Chapter 1

25 1 0
                                    


Giovanni pov

Nilock ko ang bahay saka hinawakan ang kamay ni rey. At naglakad, sa makipot at maruming daan kung saan kami ay nakatira. Nandito kami sa squater kung tawagin at mahirap kung ituring, pero ayos lang dahil dito sa lugar na ito mahirap kaming mahanap ng ama ng anak ko.

"Kuya!! Pasakay!",sigaw ko sa tricycle driver, na paalis na sana

"Ay! Nako! Talaga bilisan mo naman anni marami akong sakay",natawa ako sa reklamo nito

"Dahan dahan",hawak ang ulo ni rey ay sumakay kami ron

"Saan ba kayo?",

"Sa school ni rey kuya",

"Oh! Sige pero dadagdag ng tatlong piso ang pamasahe dahil nagmamahal ang gas ngayon",gulat ko siyang tiningnan at hinalungkat ang wallet

"Kuya naman! Para akong iba sa inyo!",

"Anni! Mahal na ang gas ngayon ano ka ba",

"Pero kuya! Bawasan mo ng dalawang piso sige na! Walang ibabaon ang anak ko eh! Sa susunod pa ako mag swesweldo",

"Jussmeyo! Oh! Siya siya sige",ngumiti ako sa kanya at tumingin na lang sa daan, nang makarating sa pupuntahan ay agad kaming bumaba at hawak hawak pa rin si rey

"Eto kuya! Salamat",naglakad kami papasok ng anak ko, palibhasa kinder pa lang ay dito ko siya pinasok sa malapit sa pinag tratrabahuhan ko para na rin matingnan tingnan siya.

Hindi ko kase kinakaya kapag malayo siya at hindi ako mapakali, natatakot ako na baka isang araw bigla na lang siyang mawala sa akin.

"Oh! Ito baon mo",lahad ko sa kanya ng biscuits na binili ko katabi ng maliit na school ng kinder, at nilagay sa maliit na bulsa ng kanyang bag, napahinto ako dahil luma na ang bag ni rey at hindi ko man lang mabilhan, kaya bumuntong hininga ako
"Bibilhin na lang kita ng bag kapag sweldo na si mama okay?",

"Opo! Mama",aniya

"Ano yon?",

"Sabi mo bibilhan mo ko sapatos", tumingin siya sa sapatos niya at napayuko ako ng makitang luma na rin yon, buti na lang at pinatahi ko yun sa nagtatahi ng sapatos kaya hanggang ngayon hindi pa sira.

"Oo, sa pag sweldo ni mama wala pa kaseng pera eh",

"Okay po. Mama baka malate ako",utal niyang saad ka natawa ako

Hawak hawak ang kamay ko siyang hinatid sa pinto ng kanyang classroom at kinawayan ito.

"Teacher? Pwede po bang hanggat wala ako wag niyo siyang ibigay sa kung sinong susundo sa kanya?",

"Oh! Sige! Anni ako ng bahala kay rey",

"Salamat po ma'am",ngiti akong umalis at sinulyapan si rey na ngayon ay nakaupo na sa kanyang pwesto, agad akong tumawid at nag lakad ng konti para pumunta sa fast food restaurant na pinag tratrabahuhan ko.

"Ano ba yan!? Anni! At late ka na naman!", bulyaw ng manager

"P-pasensya na po! Hinatid ko kase yung a-anak ko sa sch-",

"Palagi na lang yan ang dahilan anni! O baka naman naglalandi ka tuwing umaga!? Juskko! Hindi na nga mabuhay ang anak lumalandi pa!",

"Manager sobr—",

"Abah? At sumasagot ka pa? Gusto mong mawalan ng trabaho?",napayuko ako dito at hindi na umimik, baka tuluyan akong mawalan ng trabaho, ng umalis ito nilapitan agad ako ni Melissa ang katrabaho ko

"Ayus ka lang? Naku! Ikaw talaga ang paboritong gisahin ng bakla!",bulong niya kaya natawa ako

"Ayos lang ako, sanay na sanay na",

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now