Chapter 25.1: Royal Ball

32 3 0
                                    

Naririnig ko na ang ingay mula sa labas, ang mga masasayang tugtog at mga tawanan ng mga tao. Excited na talaga ako.

Paglabas ko nang kwarto, naka-kurtina lahat ng mga dinadaanan ko. Sobrang tagong-tago talaga ako para talagang surpresa kung ano ang itsura ko.

Nandito na ako sa hagdanan kasama nang event organizer, "Princess Leila, advanced happy birthday. Enjoyin mo lang itong gabing ito at wag mong kakalimutang ngumiti mag-damag kahit mapunit pa ang bibig mo." Huminga ako ng malalim at tumango.

"Katahimikan! Konting katahimikan lamang po, alam kong kanina pa kayo excited kaya naman hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Ipinakikilala ko sa inyo si Princess Leila Goldstein!"

Bumukas ang kurtina na dadaanan ko, at medyo napatakip ako sa mata ko dahil sa sobrang liwanag. Sobrang madramang background at mga kumikinang na chandelier. Sobrang pormal ang ganapang ito.

Grabe lahat nang mga tao ay mga naka-mascara at ang gaganda nilang tingnan lahat.

Lumalakas pa ang tugtog at lumapit sa akin si demonyong Dmitri para sunduin ako at ihatid sa dapat kong upuan.

Habang nakaupo ako, tumitingin-tingin ako sa paligid ng throne room, para hanapin ang mga champions dito kaso wala akong makita.

Ang daming mga tao. Usually, mga mayayaman ang mga nasa loob nito. Hindi lang sila nakikita kapag nasa District sila dahil ayaw nilang pinagkakaguluhan sila at pinagnanakawan kaya mga nakasuot sila nang mga ordinaryong damit kapag sa mga pangkaraniwang pang-araw-araw nila. At ang iba naman dito ay ang mga fans ng Royal Games na talagang pinag-iipunan ang mga champion na gusto nilang iboto at para mas makita at mas makilala talaga nila nang mas malapitan ang mga kalahok.

Siguro para sa pagkain na rin. Hehe

"Masaya ka ba Leila?" Tanong sakin ni Dmitri.
"Ah-eh-ahhh s-s-sobrang saya ko po. S-s-salamat po". Oo na lang, baka maging sensitive pa siya kapag sinabi kong sakto lang.

Nagsalita ulet ang host sa gitna, "Bago natin makita ang mga champions sa huling pagkakataon, heto muna ang presentation na inihanda sa inyo ng Goldstein Kingdom"

Mula sa mga gilid ng throne nagsilabasan ang mga kalbong dancers na nakita ko nung swimsuit competition. SIla pa ulet ang magtatanghal.

Nakasuot sila ng itim na pantalon, puting long sleeve na polo at itim na balat na sapat. Tumambling tambling sila mula sa mga gilid papunta sa mga gitna. Tapos may mga babaeng naka-suot ng sexy at daring na mga damit galing itaas at tumalon pababa salo-salo ng iba pang mananayaw. Grabe nakaka-kapos ng hininga mga pinaggagagawa nila. Nang maipon-ipon na sila, sumayaw sila nang nang napaka-sayang tugtog.

Habang sumasayaw ang mga kalbong lalaki, umalis ang mga sexy na dancer na babae at parang meron silang tig-iisang mga mesa.

Yumuko sila at iniangat ang sapin ng mesa. At may mga lumabas na mga babeng naka-long gown at sumasayaw papunta sa gitna, dala-dala ang isang black coat. Wow! May surpresa pa pala. Weird na entrance pero nakakatuwa dahil ang graceful nilang sumayaw. Napaka-dreamy nila tingnan.

Umexit ang mga sexy na mga babae at nag-iba ng kaunti ang tugtog, naging parang classic music.

Habang naka-pose lang sa gilid ang mga lalaki, ang mga babaeng naka-gown naman ay sumasayaw papalapit sa kanila at ibinihis ang coat sa kanila at tsaka sila sumayaw ng waltz. Nagpaikot-ikot pa sila hanggang sa nagsalita muli ang host.

"And now ladies and gentleman, your champions from District 1-32"

Nagsitayuan ang lahat at nagpalakpakan.

Pila-pila silang naglalakad papunta sa loob at mga naka-mascara rin. Lahat sila bihis na bihis din at naka-ayos ang mga buhok. Wow! Ibang-iba ang aura nila kumpara nung araw nang mga training.

Lahat sila ay nakatayo sa gitna at nag-bow sa akin. Hinila ko ang kanang gown ko at nag-bow din sa kanila.

Teka, kung ako yung taga-District 16. Eh sino ang isang yun? Hindi kaya yun ang totoong Luke Hemmington? Ibig sabihin alam na niya ang tungkol sa plano at tinutulungan niya rin ako?


"Para sa huling pagkakataon eto na ang inyong chance para maka-usap ang ating prinsesa at mas makilala pa siya kahit man lang sa napaka-ikling pagkakataon. Meron lamang kayong tatlumpung segundo para kausapin siya habang kayo ay sumasayaw."

Tama, eto na nga ang huling pagkakataon, kahit man lang sa tatlumpung segundo ay mas makikilala ko pa sila nang personal. Isa pa pala, kailangan ko pang hanapin ang dalawa pang volunteer. Hindi rin biro na baka makatapat ko sila sa loob ng arena nang hindi ko alam.

Nandito ako ngayon sa gitna nangthrone room habang nakapalibot sakin ang 32 champions. Sa tabi ko ay may isangflower stand para pagsama-samahin ang mga bulaklak na aabot nila sa akin. "District 1". Sabi nghost. Lumapit sakin si tangkad.Ano pa ba masasabi ko? Ano kaya itatanong niya sa akin? Bahala na. Iniabot niyasa akin ang isang uri nang bulaklak. Isa itong Azulliah! Isang bulaklak na nagpapalit-palitnang kulay at amoy dipende sa panahon. Kapag malamig, kulay orange at fresh angsimoy nito. Kapag mainit naman ay kulay pula, at amoy pinag-halo-halongmatatamis na prutas naman ito. Sa sobrang tuwa kongmakakita nito, hindi ko napansing hindi ko pala kinausap ang taga-District 1. Pwede naman pala yun eh,hindi ko sila kausapin, isasayaw ko lang sila nang tigtatatlumpung segundo.

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon