Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinikilig ako sa kanya talaga, anong sasabihin ko. "Ano uhmmm, okay".
"Huy wala pa, mukhang kinakabahan ka yata, hindi naman ako magaling, nakita lang kita kanina kaya gusto ko masubukan ang mga cool moves mo."
Ako cool? Shucks! "Pero mas cool ka."
"Ano? Hahahaha! Palabiro ka pala." Sabay pinalo niya balikat ko.
Nang matauhan ako, "Ah ibig kong sabihin, kanina nakita ko yung fighting stance mo, medyo familiar, parang nakita ko na yun somewhere."
"Ikaw ha, ini-spy mo ba ako?"
Oh my goshness, paano toh, "Uy hindi ah, bantay sarado lang talaga kayong mga volunteer sakin, nakakatakot kasi kayo kapag makaharap naming mga pangkaraniwan ang mga tulad niyo."
"Sa itsura kong ito nakakatakot?"
"Hindi, nakakainlove nga eh."
"Huh?"
"Ay, ibig kong sabihin,sa itsura mong yan, imposibleng hindi ka magustuhan ng isang babae, kahit yung prinsesa pa eh."
"Hahaha ano, mamaya na biruan, simula na tayo? Kahapon ko pa kasi kalaro si Shiver eh."
Tiningnan ko kung sino si Shiver, isang negrong semi-kalbo pala yun, taga-District 22.
"Sige manonood po muna ako". Singit ni Zach.
Oh my, paano toh? Kinikilig ako, hindi ako makapagfocus!
Pumosisyon na siya sa stance na ginagamit niya kapag pinanood ko siya. Naghihintayan kami kung sino unang susugod, mukhang kailangan ako muna, ladies first eh. Hahaha. Game.
Nagi-split step ako ng palapit sa kanya, para lituin kung saan ako aatake, isinuwing ko muna ang espada ko sa kanan pero siya, hindi man lang gumalaw sa kinakatuyan niya at dinipensahan niya lang ng walang kahirap-hirap una kong atake.
Isinuwing ko pa sa kaliwa, tapos sinalag pa rin niya, tapos isang beses pa sa kaliwa. Inilagan niya lang yung kaliwa, at tsaka nginitian ako, "Yun na ba yun Luke?". Oh my wag ganyan, ang cute mo.
"Hindi pa ako tapos", lumapit ulet ako sa kanya at nag-crouch nang kaunti at patusok kong pinaatake ang espada ko. Napaatras siya ng kaunti at nagswing ng espada na sobrang lakas na hanggang sa nabitawan ko na ang hawak kong espada, tapos itinutok niya ang patalim ng espada niya sa mukha ko.
Inilayo niya ito, at iniabot ang kamay niya sa akin. Bumilis ulet tibok ng puso ko, at hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang lambot at init.
"Nice move, muntik na ako doon ah. Thank you sa time. Mag-aaral na ako ng mga basic foods na pwede kainin sa loob ng arena. Sobrang nasatisfy ako sa ginawa natin."
Hayyy ang cute talaga, "Next time ulet". Sabi ko sa kanya.
"Ang next time, sa loob na ng arena. At kung makatapat ulet kita. Wala nang mercy."
Oo nga pala! Nakalimutan ko, kalaban ko rin siya, hindi lang ako basta nakipag-laro. Pero hindi na ako maghuhugas ng kamay! Nahawakan ko kamay niya! Kyaaaah!
Lumapit sa akin si Zach, "Ayos ka lang po kuya Luke?" Tanong niya sa akin.
"Oo Zach, thanks"
"Ganun talaga kagagaling kapag isang volunteer. Talagang handang-handa sila sa larong ito."
"Oo nga." Tapos hinawakan ko yung buhok niya at ginulo-gulo ito.
Tumunog ang kampana ibig sabihin tapos na ang kalahati ng araw, yung ibang mga champions, lumabas na nang hall para kumain.
Pero ako, magi-stay muna ako dito para pag-aralan ang iba pang mga basic weapon, pumunta muna ulet ako kay Miss Jewel.
Nakita kong nakikipagbiruan si Jobs at yung isang kasama niya kay miss Jewel.
Tapos nang makita ako ni Miss Jewel na papalapit sa kanya, mukhang tuwang-tuwa siyang makita ulet ako, ngitian niya kasi ako habang tinuturuan niya itong Arthur na ito na taga-District 28 at si "Jobs?"
Lumingon siya sakin, habang kagat-kagat ang isang inihaw na manok. Tinanggal niya ito sa bibig niya, at tsaka niya ako binati. "Uy, Luke, kumusta ka na? Masakit pa rin ba sikmura mo?"
"Ahh wala na, nung isang araw pa yun eh." Sabi ko sa kanya.
Biglang sumingit si Arthur, "Magkakilala kayo?"
"Ah hindi, nagkatabi lang kami nung kumakaen tayo nung isang araw. Yung may panis na pagkaen."
"Ah kainis nga yun, hindi rin tuloy ako nakasali sa swimwear competition. Pareho nga pala kami ni Luke"
Inalok ako ni Jobs, "Gusto mong tikman? Dito ka na banda kumagat kung ayaw mo sa may laway na."
Siyempre hindi ako tumanggi, sabihin ang arte ko. Pero kinagat ko yung walang laway, "Mmm, sarap, malambot ang karne pero medyo matabang, binaon mo ba toh galing sa dining hall?"
Tapos tinuro niya kung nasaan ngayon si Lucent, "Kay Lucent?".
"Hindi ah, doon mismo sa basic food section, mga dahon, ugat, at hayop na pwedeng makain."
"Ahh kaya pala normal na ihaw lang ito, ano ba ito?" Nalunok ko na.
"Palaka."
Medyo naduwal ako, kaya napatakbo ako sa bandang gilid para kumuha ng tubig at imumug ito.
Tiningnan nila ako ng nakatawa kaya bumalik ako para ipagtanggol ko ang sarili ko. "Hahaha masarap naman pala ang palaka, may nabulunan lang ako, mali kasi ng lunok. Biglain mo ba naman ako."
"Haha sanayan lang yan, dahil sa arena, kapag umarte ka, baka mamatay ka lang sa gutom."
Pagkatapos ko gumawa ng isang basic na weapon, pumunta na ako ng dining hall para kumain.
-----------------------------------------
A/N: Nakakain na ba kayo ng palaka?
Ako hindi pa, gusto kong matikman :) KOKAK!
BINABASA MO ANG
The Royal Games
ActionThis story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess. She loves playing with Dylan, her childhood friend and secretly training the use of a sword together with some of the knights. Her father...