Chapter 6: Pakikipag-kilala

89 13 1
                                    

"This chapter is reserved for Evangelo Zennet (facebook), because he doesn't have a Wattpad account" ^_^


-------------------------------------


Nakita ko ang iba pang mga champions na nagba-bow isa isa sa akin. Kinukuha nila ang atensyon ko, niyayakap ako at nginingisian. Hindi ko masyadong makita ang mga muka nila, pero naririnig ko ang mga boses nila.


Biglang lumipat ng pangyayari at may nakita akong mga taong pinagtulung-tulungan si Dmitri at pinugutan ng ulo. Tumakbo ako palabas ng kastilyo at nakita kong nasusunog na ito.


Sumisigaw na ako ng sobrang lakas dahil alam kong nasa isang masamang bangungot lang ako. Buti na lang may yumuyugyog sa akin para magising.


Nang buksan ko ang mga mata ko, nakita ko si Dylan na nakaupo sa tabi ko. "Dylan? Anong ginagawa mo dito?". Hindi niya ako kinausap at nginitian lang ako.


Hahawakan ko pa lang sana siya sa balikat pero bigla siyang sumuka ng dugo at biglang may mga lalaking galit na nakapalibot sa amin. Hinawakan ko ang kamay niya para tumakbo, pero napansin kong ang lamig-lamig ng kamay niya at wala akong maramdamang bigat.


Pagtingin ko ulit sa kanya, narealize ko na putol na ang kanyang kamay, at nakita ko ang champion ng District 1 na si Valkyrie na nakatayo ang katawan pero ang ulo niyo ay gumugulong papunta sa akin.


Sinubukan ko pang sumigaw pero walang lumalabas na boses hanggang sa maging kulay itim lahat ng nakikita ko.


Maya-mayang kaunti nakaka-rinig ako ng boses, "Shhh! Leila? Leila. Gising! Wag kang mag-alala, nandito na ako, magiging okay na ang lahat." Boses yun ni miss Summer. Bumangon ako at dali-dali ko siyang niyakap ng sobrang higpit dahil sobrang nanginginig pa rin ako sa takot dahil sa panaginip na yun!



Kinaumagahan, pumasok si Dmitri sa kwarto ng tumatawa, "Tingnan mo nga naman yang napaka-cute na bear na yan. So cuddly, so soft and meek. Bakit mo kasama si miss Summer? Ah alam ko na, kasi isa kang iyaking bata!"


Bwiset! Alam talaga niya kung paano magpakulo ng dugo! Tinitigan ko lang siya na parang papatayin ko siya pero hindi na lang ako nagsalita para hindi na lumaki at humaba pa ang usapan.


Pagkatapos niya dumaldal ng ilan pang pang-aasar, bigla siyang nang-utos, "Princess! Kailangan mong tagpuin ang mga champions ngayon, dahil unfair naman sa iba na hindi mo sila nameet personally dahil sa sakit-sakitan mo kahapon."


Tukinampots ka talaga! Isang araw, kapag ililibing ka na. Hinding-hindi kita iiyakan!



Ngayong araw na ito, nagsuot ako ng isang dilaw na ruffled dress, long gloves na may nakaburdang mga bulaklak at may matching lime-shaded na glass slippers. Napaka-gaan lang ng mga materials kaya madali lang kumilos.

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon