Chapter 8 : Preparasyon sa Parada

91 10 0
                                    



Gumagabi na at kahit medyo mataas ang ang kastilyo, naririnig ko na ang mga sigawan ng mga tao sa labas. Mukhang excited na yata ang lahat!


Sumilip ako sa bintana at sobrang daming tao na agad ang naka-abang sa ibaba, sila yung mga super fans ng Royal Games. Nagmula pa sila sa kanya-kanya nilang mga districts para lang makita agad ang mga champions this year.



Habang naka-dungaw pa rin ako sa bintana, pumasok na si lady Nastasia sa kwarto ko na may dala-dalang mga kasangkapan. Tapos, pinapunta niya ako at pinaupo sa harap ng salamin para ayusan.


"Tonight is your big day Princess Leila! Ano ang nararamdaman mo ngayon?" Tanung niya sakin.

"Mas mabuti ang pakiramdam ko ngayon kesa sa mga naka-lipas na araw."

"Basta, masaya ako kung saan ka masaya. Heto may dala akong mga make-up, yung iba ay para paitimin nang kaunti ang balat mo, at itong mga pang-shade at bronzer na ito ay para magmukhang panglalaki ang cheekbone mo at ang panga mo." Sinumulan niya nang ayusin ang itsura ko.


"Thank you." Wala na akong masabi pa sa kabaitan ng mga tao sa paligid ko.


Nang matapos niya na ayusin ang buhok at mukha ko, tiningnan ko ulet ang sarili ko sa salamin at napansin kong halos hindi ko na makilala ang sarili kong mukha. Sobrang galing! Sobrang ganda ng pagkakagawa. Nagmukha talaga akong lalaki.


"Princess Leila, maghubad ka na po, ilalagay natin ito." May inilabas siyang parang benda na stretchable.

"Ano yan?" Tinanong ko.

"Chest-binder ito. Para hindi mapansin ang nasa harap mo."


Tinanggal ko na ang damit ko at sinimulan niya nang balutin ang dibdib ko. Medyo masikip at hindi ako makahinga, pero ayus lang, parte naman ito ng disguise ko.


Pinasuot niya na akong ng isang plain na itim na damit at maluwag na pantalon at lumabas na kami ng kwarto.


Halos wala nang tao sa loob ng kastilyo dahil karamihan ay nasa labas na at nag-aabang na rin sa pagsalubong sa mga champions.


Pumunta na kami sa assembly hall.


Pagpasok ko sa hall, mas marami na ang nasa loob kesa sa kaninang umaga, dahil siguro nandito na ang lahat ng champions at dumiretso na kami sa isang station na naka-laan para sa District 16.


Laking gulat ko na nandun si Sir Tear sa kung saan kami pupwesto, yayakapin ko sana siya kaso pinigilan niya ako, "Teka, teka, hindi tayo close remember? Ikaw na ngayon ang championg ng District 16.". Oo nga pala, hindi namin pwede ipahalata sa iba na ako ang prinsesa.


Hinawakan niya ang ulo ko at nginitian tapos sabi niya pa sa akin, "I'm so proud of you little sunshine. Talagang lumalaki ka na. Well good luck sa parada ha. Sana hindi ka mahilo, hahaha! Kaya mo yan!"

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon