Chapter 20.1: Training - Day 3

36 3 0
                                    

Ngayon na ang huling araw. Kailangan kong bumawi ngayon at mas matuto pa ng ilang bagay. Hindi pala talaga biro ang larong ito. Pero hinding-hindi ko iisipin na magback out dito. Itutuloy ko pa rin at ipapanalo ko ang laro.


Maaga akong nagpunta ng hall, as in halos kakabukas pa lang nito at nililinisan pa ang mga simento. Para sa huling araw, pumunta muna ako sa Knife-throwing section para mag practice ang pagbato nito.


Merong mga human-shaped target sa mga board ang pwedeng batuhin, gumagalaw ito ng paka-liwa't kanan para kunwari, mga moving target talaga sila.


Sinubukan kong magbato ng magbato, kaso hindi ko matamaan. Nauubos lage ang mga hawak kong kutsilyo pero wala akong tinatamaan, puro mga balikat lang at kamay. Hindi ako makakapatay kung ganito ang performance ko. At isa pa, sa loob ng arena, hindi naman siguro ganito karami ang mga kutsilyong pwedeng ibato.


Habang busy akong nagpapractice hindi ko napapansing parami na pala kami ng parami dito sa loob.


Papalapit sa akin si Kent, kaya binitawan ko na ang mga hawak kong kutsilyo at tsaka ako umiwas. Pumunta ako doon sa Trap-making section. Baka magamit ko ang mga patibong sa panghuli ng mga tao.


Habang sinusundan ko yung instruction sa papel, hindi ko maiwasang tumingin sa ginagawa ni Kent. "Tag! Tag! ..... Tag!". Nabitawan ko yung hawak kong lubid.


Nagjojoke ka ba ang mga mata ko? Tatlong sunod-sunod na bullseye sa bandang puso ang pinatamaan niya! Grabe! Alam ko may secret din silang pagte-training, pero kahit na! Ang galing pa rin niya masyado, para siyang assasin sa sobrang asintado niya sa mga vital parts ng katawan.


"Hayaaa! Haaa! Ha! Horyaaaa!". Sigaw nung isang lalaki.


Tiningnan ko kung bakit kailangan pa niyang may paganun-ganun ang arte-arte... Emegheeed! Si Lucent ba yung sumisigaw?

"Haaaaayyyaa!". Sigaw niya pa ulet.


Siya nga, pero bakit kailangang with sound effects pa, at bakit ganun ang pose niya? Parang nakita ko na yung ganung stance sa pakikipaglaban gamit ng espada.


Hindi ko na halos magawa yung patibong na ginagawa ko dahil nakuha nanaman niya atensyon ko. Ang cool niya tingnan habang gumagamit ng espada. Hayzzz, pwede bang sabihin ko na lang kay demonyong Dmitri na ihinto na ang laro at ipapatay na ang lahat ng mga champions except sa kanya? Kyaaaah!


Teka? Bakit ganun ako mag-isip? Focus Leila! Focus!


Binangga nanaman ako ni Vhan. Paulet-ulet na lang ganito ang pagbati niya sa akin. "Huy! Ang lalim ng iniisip mo ah!" Sabi niya sa akin habang may hawak-hawak na lubid.


"Okay, proceed to Plan A". Bulong ko sa sarili ko.

"Plan A? Ano yun?"

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon