Kinagabihan pumasok sa quarters ko si general Rose para pag-usapan namin kung anong gagawin ko sa talent competition bukas.
Sa talent competition mo pwede ipakita kung sino ka talaga, pwede kang kumanta, sumayaw o kahit ano pang talent. Pwede mo rin ipakita ang pagkabihasa mo sa paggamit ng weapons o di kaya ay kahit ano pang gusto mong ipakita. Dahil dito ka makakakuha talaga ng mga crowd na gagastos para sayo.
"Ano po sa tingin niyo ang dapat kong gawin bukas? Magbo-bow and arrow pa rin po ba ako?"
"Hmm, bahala ka na kung anong gusto mong gawin. Kung gusto mo, magpakitang gilas, mukhang hindi ka na rin naman makakahabol sa points. Yun nga lang pwede mong ipakita sa lahat na kayang-kaya mo pa rin makipag-sabayan."
"Hayzzz ang hirap pala neto. Kung naging lalaki ako mas madali sana ang buhay ano? Paano nga po ulet ang Ulitmatum kapag isa kang lalaki?"
Inexplain sakin ni general Rose, "Kailangan kapag umabot ka ng 21 years old, magkakaroon ng Ultimatum kung saan 21-25 naman ang pwedeng mga sumali. Sa Draft Pick, puro lalaki lang ang mga nakalagay sa bowl, pwede lang ang babae kapag isa itong volunteer. Ang mananalo naman doon ay magiging pinaka-kanang kamay at personal na body guard ng prinsipe."
"Tapos po? Paano siya makakapili ng mapapangasawa?" Tanong ko sa kanya.
"Magkakaroon ng isang pista sa loob ng kastilyo, tulad ng mangyayari sa susunod na araw. Kung saan ang unang sampu na mga babae bawat district ang pwedeng dumalo. Tapos kung sino ang magustuhan ng prinsipe, yun na ang mapapangasawa niya."
"So bali 320? Ang dami! Mas mahirap pala manalo kung ganun karami, yun nga lang walang mamatay. Eh paano naman po magkakasya lahat?"
"Sa umaga pa lang, pila-pila agad sila, tapos pipili lang agad ang prinsipe sa unang tingin at bibigyan niya ito ng invitation na pumunta sa pista kapag nagustuhan niya."
"Ahhh, yun pala yun. May screening naman pala agad. Pero di ba, ang nanay ko ang totoong may dugong Goldstein di ba?"
May kinuha siya sa bulsa, at ibinigay sakin. "Nakikita mo itong locket na ito? Ibinibigay lang ito sa tunay na Goldstein, ipinapasa ito sa bawat henerasyon. Ibibigay lang namin ito sayo kapag ikaw ay naging isa nang Reyna."
"Pwede kahit matingnan ko lang?" iniabot naman niya sa akin at tiningnan ko ang heart-shaped locket na ito. "Ang ganda! Tapos sabi niyo kamukha ko ang nanay ko, pero bakit parang ang layo? Sobrang ganda niya at napaka-class talaga tingnan."
Ibinigay ko ulet sa kanya, "Maganda ka rin naman Leila, sa ibang paraan. Malas lang talaga ng Reyna na napangasawa niya si Dmitri."
"Oo nga, wala ba siyang karapatang mamili?" Tanong ko sa kanya.
Napangiti siya at medyo binatukan ako, "Ehem! Babae ang nanay mo, ibig sabihin, ang ama mo ang pinaka-huling nanalo sa Ultimatum. Hindi ko na maalala kung saang district siya nanggaling pero alam ko sa bandang 24-27 yata."
"So ibig mong sabihin, isa rin siyang volunteer na champion?". Bigla akong kinabahan.
"Siguro. Pero pwede ring hindi. Wala na akong ibang alam na impormasyon hanggang doon."
Kaya pala magaling din ang tatay ko sa paggamit ng espada, at napaka-arogante niya. Maaring isa nga rin siyang volunteer. Malakas pala talaga siya kaya siya nanalo.
At isa pa, kaya siguro ganun din talaga ang ugali niya dahil masyado siyang nasilaw at binago ng kayamanan ang pag-uugali niya.
"Alam ko na ang gagawin ko bukas sa talent competition, ako nang bahala general Rose."
"Yan ang gusto ko sayo, palaban, sige matulog ka na princess Leila or Luke Hemmington ng District 16, magrereserba ka pa ng lakas para bukas." Sabi sakin ni general Rose.
Bago ako makatulog, inisip ko ang mga mukha ng mga volunteer, hindi pala talaga sila birong kaharap, yung tatlo at si Jude, tapos si Vhan na nakakainis, si... Oo nga pala si Lucent. Oh my, hindi pa nga pala ako naghuhugas ng kamay hanggang ngayon! Hinawakan niya kamay ko kanina shucks.
Niyakap ko yung kamay ko na may kamay din ni Lucent hayzzz kilig! Hindi ko na talaga mapigilan. Sana talaga siya na lang ang manalo sa laro. Tapos ako, aamin ako kapag dalawa na lang kaming natira.
BINABASA MO ANG
The Royal Games
AksiThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...