulet ang nasa harap namin. "Ito ang ikalawang araw ninyo nang training, sa loob ng tatlong oras ay dapat na kayong matutong lumangoy. At alam niyo na ang ibig sabihin ko. Kung hindi kayo matututo, malulunod na kayo."
Tiningnan ko ang mga mukha nila Spencer, at tulad ng inaasahan, nakatawa at nakangiti na agad sila, ibig sabihin marunong na sila.
Napaisip tuloy ako, akala ko hindi porket magaling na ako sa paggamit ng espada, mataas ang chance kong manalo, kaso bakit parang ganun lumiliit ang pagasa kong manalo. Feeling ko tuloy napaka-dali ko lang na target.
Bago kami magsimulang magpractice may idinagdag pa instruction si brunette. Hindi ko kasi alam pangalan niya eh. "Nakikita niyo na meron lang tayong apat na swimming instructor, kaya isa-isa nila kayong pupuntahan para turuan ng tiglalambing-limang minuto (15 mins)."
Grabe, labing-limang minuto lang? Paano ko siya mapapag-aralan? Eh district 16 ako, ibig sabihin ako ang huling tuturuan ng isa sa mga instructor na ito. Sobrang luge talaga!
Pinahanda na kami, pinagtanggal na kami ng mga sapatos at kahit anu-ano pang mga mga bgay na nakasabit sa katawan.
"Magsisimula ang apat na instructor sa 1, 9, 17 at 25. At ang inyong tatlong oras ay magsisimula, ngayon na!".
Sabi ko na nga ba eh, hindi 1-4, 5-8, 9-12 ang pagkakasunod-sunod ng tuturuan nila.
Pinanood ko muna yung apat mula sa kabila, at sabay-sabay silang lumusong at nagpapaunahang lumangoy. Si Spencer naman, hindi pinansin yung instructor na lumapit sa kanya dahil halata namang bihasa siya.
Grabe! Ang gagaling nila, pero bukod sa kanila, may iba ring naka-lusong na sa pool at marunong na lumangoy.
Hinanap ko kung nasaan si Lucent, at nakita ko siya lumalangoy din nang walang kahirap-hirap. Oh my gee, nakakainlove lalo. Ang galing din niya. Paturo kaya ako sa kanya? Or wag na, baka tawanan niya lang ako.
Paano ko kaya siya i-approach? Ganito? "Koya, paturo naman aqcuh, kyaaha!" bulong ko sa sarili ko. Shet, ang panget naman tingnan nun. Tsaka baka kiligin lang ako.
Tiningnan ko kung nasaan si Marvel at si Vhan pero pareho silang nasa gilid ng pool at sinusubukan mag float ng walang hawak.
Bakit pati sila hindi marurunong? Paano ito ngayon? Wala na akong kilala. SIguro sisimulan ko na ring humawak din muna sa gilid at subukang mag padyak ng paa. Baka magkaroon ng milagrong matuto ako bigla dahil dalaga naman na ako.
Bumaba na rin ako sa gilid ng pool kung saan abot ko pa, tapos konti-konti kong nilalakad ang malalim na parte habang naka hawak sa gilid.
Umabot na ako sa parte kung saan hindi ko na abot, bumitaw ako saglit at sinubukan ipadyak ang mga paa ko para lumutang kaso lumulubog ako kaya humawak ulet ako, sa gilid. Kaso bago ako makahawak, biglang may humawak sa bewang ko at muntik ako hilahin papunta sa gitna ng pool.
Sisigaw sana ako nang biglang, "District 27, minus 2 points" sabi ni brunette. Kaya binitawan niya ako, "Di ba sabi ko, strictly no bullying at bawal makipag-away?"
Phew salamat talaga! Oo tama, nabubully ako. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila ang 10 points na yun, samantalang lamang na lamang na sila ngayon. At isa pa, baka lalo akong paginitan lalo pa ngayong nabawasan ang grade niya.
Umahon muna ako sa gilid ng pool, para yakapin ang sarili ko dahil sa lamig ng tubig. At pinanood ko lahat ng mga marurunong na lumangoy.
Napansin kong nagpalit na rin pala ng tinuturuan ang mga instructor, at yung isa, hindi ko masyadong napansin kung sino. Biglang iniwanan niya rin ang instructor niya. Inabangan ko kung sino siya baka mabaet naman at turuan ako. Kung si Jobs yan, baka malapitan ko pa, kaso masyado silang marami para maging siya ang lumalangoy na yun.
Pag-ahon nung lalaki, nagulat na lang ako nang malaman kong si Zach pala yun.
-------------------------------------------------------
A/N: Pasensya na sa matagal na upload, walang USB eh XD.
BINABASA MO ANG
The Royal Games
БоевикThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...