Chapter 5 : Draft Pick

103 20 2
                                    

Sumapit na ang araw ng pagpili ng mga champions ng bawat districts at alam kong hindi ito masamang panaginip na mawawala na kapag nagising na ako.


Parang ayoko ngang bumangon sa kama ko ngayon, parang nanlalambot ako at walang energy para kumilos. Feeling ko ang lungkot ko. Siguro dapat nakinig na nga lang ako kay Dmitri para hindi na sana ito nangyari ngayon.



Nagmamadaling pumasok ng kwarto si lady Nastasiya at minamadali akong magpalit ng dami dahil male-late na ako.


Sinuot ko itong eleganteng, flowy sky blue dress na may mga glitters bandang baywang. Nagsuot din ako ng isang brooch at kumikinang na diyamante para sa hikaw.


Lumabas ako ng kastilyo at may naghihintay na ginintuang kalesa na may mga ribbons at kurtina. Pumasok ako sa loob and nakita ko si Dmitri na may kasamang dalawa pang lalake. Sa sobrang curious ko, nagtanong ako, "Sino po sila?"


Tiningnan ako ni Dmitri na may nakakatakot na mukha, "Sila ang mga escorts. Sila ang mga tatawag at babati sa mga pangalan ng mga champions na makikita mo maya-maya lang." Napansin ko ring may nilukot na papel yung isang escort at itinago niya ito sa bulsa.


Wala namang masama sa pagsasalita, kaya nagtanong ulit ako "Para saan yung listahan na yun?" Tumingin ang escort kay Dmitri para tanungin kung okay lang sabihin. Tumango siya. "Ang listahan iyon ay ang mga nag-volunteer para sa Ultimatum."


"Ilan ang mga volunteer?" Hindi na niya ako pinansin at tumingin sa ibang direksyon.


Wala nang nagsalita hanggang makarating kami sa gitna ng District 1. Maraming tao ang nakapalibot sa amin. Tapos sa gitna ng quadrangle ay ang mga grupo ng mga lalaki na nakapila ayon sa kanilang edad. Siguro sila ang mga binatang qualified at pwersahang isinali para sa Draft Pick ngayong araw.


Pagbaba ko ng kalesa, napansin kong nakatingin sa amin ang lahat ng mga tao at napaka-tahimik. Umakyat kami sa isang stage na may tatlong nakahandang mga upuan para sa amin. Isa para sa hari, sa akin at sa kasalukuyang captain ng district 1.


Pagkaupo ko, nagsimula nang mag salita yung escort na may brown na buhok."Umagang kay ganda District 1! Ikinagagalak po naming sabihin sa inyo na ang Ultimatum - ang grand Royal Games ay nagsimula na! Bago po tayo pumunta sa main event, magbigay pugay muna tayo sa watawat ng Goldstein Kingdom habang kinakanta ang ating National Anthem" Inilalagay namin ang aming nakasarang kanang kamay malapit sa puso at ang siko naman ay nakapantay sa bandang dibdib.


Pagkatapos naming kumanta, bumalik ang escort sa microphone, "Ngayon, dahil walang nagvolunteer para sa inyong District. Kailangan nating piliin ang inyong champion sa pamamagitan ng pagbunot ng isang pangalan sa Goblet of the Stars." Pumunta siya sa gitna ng stage para bumunot ng isang random na pangalan na nakalagay sa isang maliit na envelope sa doon sa isang napakalaking baso.


Bumalik ulet siya sa microphone, binuksan ang envelope at binasa niya ng malakas at malinaw ang pangalan sa harap ng mga taong nandito ngayon. "Valyrie Carter".

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon