Dalawang lingo na din ang nakakalipas simula nung nangyari yun.Nandito kami ngayon sa isang grocery store kasama ko ang dalawang bata magogrocery kami dahil wala na kaming pagkain sa bahay.Nandito
kami ngayon sa meet section.
"Anong gusto niyong ulam ngayon?"tanong ko sa dalawa kung kasama.
"Sinigang"
"Fried chicken"sabay nilang sabi.
"Hmmmn dahil gusto niyo ng sinigang at fried chicken mag aadobo tayo"natatawa kong sabi sa kanila.Narinig kong tumawa ang nagbabantay doon.Nakita ko naman na nag pout silang dalawa.
"Bakit ganyan itsura niyo ayaw niyo ba ng adobo ni nanay?nagtatampo kung tanong sa kanila.
"Gusto po namin nanay"sabay ulit na sabi nila.Pagkasabi nila noon ay tinuro ko na ang mga bibilhin ko.
"Ang ganda at gwapo naman po ng anak niyo"sabi nong sale's lady.
"Salamat"at nginitian ko na lang siya.Pagka abot ko naman ng meat ay pumunta naman kami sa fruit section.Aabotin ko na sana ang prutas na nakita ko ng may umabot din nito pagtingin ko si sir pala ang humawak.
"Naku sir kayo po pala sige po sa inyo na yan"sabay bitaw sa prutas.
"sige sayo na kukuha na lang ako ng iba"sabi niya sabay ngiti sakin.Pagkatapos ay tumingin siya sa mga bata.
"Hi"bati niya sa mga bata.
"Hello mr. nieghbor"bibong bati ni joanna.Si justine naman ay tumango lang.
"Salamat po pala dito sir"
"walang anoman."
"Sige po sir mauna na po kami"paalam ko at tinolak na yung cart.
"babye mr.nieghbor"
Ngumiti lang naman sir samin.Pinagpatuloy na namin yung pamimili pagkalipas ng 30 minutes ay nakapila na kami.Pagkalipaa ulit ng sqmpong minuto ay natapos na kami.Nag lalakad na kami ng may tumawa sakin.Paglingon ko nakita ko si sir na papalapit samin.
"Pauwi na kayo?"tanong niya ng makalapit samin.
"Opo"
"Sumabay na kayo sakin pauwi na rin ako."alok niya sa amin.
"Wag na po"tanggi ko naman nakakahiya kasi.
"Sige na kaysa naman mag comute pa kayo isa pa magkapit bahay lang naman tayo"
"Wag na sir nakakshiya po"tanggi ko pa rin.
"kids gusto niyo ba sumabay sakin?"
"Dala niyo po yung maganda niyong kotse?"tanong ni justine.
"Oo naman.Anu gusto niyo?"
"Opo gusto po namin".
"Kaya lang ayaw yata ng mama niyo eh"
Humarap naman yung dalawa sakin."Nanay payag na po kayo".
"Hai!Sige na nga pero behave lang kayo ha".bilin ko.
"Opo"sabay na sabi nila.
Lumakad na kami at si sir na ang nagtulak sa cart namin.Hawak ko naman sa kamay ang dalawa.Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao.May mga nagbubulungan pa nga.
"Ang sweet naman"
"ang cucute ng mga bata mana sa tatay"
"Ang babata naman nila para maging magulang"
Yan ang mga naririnig ko sa kanila.Dumiritso lang kami ng lakad hanggang makarating kami sa kotse niya.Pagkalagay niya ng pinamili namin ay sumakay na kami at umalis na.
Pagkadating namin sa bahay ay tinulungan pa niya kaming ipasok ang mga pinamili namin.Papalabas na sana si sir ng tawagin ko siya.
"Ahmm!sir may lakad ba kayo ngayo"
"Wala naman"
"Ah kung gusto niyo po dito na kayo samin kumain"
"Sure!babalik na lang ako magbibihis lang ako".
Umalis na siya ako naman ay nagsimula nang igayak ang lulutuin ko.Alas sais na rin kasi.Nagsimula na akong magluto ng may magdorbel.
"Nanay ako na po"sigaw ni joanna.
"Hi mr.nieghbor"masayang bati ni joanna.
7 na ng maluto na yung niluto ko.Naghayin na muna ako bago ko sola tinawag.Pumunta na ako sa sala pagkatapos ko maghayin.Naabutan ko sila na busy sa paglalaro.
"Kakain na"sabi ko.
Tumayo naman sila agad at pumunta sa lamesa.
"kids may nakalimutan ba kayo?tanong ko.Tumayo na din sila at naghugas ng kamay.Mr.nieghbor magwash din po kayo ng hands baka di po kayo pakainin ni nanay.Tumauo din diya at naghugas ng kamay.Pagkatapos niya maghugas ay nagsimula na kaming kumain.Naging ok naman ang hapunan namin.Tawa ng tawa si sir sa mga kwento ng mga bata.Hanggang matapos sa pagkain di pa rin matigil ang pagtawa niya.Nasimula na kami sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin.Ako ang nag hugas ng pinggan si justin nagwalis ng sahig si joanna naman nagpunas ng lamisa.Pagkatapos namin magligpit ay nanood na kami ng tv.Hanggang sa nakatulog na yung mga bata.Alas 8 na ng umuwi si sir sa kanila tinulungan muna niya ako sa pagbuhat ng mga bata nakatulog na kasi.
pinunasan ko muna ang mga bata bago ko sila iniwan at pumunta ng kwarto ko.Pagpasok ko ng kwarto naligo muna ako bago humiga sa kama ko.Nakahiga na ako ng maalala ko si sir.Alam ko na ngayon ang sagot sa tanong ko sa sarili ko.
"Gusto ko siya"nakanhiting sabi ko at maya maya pa ay nakatulog na ako.
-------------+----+----+---+-------------_------+----------
HANGGANG DIYAN MUNA.MARAMING SALAMAT PO SA MGA NAGBABASA NG STORY KO.AT SA NAG VOTE PO MARAMING THANK YOU .CAPSLOCK NA PARA INTENSE HEHEHE