BALISA pa rin ako kinabukasan di talaga mawala sa isip ko ang panaginip ko na iyon.Kaya napagdisesyonan ko na pumunta sa doctor ko.
Papalabas na ako ng bahay ng makita ko si steve na naka tayo sa may gate namin.
"San ka pupunta?"
"May pupuntahan lang ako."sagot ko.
"Saan?samahan na kita"
"wag na ok lang ako."tanggi ko.
"Sige na samahan na kita antayin mo ako dito kukunin ko lang ang susi ng sasakyan"pagka sabi nun ay pumunta na sa bahay niya.
Pagbalik niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto.Nang maka sakay siya ay tinanong niya kung saan kami pupunta pagkasabi ko nun ay nagtataka siyang napatingin sakin.At pina andar na ang sasakyan tahimik lang kami sa byahe.After ilang minuto ay di na siya nakatiis at tinanong niya na ako.
"May sakit ka ba"tanong niya.
"Wala"
"Eh bakit ka pupunta doon?"
"Nandon kasi ang doctor ko"
"Bakit ano ba nararamdaman mo?"kunot noong tanong niya.
"Wala naman may itatanong lang ako"sabi ko nakita ko na papasok na kami sa parking ng ng ospital.
"Ano?"tanong niya ng pagka park ng kotse niya.
"Mamaya ko na sasabihin sasama ka ba sakin?"tanong ko pagkababa ko.
"Yeah"sabay baba niya.At sumunod na siya sakin papasok ng ospital.Pagkapadok namin ay binati agad ako ng secretarya ni doctora gonzaga.
"Mam mie kamusta ns po ngayon na lang ulit kayo bumalol"nakangiting bati nito.
"Oo nga eh"nakangiti ding sagot ko.
"Boyfriend niyo po?ang gwapo bagay kayo"kinikilig na sabi nito.Itatama ko na sana siya ng maramdaman kung may umakbay sa akin pagtingin ko naka ngising mukha ni steve ang nakita ko.
"Talaga?bagay kami?narinig mo yun babe bagay daw tayo."
"Tumigil ka nga steve."binalingan ko naman yung secretarya ni doctora"di ko siya boyfriend"
"Ay sayang naman bagay pa naman kayo"
"Hay naku!tama na yan andiyan na ba si doctora?"pag iba ko sa usapan.
"opo andiyan na po siya pasok na po kayo"
"salamat"sabi ko at pumasok na ako pumasok din si steve.
"Hi doc good morning"
"good morning anong maipaglilingkod ko sayo"
"Ahm kasi doc nanaginip po ako kagabi di ko po maintindihan yung panaginip ko"
"ano bang napanaginipan mo?"tanong niya.
"Napanaginipan ko ang sarili ko na naglalakad sa daan tapos may sasakyan na tumigil at mag dalawang lalaki na bumaba at may pina amoy sila sa akin at nawalan na ako ng malay tapos may eksena pumalit yung eksena kung saan may lalaking nakubabaw sakin pero wala siyang mukha naguguluhan ako alam ko panaginip lang yun pero pakiramdam ko totoong nangyari sakin yun."