Chapter 2 : Patagong Pagsasanay

196 24 1
                                    

"This chapter is dedicated to Angelica_Cosme kasi fina-floodlikes at votes niya ako sa facebook at wattpad. Sumabog notifs ko sa 99+ thank you."


-----------------------------------------


Kinagabihan, siguro bandang mga alas onse, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para pumunta ng training hall para mawala ang inis ko. Pagbaba ko ng hagdan, pumasok ako sa pinaka-unang pinto na mula sa throne room, kumaliwa ako at nilagpasan ang ilan pang mga pintuan para makapunta sa room ni Sir Tear para yayaing magpractice ng paggamit ng espada.


Bago ako maka-katok sa pinutan niya, may isang royal guard na naka suot ng helmet ang humawak sakin at bumulong "Princess Leila? Guguluhin mo nanaman si sir Tear ano?".


Nanlamig ako dahil baka pwersahin niya akong bumalik sa kwarto at magsumbong pero sumagot din ako ng pabulong "S-s-sir! Baka po pwede mo naman ako pakawalan, pupunta lang ako kay sir Tear para sabihin sa kanya na... na pogi siya!" Shet! Ano ba tong pinagsasabi ko?


"Sundan mo ako" sabi niya.


Sinundan ko siya pabalik sa throne room paakyat sa kwarto ni demonyong Dmitri. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita niya ako, pero kung makakatakas na ako ngayon, pwede na lang akong magsinungaling at palabasin na nasa kwarto lang ako buong gabi. "Maghintay tayo" sabi nung guard na kasama ko.


"Okay lang ako. Malapit na kwarto ko dito. Thanks". Humakbang ako ng pakunti-konti at sinusubukang makatakas pero nahawakan niya kamay ko para pigilang tumakas hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto.


May narinig akong nagtatawanan, ang isa ay kay Dmitri at yung isa ay parang pamilyar na boses. Tama! Si sir Tear yun! Pero bakit siya nandito? Hindi naman siya talaga usually na umaakyat dito.


Tulad ko, ikinamumuhian din niya ang hari. Hindi kaya isa siyang traydor, isa siyang spy galing sa ibang kingdom at ipinadala para patayin ang hari?


Baka hindi naman. Baka nago-over react lang ako.


Ngumisi at tumingin sa mukha kong nakatulala si sir Tear at nagsabing "Tingnan mo nga naman kung sino ang nandito? Ang aking little sunshine."


"S-sir Tear! Magandang gabi po. Anong ginagawa mo dito?" Sana sabihin niya kaagad ang totoo sa akin para makatakbo agad ako kung tama ang hinala ko. "Kanina pa kita hinihintay." Sabi niya sakin.


"Hinihintay para saan?" Lumapit siya sa akin at sinabing "Alam kong kukulitin mo akong pumunta sa training hall ngayong oras na ito. Dahil sa nangyari kaninang umaga kasama ng matipono at gwapo mong boyfriend".


Nagulat ako sa sinabi niya at napataas ko na lang ang boses ko ng wala sa oras, "Ano? Bestfriend ko siya, hindi ko siya..." Bigla niya akong pinatahimik, "Shhh! Shh! Oo na lang. Pero kaya ako nakipag-inuman sa hari ngayon para lasingin siya at makapag-practice ka ng espada at bow and arrow buong magdamag habang mahimbing siyang natutulog."

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon