MIE POV
Para akong itinulos sa narinig at nabitawan ang PT na hawak ko.Unti unti akong naglakad papuntang elevetor nabunggo ko pa ang secretarya niya.
"Mam ok lang po kayo?"nag aalalang tanong nito pero di ko pibansin at naglakad lang ulit ako.Ng makapasok ay agad kong pinindot ang down button para magsara.Pagkasarang pagkasara ng pinto ay agad na bumuhos ang luha ko.Bakit niya itinago?Bakit di niya sinabi sakin?Maraming bakit na tumatakbo sa utak ko.Pagkabukas ng elevetor ay agad akong naglakad palabas ng building di ko na pinansin ang mga taong nagbibigay ng nagtatalang tingin.May narinig akong tumatawag sakin pero di ko pinansin at deretso lang ng labas.Pagkalabas ko ng building ay di ko alam kong saan ako pupunta kaya napagpasyahan kong maglakad na lang.Habang naglalakad ay para ako lutang. May narinig akong nagsisigawan ang napansin kong nasa gitna na pala ako ng kalsada at may paparating na sasakyan huli na para makaiwas pa naramdaman ko na lang ang sakit na galing sa may puson ko.
"S-steve"huling nasabi ko bago ako mawalan ng malay.
******
STEVE POVBusy ako sa pag babasa ng papeles ng bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigan ko.
"Bro kamusta?"bati nito sakin ng makapasok agad naman akong tumayo at nakipag manly hug sa kanya.
"Ok lang ikaw ano ng balita sayo?"nakangiting tanong ko.
"Ito gwapo pa rin.Ikaw balita ko nag asawa ka na?"tanong nito.Nginitian ko lang siya.
"Di nga bro?Sino naman na loko mo?"di maka paniwalang tanong nito.
"Ang ina ng mga anak ko"
"Congrats!Pero maiba ako alam na ba niya?"pagusisa nito agad nawala ang ngiti ko at umiling sa kanya.
"Hindi ko alam kong paano ko sasabihin"pag amin ko.Naramdman kong tinap niya ang balikat ko.
"Kailangan mong sabihin sa kanya kahit mahirap"payo nito.
"Paano ko sasabihin sa asawa ko na ako ang sumira sa buhay niya noon?"nahihirapang sabi ko.
"Alam kong mahirap pero dude mabuti na yung sayo nanggaling kaisa sa iba pa niya malaman"
"Paano kung magalit siya at iwan ako?"natatakot na sabi ko.
"Natural lang na magalit siya pero ang iwan ka?I dont think so mahal ka nun eh"naka ngiting sabi nito.Dahil sa sinabi niya ay parang lumakas ang loob ko.
"Salamat bro!"
"Walang anuman"at nag usap pa kami ng kung anu ano natigil lang ng kumatok ang secretarya ko.
"Sir ibibigay ko lang po ito papeles na pinakuha niyo"sabi nito at inilapag ang papelis at isa pang bagay.Nagtatakang tiningnan ko ang secretarya ko.Agad naman niyang nakuha.
"Nahulog po iyan ni mam mie kanina.Congrats po"sabi nito at naglakad na papuntang pinto para naman akong natuklaw ng ahas sa nalaman.Dali dali akong lumabas at sumakay ng elevetor pagbaba ko ay sinalubong ako ng kaibigan ng asawa ko.
"Nasaan ang asawa ko?"tanong ko ng lumapit ito sakin.At halos tumigil ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
*-******