Chapter 7 : Mabigat na Desisyon

97 11 3
                                    


            May idea na ako kahit papaano sa ilan sa mga champions, kaya siguro okay naman nang bumalik ulet sa kwarto ko para magpahinga.


            Hindi pa rin ako maka-get over doon sa poging nakita ko. Sana makilala ko pa siya ng mas personal. Kaya  bago ako umalis lumingon-lingon pa ako at umasang may iba pa akong makikitang pagkakainteresan.


            Mamayang kaunti, nakuha nang atensyon ko yung taga Disctrict 16 dahil halos kasing tangkad ko lang siya at kasing payat. Pareho rin kami ng kapal ng buhok. Hindi naman sa nagi-stand out siya pero ang ganda kasi nung armor na susuutin niya at may naka-print na "16" sa magkabilang parte nang mga gold na bracers.



            Papalapit na ako sa pintuan ng biglang pumasok si Dmitri sa loob ng assembly hall. Suot-suot niya ang kanyang kapa at ang paboritong fur coat. Siguro gusto na niyang pormal na magpakilala sa mga champions na nandito.


            Itinaas niya ang kanang kamay niya para kunin ang atenyon ng mga tao, "Magandang tanghali mga champions na nagmula pa sa iba't-ibang districts. Gusto ko lang na ipaalam sa inyo na masaya akong nakikita kayong abala para sa Champion's Debut Parade mamayang gabi."


            Sus yun lang pala sasabihin niya, nagpapansin pa siya dito.


            Sabay itinuro niya ako at muling masayang nagsalita, "Eto nga pala si Princess Leila ang mapapangasawa ng kung sino man sa inyo ang mananalo sa Royal Games sa susunod na Linggo. Sana maging responsable kayo sa katigasan nang kanyang ulo, kakulitan at kawalan ng pag-respeto. Sana maturuan niyo siya ng mabuting asal bilang isang mabuting asawa. At higit sa lahat, gawin niyo siyang mature na mag-isip, bawasan ang pagka-iyakin at ang pinaka-importante sa lahat, turuan siyang kumilos ng tama para mabawas-bawasan ang kanyang katangahan!"


            Nagtawanan ang lahat ng mga tao sa loob, sobrang ipinahiya niya ako. Tumingin ako sa paligid at nakita ko pati ang crush ko ay tinatawanan ako. Sa may bandang malapit sa kanan ko biglang may sumigaw na malaking lalaki, "Wala yan! Kapag nakaranas ng sarap yan baka tumino rin yan. Boom!".


            Hindi ko nagets ang sinabi niya pero nagtawanan pa ng mas malakas ang mga tao at may sumigaw pa ng "Woooh! Hintayin mo lang ako prinsesa Leila. Hahahaha!"




            Napanganga ako at hindi maka-imik.


            Yumuko at tumakbo na ako paalis dito dahil baka makita nila ang pag-iyak ko, sobrang nakakahiya!


            Bago ako makalagpas ng pintuan, kailangan ko munang daanan ang demonyong Dmitri na toh, hindi ko namalayang inusog niya paa niya at napatid ako. Tumalsik ako sa isang timba ng napaka-duming tubig na pinag-gamitan ng panglampaso ng simento at sobrang bumakat ang dumi sa dilaw kong suot at sa puti kong gwantes.


            Hindi ko na pinansin kung ano nangyari sakin nagpatuloy pa rin ako sa pag-takbo kahit tumutulo ang tubig sa akin. Kahit medyo nakalayo na ako naririnig ko pa rin ang tawanan ng mga tao sa loob ng Assembly Hall.

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon