Chapter 16.1 : Swimwear Competition

49 2 0
                                    

Chapter 16.1 : Swimwear Competition



"Boog! Boog! Boog!" Hanep pareho yung sound effects ng tunog ng pintuan ng kwarto ko dito sa quarter ko.

Hindi ko namalayang naka-tulog ako, at gabi na pala.


Pumasok si general Rose sa kwarto ko at pinagbibihis na niya ako.


"Eh, bakit po ako magbibihis ng champion's suit ko ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit marami ang mga champions na hindi makakasali ngayon, tuloy pa rin ang swimwear competition. At kayong mga hindi sasali, required kayong manoood." Sabi niya sa akin

"So ilan na lang po silang natira?"

"24 pa rin sila. Bilisan mo na, kailangan andoon na kayo bago magsimula ang programa."


Bumangon agad ako sa kama ko, at may iniwang note si Dr. John sakin at ang nakalagay ay "Be strong and have faith."


Bumaba na kami sa assembly hall at may nakita pa akong dalawang champions na pababa pa lang din, na hindi kasali sa competition. Nakatalikod sila kaya nakita ko ang mga pangalan nila. Si Lloyd ng District 13 at Glendale ng District 29.


Lumabas na kami ng pintuan at nagsimula nang maglakad pababa ng kastilyo.


Doon ipinatayo ang isang napaka-laking stage na maraming ilaw at screen. Sobrang laki pala talaga ng space niya actually, hindi ko napansin nung Champion's Debut Parade dahil busy ako sa pagtingin sa camera. At First time ko lang din naman nakalabas ng kastilyo noon.


"Tandaan mo, kahit nakakalakad ka na, kailangan mo pa rin umacting na hindi maganda ang pakiramdam mo at masakit pa rin ang sikmura mo." Paalala sakin ni general Rose.


Pagbaba namin, andoon na yung mga guards para ihatid ako kung saan kami uupo, mukhang kailangan kong galingan ang acting ko, "Ahhh! Wooh! Eray ko beh! Ehemm.. Arawchu! Sakit talaga ng sikmura ko. Woooh!" tapos tumingin ako kay general Rose kung approve ba acting ko. Bigla siyang nagfacepalm.


Eww, kahoy acting yata ang ginawa ko. Pwede na yun! Hahaha.


Pag-upo ko dito sa may bandang harapan, tiningnan ko kung sino pa yung mga champions na hindi kasali ngayon, District 2 ,5, 11, 15 ... "Ladies and Gentleman! May I know present to you your host for tonight Mr. Tony Gonzales!"


Magsisimula na pala! Saktong-sakto lang halos ang dating ko.


Biglang nagsigawan ang mga taong nanonood sa likod namin. Grabe, sobrang dami nang nanonood ngayon kesa sa mga nakaraang mga taon, halos hindi ko na makita yung dulo sa sobrang daming tao ang nandito ngayon.


"Good evening Goldstein Kingdom at hello world. Simula po pala ngayon, ako na ang inyong magiging bagong host at master of ceremony, dahil sa mga sikretong dahilan. Kaya wala akong paki kung magkakasaawan tayo ng mukha hanggang matapos ang palarong ito. Ahahaha!"

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon