"District 3".
"Hi, Leila wag mong kakalimutan, Howard Train nga pala" Sabay kinindatan niya ako, like eww? Okay lang siya? Grabe feeler huh.
Kinausap ako nang taga-4 at 5 pero simpleng kamustahan lang at pagnkaraniwang conversation lang ang pinagusapan namin, tulad nang kung ano ang mga favorite ko.
"District 6"
Nangingig akong hinawakan ng cute na batang ito. Haha! Makabata naman ako, 15 naman siya, kaso ang liit kasi, kaya mukha siyang eleven years old tingnan. Tapos kinausap niya ako, "Sobrang saya ko po kahit sa huling sandaling ito. Hindi ko ineexpect na makakahawak ako ng prinsesa sa buong buhay ko."
Kaya pala siya nangingig eh, kala ko giniginaw.
"District 7"
Oh no! Siya na pala! Bago niya iabot sakin ang bulaklak, nagbow muna siya sa harapan ko at hinawakan ako sa bewang, nasampal ko siya nang wala sa oras dahil parang nakaka-akward na hawakan niya ako, "Sorry, Vhan di ko sinasadya".
Napanganga siya at medyo dumistansya sa akin, "Vhan? Ibig sabihin naaalala mo pa ako kahit isang beses lang tayong nagkausap noon?"
Oh shucks. Oo nga pala, "Ah, eh... Hahaha?" Wala akong masabi!
"Ikaw ha, interesado ka sakin ah, talagang mabilis mo lang akong natandaan. Yung starter pack C, wag mong kalilimutan" Sabay ngiti sa akin.
Sasayaw pa lang sana kami nang biglang sumingit ang host, "District 8".
Teka! Ang bilis ng tatlumpung segundo, hindi ko namamalayan.
Grabe, nahalata kaya niya? Hindi naman siguro. Pero grabe talaga hangin niya at kapal ng mukha, mapa-Luke o Leila ako talagang ang lakas niyang mang-asar.
"Thank you ha! Ang laki mong tulong!". Natauhan ako at napansin kong galit sakin ang taga-District 9 habang isinasayaw ko.
"Sorry. Ano nga ulet yun?" Tanong ko sa kanya.
"Wag na! Salamat na lang!".
Grabe, kaya nga ginawa itong ball na ito para i-enjoy naming lahat pero puro Royal Games ang laman ng utak ko.
"District 10"
Niyakap ako ni Zach paglapit sa akin. Hindi ko siyang magawang mayakap dahil baka sabihin may pinapaboran na agad ako sa kanila. "Mamimiss kita Princess" sabi niya sa akin.
Medyo natunaw puso ko dahil sobrang naaawa talaga ako sa kanya, at sa iba pang mga batang hindi handa sa palarong ito. "Wag kang mag-alala, tutuparin ang ang pangako ko sayo. Siya nga pala, ang cute mo diyan sa suot mo"
"Thank you."
"District 11"
"Hi, ang pangalan ko ay Chester Saw, hindi mo kasi ako siguro kilala dahil wala akong sa swimwear competition pero siyempre hindi ako magpapahuli".
"May tanong ako, isa ka bang volunteer?"
"Ha? Hindi ah. Nabunot lang din ang pangalan ko sa Draft Pick pero hindi ako basta-basta na champion lang."
Ano kaya ibig sabihin niya doon? Na kahit hindi siya volunteer, magaling din siya? Grabe, sobrang kinakabahan talaga ako sa lahat ng mga lalaking ito.
"District 12"
Oh my gown! Si Lucent na ba ito. "Hi, Lu- I mean District 12". Ako agad ang kumausap sa kanya.
"District 12 talaga? Oh sige, ang pangalan ko ay Lucent Elfcrest. Volunteer ng District 12. Sumali ako sa Royal Games para ipagkasundo ako at ang prinsesa sa isang kasalan."
Ang bango ng hininga niya at ang bango niya. Bumilis tibok ng puso ko, sobrang kinilig ako sa sinabi niya. Oh my, sana nga ikaw ang manalo o isa sa mga mananalo. Habang sumasayaw kami, ihiniga ko ang ulo ko sa balikat niya.
"You look very dashy!" Sabi ko sa kanya
"District 13".
Di ako maka-get over, pero kailangan ko itong kausapin baka magalit nanaman. Pero grabe, yung ngiti niya at yung pagtingin niya sa akin,"Haaaay!"
"Uhm? Hi din?".
Napatakip ako ng bibig ko dahil ang lakas pala nang pagkakasabi ko. Grabe , sayang naka-mascara kasi siya kaya hindi ko nakita nang mas malapitan mukha niya.
"Makikita natin yan sa loob ng arena!." Galit na tingin sakin ng taga-14.
"Ha? Ano?"
"Obvious naman na gustong-gusto mo yung taga-12. Pero tingnan na lang natin" Sabay umalis siya.
Ano ba Leila? Bakit ka ganyan, kausapin mo naman ibang mga champions, nakakahiya, nagagalit sila!
"May problema po ba?" Tanong sakin ng taga-15.
"Ano pangalan nung nasa 14? Kilala mo ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hahaha, ako ang kasayaw mo pero tinatanong mo pangalan ng iba."
"Sorry." Teka ano nga ulet pangalan niya? Alam ko dapat ito. Dahil mabilis ako maka-memorya ng itsura at pangalan ng tao. "Ang pangalan mo ay Trevor di ba?"
"Aba, thank you at nalaman kong hindi pala ako basta palamuti lang sa kumpetisyon." Sabay natapos na ang oras namin at hindi ko man lang naitanong ulet sa kanya ang pangalan nung taga-14.
"District 16"
District 16? Paano at sino kaya ang taong ito?
Paglapit niya sa akin, iniabot niya ang bulaklak sa akin at tsaka ako niyakap.
Hindi kami nag-uusap pero sobrang na-curious talaga ako kung sino siya.
"Hi, Luke Hemmington?".
"Hi din Princess Leila." Sagot niya sa akin.
"Teka, Dylan? Ikaw ba yan Dylan?"
"Oo, ako nga Leila." Nang marinig ko ang boses niya, biglang may gumilid na luha sakin sa sobrang tuwa na mahawakan ko siya ulet.
"Ikaw nga! Grabe hindi kita makilala agad, ang pogi, I mean ang manly mo tingnan sa coat and tie mo. Bagat sayo ah."
Bago ako makapag-pigil ng reaction, napayakap na lang agad ako sa kanya sa sobrang miss na miss ko siya. "Buti na lang nakalusot ka."
"Siyempre magagaling ang mga taong tumutulong sa likod mo eh. Uhmm, Leila, alam mo pwede ka pa naman umatras sa laro. Umamin ka sa ama mo at maghanap na lang siya nang ibang pwedeng pumalit sa lugar mo."
"Pero nakita na nang buong Goldstein Kingdom ang mukha ni Luke Hemmington."
"Pwede naman siyang patayin agad ng patago sa unang araw ng palaro. Ikaw bahala ka, promise ipagtatanggol ka naming lahat, wala namang maling desisyon sayo para sa amin." Sabi sakin ni Dylan na sobrang may pag-aaalala.
Niyakap ko siya ulet, pero dapat hindi ko ginagawa yun dahil masyadong pabor at obvious pero bahala na. Ito gustong gawin ng katawan ko.
Nag-iba ang tugtog dahil siguro tapos na ang unang kalahati ng mga champions. Tumingin-tingin ako sa paligid lalo na kay demonyong Dmitri dahil baka may violent reaction siya sa ginawa ko. Pero mukhang wala naman.
BINABASA MO ANG
The Royal Games
ActionThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...