Chapter 9: Bagong Kaibigan
Pumasok yung dalawang escort sa loob ng assembly hall para tawagin na kami at pumunta na sa barracks at sasakay na kami sa isang Raidwheel.
Ang Raidwheel ay isang open space na sasakyan na may tatlong gulong. Umaandar ito sa pamamagitan ng paghila ng dalawang kabayo sa harapan. Kadalasan itong ginamit pang-deliver ng mga pakain, damit o kahit ano pang mga transferrable items.
"Labas na po tayo sir Luke". Utos sakin ni general Rose.
Paglabas namin, nakita ko ang mga nag-gagandahang mga Raidwheel, na may iba't-ibang disensyo kada district. Ang lahat ng mga kabayong ginamit ay kulay itim.
Teka kulay itim? Ibig sabihin nandito si Dylan at si Black Lightning.
Bago ako dumiretso sa sasakyan ko, nagpaikot-ikot muna akong ng tingin, hanggang sa makita ko si Dylan. Sobrang naexcite akong makita ulet siya at tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya.
Hinawakan niya ako sa dibdib at itinulak, "Teka? Sino ka ba? Kilala ba kita?". Grabe buti na lang makapal itong armor ko, kung hindi nachansingan ako ng wala sa oras.
"Hindi mo ako nakikilala? A-ako toh ... si..." Biglang hinila ako ni general Rose mula sa likod.
"Pagpasensyahan mo na po, akala lang niya ikaw yung kapatid niyang nawalay sa kanya. Tara na sir Luke."
"Teka lang, gusto ko lang talaga siya makita please?" Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Hindi pwede, kailangan mo munang pansamantalang kalimutan at iwanan ang pagiging Leila mo." Bulong niya sa akin.
Pagbalik namin sa pwesto biglang may isang cute na lalaking maputi at matangos ang ilong ang tumatawa ng malakas, "Hahahahaha. Oo nga sir Tear, totoo nga ang sinabi mo ngayon-ngayon lang."
Ang ganda ng knight costume niya (see the picture above), meron siyang Silver mitter na may moon shaped-holes, tapos silver vest at shining, glittering silver pants.
Nilapitan ko siya dahil masyado siyang nakiki-close sa sir Tear ko. "Sino ka ba at bakit mo ako tinatawanan?"
Lumapit siya habang nakangiti ang kalahati ng kanyang bibig at nangungulangot, "Hmmm, okay, ako si Marvel Pastrana, champion ng District 18." At inabot niya sa sakin ang kamay niya na ginamit niya pang kulangot.
Tatapikin ko lang sana ang kamay niya pero saktong ipinahid niya yung daliri niyang medyo malagkit, kaya titili sana ako kaso nag-pigil lang ako, "Ah... mmmhhhmmm kadiri ka! Alam mo yun?" Bwiset!
"Hahaha para kang babae, ang arte mo. Kulangot pa lang yan, paano pa kaya kung nasa loob ka na ng arena? Mga gumagapang na insekto, lupa't putik at dugo na ang mga dumikit sayo. Kakayanin mo ba?" Nakangisi niyang sinabi sa akin.
Oo, nga may punto siya. Triny kong mag-angas dahil ayokong magmukhang mahina dahil magiging lapitin ako sa kapahamakan, dahil malamang sa malamang uunahin nila yung madali patayin, "Dugo lang ba? Kung sayo mang-gagaling walang epekto sakin ."
"Ops! Teka, hindi naman siguro tayo nag-aaway di ba? Magkakampi tayo dito." Tapos sabay niyang itinaas ang dalawang kilay niya nang dalawang beses."
"Magkakampi? Pero inaasar mo ako?" Adik yata ito eh.
"Sinusubukan lang kita. Sabi sakin ni sir Tear, mainitin ka raw at matigas ang ulo. Pero ngayong alam ko na, siguro iiwasan ko na pang-aasar sayo. Sana maging magkaibigan pa tayo kahit maikli na lang ang panahon natin."
"Sana nga. Ano ulet pangalan mo?".
"Marvel".
Mula sa kalangitan, biglang lumakas ulit ang tugtog at muling naghiyawan ang mga tao mula sa ibaba.
Magsisimula na yata ang parada.
"Teka gaano ba katagal ang parada na ito?" Tanong ko kay Marvel.
"Ha? Para kang hindi nanonood taon-taon. Ganun pa rin, yung main road pa rin ang dadaanan, pag-baba sa District 1, 2, 4, 7, 10, 11... basta alam mo na yun!".
"Ahh, akala ko kasi iikutin natin ang buong Goldstein Kingdom dahil alam mo na, ito ang Ultimatum." Natatakot kasi ako baka mahilo at himatayin nanaman ako.
"Princ... Ay, Luke. Sumakay ka na sa Raidwheel mo. Aalis na kayo maya-maya." Singit ni sir Tear.
Pumunta na ako sa pwesto ng sasakyan ko, at nakita kong napaka-ganda pala nito. Hindi ko siya napansin kanina dahil kay Dylan. Kulay itim ito, napaka-kinis at napaka-kintab. Sa gilid nito ay may mga disenyong balat nang dragon na kulay ginto. Sa bandang ilalim may mga puting hugis bilog na kumikislap kapag natatamaan ng ilaw. Sobrang cool at sexy rin ng mga gulong. Sa bandang harapan at likod nito nakasabit ang District number namin.
May mga nakasakay ding mga nakamaskara sa bawat kabayo bilang hinete. Siguro sila ang may-ari ng mga iyon.
Tumingin ako sa direksyon kung saan ko nakita si Dylan kanina pero siguro naka-sakay na yata siya sa isa sa mga kabayong nandoon. Hindi ko rin naman makita si Black dahil halos magkakamukha ang mga kabayo dito.
Sumakay na ako.
-----------------------------------
A/N: Ano po sa tingin niyo kay Marvel?
Bagoong kaibigan nga ba talaga? O bagong kalaban?
Next chapter, opening ceremony na sa wakas! Yes! :D
BINABASA MO ANG
The Royal Games
אקשןThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...