3 weeks na rin mula ng ma realize ko ang nararamdaman ko para sa boss ko.Malandi na ba ako kong nagka gusto agad ako sa boss ko?Di naman diba?
"Gurl lunch break na di ka ba kakain?"kilala niyo na siguro kung sino yan.
"Kain na tayo gutom na ako eh"sabi naman ni benj.
"Oo na wait lang"saka ko inayos yung mga folder sa lamesa ko.
Paalis na dapat kami ng bumukaa yung opisina ni sir.
"Ahm sir magla lunch po kami gusto niyo pong sumama?"aya ko.
Tumingin naman siya sa amin at saka ngumiti.Di ko ba na kwento sa inyo na close na kami ni sir hahaha.Na iisyo na nga kami dito sa opisina eh pero sabi ni sir hayaan ko na lang daw.Eh di hayaan.
"Sige saglit lang may kukunin lang ako sa loob"pagkasabi nun pumasok na si sir.
Pagtingin ko naman sa dalawa nanlalaki ang mga mats nila sa gulat.
"Pumayag si sir?"gulat na tanong ni stella.
"Ibang level na talaga ang closeness niyo bakla."sabi naman ni benj.Halata mong kinikilig eh.
"ano ba kayo.Kung ano ano ang mga sinasabi niyo.Baka may makarinig sa inyo kung ano pa ang isipin"saway ko.
"WEH!deny kapa gusto mo naman."hirit pa rin ni bakla.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Oh siya titigil na"
"Nga pala bakla di ba malapit na ang birthday ng kambal ano balak mo?"tanong ni benj.Sasagot na dapat ako ng lumabas na si sir.
"Tara na?"aya niya kaya sumabay na kami sa pagsakay sa elevetor.Pagbaba namin ay pinagtitinginan kami ng ibang empleyado.Nasa labas na kami ng building ng magtanong si sir.
"Saan niyo gustong kumain?"
"Ahm sir kumakain po ba kayo sa fast food?"nag aalangang tanong ko.
"Oo naman"naka ngiting sagot niya.
"Tamang tama po may malapit na fast food po diti doon na lang po tayo"at nag umpisa na kaming maglakad na apat.
Pagdating namin sa jollibee ay pinagtitinhinan na naman kami ang totoo niyan si sir lang pala.Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa lalaking ito bukod sa naka suit na ay ubod pa ng pogi.Pagkasabi namin ng order namin ay naghanap na ng upuan si stella at benj.Kamina ang nag antay ng order namin.Pagdating ng order ay si sir na ang nagbuhat nito sumonod na lang ako.Pagka upo namin ay agad na kumain na kami.Habang nakain ay tinatanong ako ng dalawa tungkol sa nalalapit ba birthday ng kambal.
"Ano ba talaga ang balak mo sa birthday ng kambal gurl?"tanong ni stella.Sasagot na ako ng magsalita si sir.
"Birthday ng kambal? Kelan?"
"Opo sa lingo na po.Punta po kayo ha."
"Pano naman kami girl?"sungit ni bakla.
"Syempre kayo din.Kayo na nga lang bisita ko eh.Saka wag niyo kalilimutan ang regalo niyo ha lalo kana sir dapat may regalo kung hindi di ko kayo papapasokin ng bahay ko."biro ko sa kanila na ikinatawa naman nila.Masayang natapos ang lunch namin.nagkwntuhan kami habang naglalakad pabalik sa building.Hanggang sa mag uwian na ay di pa rin ako maka get over sa nangyari.
----------*----+------*--------*------+------*------
Nandito na ako sa bahay nagluto ng may nagdoorbell.Pinatay ko muna yung stove sakq ako nagpunta ng sala para buksan ang pinto.Napangiti ako ng kung sino ang napagbuksan ko.
"Pasok po sir"naka ngiting sabi ko.
"ilang beses ko bang wag mo na akong tawaging sir pag nasa labas ng opisina magkapit bahay tayo ngayon di mo ako boss ngayon.Kaya tawagin mo na lang akong steven."
"Oh sige si----steve hehehe ang hirap"
"Masasanay ka rin"
"Pasok ka na"pagpasok niya ay agad kong narinig yung sigaw ni joanna.
"Mr.nieghbor"sabi ni joanna.
"hi baby kamuzta"
"ok lang po"bibong sabi ng anak ko.Iniwan ko na sila doon at pina patuloy ang pagluluto ko.Di ko pa ba nasabi sa inyo na dito na kumakain si sir sa amin tuwing gabi.Ang sabi niya kasi malungkot daw ang kumaing mag isa.Kaya ayon sinabihan siya ng mga bata na dito na lang kumain sa amin pag gabi.Nang matapos ako sa pagluluto ay tinawag ko na sila para kumain.Habang nakain ay panay kwento ng mga bata.Nang matapos kami sa pagkain ay pumunta naman kami sa sala at nanood ng cartoons.Di pa rin matigil ang kwento ni joanna at justine.
"Nanay sabi po ni daday pogi bibilhan daw po niya ako ng malaking doll."
"Sino naman si daddy pogi?"nagtatakang tanong ko.
"Si mr.nieghbor po sabi po kasi niya wag na daw mr.nieghbor itawag ko sa kanya kaya sabi ko daddy pogi na lang."paliwanag naman niya.
"Baby hindi kasi pwedi na tawagin mo siya na daddy kasi di mo siya tatay"paliwanag ko.
"Pero sabi po niya pwedi ko po siya tawagin nq daddy"mangiyak ngiyak na sabi niya.
"Kasi baby____"di ko na natapos ang sasabihin ko dahil umiyak na ito.
"Gusto ko pong maging tatay si daddy pogi"
"Pero anak"
"Hayaan mo na at isa pa ako naman ang nagsabi na kahit ano ang itawag niya sakin"
"Pero steven"hinawakan niya lang ang kamay ko at punisil iyon.
Hinayaan ko na lang sila.Mga bandang 8 ng antokin na ang mga bata kaya pina akyat ko na sila para magpalit ng damit at matulog na.Si steven naman ay nagpaalam na rin kaya hinatid ko na siya sa gate namin.
"Maraming salamat sa pagpayag na tawagin kang daddy ng mga anak ko"
"May bayad yun"nakangiting sabi niya sakin ng nasa may gate na kami.
"Pwedi ba aking magtanong ng personal nq bagay?"sabi ni steven.
"Sige ano ba yun?"ako
"Nasaan ang ama ng mga bata?"tanong niya.
Nagulat ako sa tanong niya.Di ako naka sagot agad dahil kahit ako di ko alam kong sino at saan ang ama nila.
"Wag mo nang sagutin ang tanong k----"di ko na siya pina tapos.
"Hindi ko alam"agap na sagot ko.
"Anon-----"
"wala akong maalala nagising na lang ako sa isang ospital at wala na akong naalala."mahinang kwento ko.
"Taga saan ka ba talaga?"tanonh niya.Nagtataka man ako sa tanong niya ay sinagot ko pa rin.
"Batangas"nakita kong parang nagulat siya.
"Sorry!"
"Bakit ka nagso sorry! naawa ka ba sakin?"
"Sorry"sabay yakap niya sakin.
"Ok ka lang ba?"tanong ko.Tumango lang siya at naglakad na palabas pero huminto din at bumalik sabay halik sa akin.Nakatulala lang ako dun.ANYARE!!
--------+-------*-------+------*------+-----*------+---
SABAW! PASENSYA NA SA SABAW NA UD.