Chapter 41

6 1 0
                                    


Omel pov

"Ahmmm, oras na ng pagkain",dungaw ni Giovanni sa pinto ng kwarto

"Sige, susunod kami",saad ko, napatingin ako kay mercy ng nakatitig rin ito kay Giovanni na sa kanya din nakatitig

"Let's go",lahad ni mercy ng kamay sa akin kaya tinanggap ko yon, inakay niya ako sa paglalakad dahil hindi ko pa kayang idiin ang binti ko

Hanggang sa makababa ay tahimik si Giovanni, pero baka nahihiya lang kay mercy, naupo si mercy sa parating inuupuan ni Giovanni kaya umiba ng upuan si Giovanni, ay si rey ay nakatitig kay mercy

"Rey, gusto mo ba siyang maging friend?", tanong ko nilingon ito ni mercy saka ngumisi

"Mercy vanell nice to meet you",lahad ni mercy ng kamay kay rey

"Reymark josh stereoli po, tita messy",

"Rey. Mer-cy",saad ko

"Tita mercy", ulit ni rey kaya nag thumbs up ako

"Hey, I'm sorry about sa kanina i didn't mean kung nabastusan ka sa inasal ko. Nainis lang ako dahil nagmamadali akong umakyat at namamanhid ang paa ko kanina pero dahil sayo napatagal ang pag tayo ko",pag kausap ni mercy kay Giovanni na napahinto at tumingin sa kanya

"Okay lang, hindi ko alam na ikaw pala yung mercy na sinasabi nila sunny, at javi",

"Javi? Hindi namin siya tinatawag na javi kase hindi bagay kaya omel, pero kayo??...mukang mas gusto niyo ang javi ah!?",sinamaan ko ng tingin si mercy

"Sinasabi mo bang pangit pangalan ko?",

"Yes",sagot niya
"Joke",

"Not funny!",asik ko natawa naman si Giovanni

"Yun kase ako nasanay eh, pati si rey",

"Anak mo siya!? Kanino?", tanong ni mercy

"Ahmmm.",sinipa ko si mercy sa ilalim ng mesa

"The kid doesn't know about that",

"Oh? I'm sorry....",

"Sa kaibigan ko siya...na namatay yun yung case na hawak ni javi",mahinang giit ni Giovanni, tumingin ako kay rey na sarap na sarap sa kinakain

"Ahmmmm, maybe later na lang ako mag tatanong",giit ni mercy

Nang matapos kumain ay dito ko muna pinag stay si mercy para hindi na siya umuwi, dahil gabi na naging maayos naman dahil ang kausap nito ay si Giovanni at si rey, ako naman ay nakikinig at tumitingin lang sa kanilang tatlo.

Napaisip tuloy ako sa kung anong sitwasyon nung tatlo, hindi pa tumatawag yung tatlo sa akin at wala silang alam na nandito na si mercy.

Ayaw naman na ipasabi ni mercy dahil siya na raw bahala ron.

Maya maya ay naghanda na kami ni Giovanni para matulog, nandon pa ito sa kwarto ni rey para patulugin.

Ilang saglit pa ay dumating na ito saka nag hilamos at nagsipilyo bago mahiga sa tabi ko.

"Parehas pala niya si jewer at si sunny", saad nito

"Who? Mercy?",

"Hmmm. Wala silang pinag kaiba-iba", natatawa niyang sagot kaya natawa ako

"Yeah, pero sa kanilang tatlo si sunny ang swapang",

"Swapang? Parang hindi naman",

"Maikling oras mo pa lang siya nakakasama kaya hindi mo pa alam, pero ako mula noon hanggang ngayon oo",asik ko

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now