Chapter 19.3: Training - Day 2

35 3 0
                                    

Buong oras kami ng practice magswimming hanggang sa dumating na ang turn ko para turuan ng instructor.


Tinuruan niya pa ako ng ilang technique para tumagal sa tubig. Prinactice ko at ipinakita sa kanya ung turo sa akin ni Zach. At talagang hindi ako makapaniwalang natuto ako bigla.


Matapos ang ilan pang minuto, nag bell na si brunette para ipaalam sa aming tapos na.


Imbis na maglakad ako paalis ng pool, sinubukan ko pang lumangoy ulet ng kaunti para makasiguradong kahit papaano marunong na ako.



Pagbalik namin ng kastilyo, nakaramdam na ako ng gutom kaya bago ako dumiretso ng hall, kumain muna ako.


Tumabi sa akin si Marvel at si Vhan. Aalis sana ako ng pwesto ng pinigilan nila ako umalis.


"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.


"Wala lang gusto lang namin magpasalamat sayo at sa kaibigan mo. Kahit papaano, marunong na rin kaming lumangoy." Sabi ni Marvel.


"Pero mas magaling pa rin ako sa inyo." Pagyayabang ni Vhan.

"Naghahamon ka ba?" Sagot ni Marvel.

Pinukpok ni Vhan ang mesa "Eh paano kung oo?"

"Sige, malalaman natin yan ilang araw na lang mula ngayon."

"Hay nako, iwanan ko na nga kayong mag bestfriend dito. Good luck!"


Hayzz hindi talaga yata sila magkakasundo. Pero ayos lang, at least mas madali kung wala silang mga katulong. Hindi ko rin naman ako kung sino sa kanila ang magaling.


Pagkatapos namin kumain ni Marvel, pupunta na sana kami sa Training Hall, kaso ako sabi ko pupunta muna ako ng quarters ko para magpahinga.



Pagakyat ko sa kwarto, humiga muna ako. Nararamdaman ko pa rin yung pagod ng katawan ko sa tubig. Grabe! Pukpukan na talaga ang training. Buti na lang nakilala ko talaga si Zach.


Ano kaya magandang gawin mamaya sa hall? Mag-bow and arrow ulet o survival skills? Siguro uunahin ko na lang ulet kung saan... walang tao... tapos...... tapos..............



Naramdaman kung gumulong ako sa kama at tsaka nahulog kaya nagising ako. Pagtingin ko ng ulap. Gabi na pala! Oh shit! Ang tagal ko palang naka-tulog.


Ibig sabihin sayang yung dapat na matututunan ko pa! Sayang talaga! Ang tagal ng itinulog ko!


Bababa pa kaya ako para kumain? Wag na siguro, hindi naman ako gutom tsaka inaantok pa ako. Tulog na lang ako siguro ulet. Bahala na! Marunong naman na ako kahit kaunti.


----------------------------------------------------------

A/N: Last Day of training na! ^_^


The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon