Pagkaalis ni Vhan para pumunta sa ibang station, napansin kong maingay na pala ang buong hall at talagang mukhang busy na lahat ng mga nagtetraining. At lahat halos ng mga stations puno na. Tumingin ako sa pwesto ni miss Jewel, at tulad ng inaasahan, wala talaga masyadong pumupunta, dahil sa tingin nila hindi mahalaga ang mga basic.
Maglalakad na sana ako papunta sa kanya biglang hinarang ako ni Zach, "Kuya, a promise is a promise. Sabi mo tuturuan mo ako gumamit ng espada."
"Huh? Oo nga pala noh. Tara punta tayo doon sa Sword-section". Pagyaya ko.
Habang naglalakad kami, pinapanood ko yung iba. Tulad ni Howard na nasa axe section, tapos yung district 4, 28, 31 at si Rannier nasa spear section. Yung mga mayayabang na mga volunteer nasa dagger-section, bow and arrow at hand-to-hand combat section. Yung mga mas bata naman nasa survival skills ngayon.
Pagpunta namin sa sword section, meron doong espadang totoo, pero hindi pwede gamitin, pang design lang siya. Kaya kumuha na kami ni Zach ng mga wooden sword para magpractisan. Ang nakakatuwa, mabigat pala ito, katumbas din siya ng orignal na espada.
Sa sobrang dami ng mga champions hindi ko halos mamemorize mga pangalan nila, pero siguro kahit hindi na, syempre walang ibang pwede manalo kung hindi ako.
"Game na po tayo, ahhh, ahh... Luke". Tapos pumosisyon siya at tumayo na parang normal lang talaga na bata na nagtatapang tapangan.
"Mali yang tayo mo, dapat ganito." Lumapit ako sa kanya para ayusin ang posture niya at ang anggulo niya sa pagtayo. "Ayan ganyan."
"Nakakangawit naman, bakit kailangan ganito?" tanong niya sa akin.
"Yan kasi ang posisyon kung saan pwede mong makita halos lahat at mabasa ang pag-atake ng kalaban"
"Mabasa? Hindi naman ako manghuhula."
"Alam ko, pero kahit papaano pwede mong mapredict kung saan siya banda papalo para madali mo lang siya mailagan or dipensahan. Yan din pala ang posisyon kung saan madali umatras ng patalikod halimbawang sa tingin mo hindi mo siya kaya."
"Wow, o sige. Subukan po natin."
Pumosisyon naman ako sa parehong stance niya, dahil kapag ginawa ko yung ginagamit ko, baka may makahalata. "Game!"
Sumugod siya bigla, hahaha kids. Right swing ang gagawin niya, sobrang basic. Nag step ako papuntang kanan at nagcounter swing sa kanya, inikutan ko siya sa likod habang iniislide ang espada ko sa kanya para malock ang hawak niya dito, at tsaka ko itinutok sa leeg niya ng pahiwa ang espada, habang nakahawak ako sa likod niya para sa distansya. "Patay ka na agad." Sabay nginitian ko siya.
"Ahh, isa pa, ako naman ang didipensa, ikaw naman umatake." Mukhang naeenjoy niya pa ah. Sa totoong labanan, wala nang mercy at second chances. Papatayin talaga siya ng kung sino man ang makakita sa kanya kahit bata pa siya.
Lumayo kami sa isa't-isa ng konti at tsaka ko sinabing, "Game".
Tumakbo ako ng mabilis sa kanya, habang naka-angat ang espada ko sa kanya sa kanan, nakita kong nagpanic agad siya at nakahanda na agad yung braso niya para dumipensa. "Heto, aatake na ako mula kanan."
Hinawakan niya ng dalawang kamay nang mas mahigpit ang espada, pagabot ko sa kanya sa harapan, inislide ko ng paikot ang kanan kong paa, at itinwist ko rin ang katawan ko para umatake galing sa kaliwa at pinatama at idinikit sa bewang niya ang espada. "Double dead ka na."
"Ang daya, sabi mo sa kanan" Sabi niya sa akin na parang nainis pa.
"Tandaan mo, hindi ka dapat basta-basta na lang aatake, kailangan mo rin gumamit nito." Sabay itinuro ko kung saan nakalagay ang utak ng mga tao.
May pumapalpak mula sa likod ko at tinawag ako sa pangalan ko, "Luke. Baka gusto mong mag-sparring tayo?" Ang lamig ng boses.
Pagharap ko, si... si... Ahhh! Si Lucent ang kumakausap sakin! Emeghed kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
The Royal Games
AzioneThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...