Chapter 25.3: Royal Ball

35 2 0
                                    

                "District 18"
Hindi siya ang-salita kaya hindi na rin ako nagsalita dahil medyo nagiging mixed emotions na ako. Ang bilis ng mga pangyayari at hindi ko alam kung anu-ano ang gagawin ko.

Habang tinatawag pa ang ibang mga Districts, alam ko sa sarili ko kinakausap nila ako, pero hindi ako nagsasalita. Tumatango-tango na lang ako para kunwari naiintindihan ko mga sinasabi nila. Imposible naman na tanungin pa nila pangalan ko. Adik sila pag ganun.

Hindi ko alam kung ano uunahin ko, yung mga nagalit sakin dahil sa hindi pagka-usap sa kanila, yung mga kawawang bata na nasa laro, si Lucent, o ang sinabi sakin ni Dylan? Grabe ang gulo,hindi ko alam kung ano uunahin kong iisipin.

Kanina pa rin ako sumasayaw, hindi naman ganun katagal pero parang feeling ko tatlong oras na akong nakatayo dahil nakabigat talaga itong mga pinag-iiisip ko.

"District 24"
Ano? Ang bilis naman, hindi ko man lang namalayan. Pero yung ngawit ko ang nagbibigay sakin ng feeling na parang matagal, pero sa totoo lang ang bilis talaga ng mga pangyayari.

"District 25"
"Princess Leila, excited na ako sa kasal natin."
"Kasal?" Ano gusto niyang palabasin?
"Hahaha! Kasal! Malaki ang chance kong manalo sa laro kaya abangan mo na lang ang paglabas ko sa arena future wife ko."
Tinaasan ko lang siya nang kilay at bumitaw sa kanya. Hindi ko alam kung mayayabangan ako o matatakot dahil mukhang seryoso siya sa sinabi niya kahit mukhang joke ang mukha niya.

"District 26"
"Ganyan ba talaga kayo?"
"Anong kami? Anong nagawa ko?"
"Kayong mga volunteer kayo. Ang yayabang niyo akala niyo kayo na ang siguradong panalo eh hindi pa naman nagsisimula ang laro."
"Ah eh, hindi naman lahat ng volunteer ganon, yung iba kasi may iba pang dahilan bukod sa pagsikat at pera."
"Tulad nang ano?"
"Ang pagkakagusto sayo. Maaaring gusto ka talaga nang taong iyon kaya siya nagvolunteer. Gusto ka niyang maging kabiyak kahit wala siyang makuhang yaman."
"Tulad nino?"
"Maaaring yung ibang volunteer. Maaari ring..." naputol ang sinabi niya at napayuko siya.
"Ano?"
"Maaaring ako ang taong iyon". Ngumiti siya sabay simangot ulet na para bang nagpapa-cute sakin.

Oo nga, ngayon ko lang narealize, siya pala ang isa sa gusto kong manalo kahit mukhang kinakatakutan pa siya ng ibang mga champions. Dahil bukod sa malakas siya, charming din siya.

Sana isa talaga sa kanila ni Lucent ang manalo, pwede na rin siguro si Marvel, dahil sweet din naman siya at madaling pakisamahan. Pero who knows. Baka may iba pa pala akong hindi gaanong nakikilala ng mabuti at mas karapatdapat na manalo sa Royal Games.

"District 30"
District 30 na pala, teka? So ibig sabihin di ko nakausap yung isa pang volunteer na taga District 27, sa tingin ko nagalit din siya sa akin tulad ng mga nauna, hinanap ko siya kaso di ko alam kung saan naka-pwesto dahil naka-mascara pa rin siya.
"Hi Ron, sayang hindi ka nakasali sa swimwear competition, pero okay lang yun, siniguro ko naman na kilala ko kayong lahat."
Ngumiti siya sa akin at nagpaniwala sa sinabi ko, pero ang totoo, dahil katabi ko siya doon sa audience nung gabing iyon hahaha.

"District 31"
"Hi George. Nice to meet you ng malapitan yun nga lang naka-mascara tayo pareho." Bati ko sa kanya.
"Hahaha, ang galing mo rin pala mag-joke Princess".
"Ganun? Hahaha, thank you. Hahaha!" Whatever! Dami mong alam.

"And last but not the list, District 32"
Nakakapagod din pala ito infairness naka-survive ako nang hindi hinihimatay pero last na siya at makakaraos na rin ako.
Binati ako ni Humphrey at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. "Princess Leila, alam kong nakakapagod ito pero infairness naka-survive ka nang hindi hinihimatay pero last naman na ako at makakaraos ka na."
Ha? Ano yun? Nabasa niya ba ang iniisip ko o ano? Manghuhula ba ito?
"Mag-iingat ka po palage Princess."

Hindi man lang ako nakapag-salita, eh nakakagulat naman talaga yung sinabi niya sa akin. Pero hayaan mo na, pagod na ako kakaisip kanina pa.

Pagkatapos ko isayaw lahat ng mga lalaking ito lahat sila ay nagpalakpakan, at kinuha ko na ang bouquet ko ng mga Azulliah na naipon-ipon at binitbit ko pabalik sa upuan ko.

Nang makaupo ako, bumalik ang mga dancers at ibinalik sa masayang tugtog para tapusin ang programa.

"At para naman sa buong kaharian na mga nanonood ngayon, maaari ba Princess Leila na tanggalin mo ang yung mascara kahit limang segundo lang, para makita naman nila ang iyong napaka-gandang mukha suot yang gown mo."

Tinanggal ko dahan-dahan ang mascara ko at nagsipalakpakan ang lahat ng nasa throne room at may mga naririnig pa akong ilang pito gamit ng daliri at mga hiyaw.

"Let the feast begin!"

Nagsimula nang lumabas ang mga nasa kusina at pinakain na ang mga bisita.
Merong naka-hiwalay na mesa kung saan ang mga kakain lang ay ang hari, ako at 7-ranked generals.

Siya nga pala, meron na lang 19 existing generals ang Goldstein Kingdom, ang iba kasi ay hindi na nakakabalik kapag ipinapadala sa mga misyon sa labas ng kaharian. At ang 7-ranked generals ang pitong mga may matataas na katungkulin sa kanilang 19.

Mukha namang nagkakatuwaan ang lahat at masaya ang lahat nang bigla akong tanungin ni Dmitri kung nakapili na ba ako nang mga gusto kong bigyan ng mga starter packs.

Tumango ako pero ang totoo, isa pa lang ang naisip kong pagbibigyan nito.

Oo nga pala, bukod kay Zach, sino pa ba ang dapat kong bigyan nito? Kung bibigyan ko si Marvel at si Vhan, okay lang naman dahil maganda naman ang performance nila kung pagbabasehan ang grades nila sa scoreboard.

Kung ibibigay ko naman sa District 16, masyadong obvious at nakita nang lahat na niyakap ko siya.

Kung iisipin ko ang mga nakalipas na Royal Games. Ang mga nakakakuha din nito ay mga mga volunteer. Kung ganun ang gagawin ko walang problema, yun nga lang nakakaawa naman yung ibang mga dehado. So dapat ibigay ko rin ito sa mga kawawa? Ang gulo! Ewan! Bahala na.

"Atention! Bago matapos ang gabing ito, iaannounce na nang ating prinsesa kung sino ang makakakuha nang starter pack C – foods."

Sabi na nga ba, pagkain ang SP-C.
"Ang mga napili kong magkakaroon ng starter pack – C ay ang District; twelve, ten, twenty, twenty-six at siiiiix... at six".

Tama, ibibigay ko na lang yung tatlo sa mga pinaka-bata sa palaro, although may isa pa pero wala na akong magagawa dahil kailangan ko rin tulungan ang mga gusto kong talagang manalo kahit papaano."

Tahimik ang lahat sa naging desisyon ko, hanggang sa saluhin ako ng host, "Magsi-palakpakan tayo para sa mga District 12, 10, 20, 26 at 6. Goodnight everybody."

Pagkatapos magsalita nang host, umakyat na ako sa kwarto ko dahil ayokong makita ang mga reaction nila at baka tanungin pa ako nang kung anu-ano. Nadaanan ko si lady Nastasia at ibinilin ko na inaantok na ako at matutulog ako nang maaga para makapag-reserve ng lakas sa kung ano man ang mapapanood ko para sa mga susunod na mga araw. Sobrang saya talaga nitong araw na ito ang sarap ng mga pagkain at syempre nahawakan at nakausap ko ang mga crush ko nang personal.

----------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Phew! Sa wakas nakapag-update din. Nakakapagod ang Review sa School sana makapasa ako sa Board Exams ng first try lang. Wahahaha. Thanks for waiting guys

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon