Giovanni pov
Inalis ni javi yung pinagkainan ko at binigay sa maid, pagkatapos non ay nilinis niya ang sugat ko.
"N-nasabi na p-papa ni meiann sayo?", tanong ko kaya huminto siya sa ginagawa at tumingin sa akin.
"Hmmm",tango niya
"Wait! What are you doing?",biglang tanong niya ng alisin ko ng tuluyan ang damit ko, at dahan dahang tumalikod."Bakas yan ng g-ginagawa n-nilang parusa sa a-akin kapag hindi k-ko ginagawa a-ang gusto nila",naiiyak na salita ko. Naramdaman ko ang daliri niyang nilalata ang nasa baba ng likod ko na mga peklat mula sa paghahampas nila ng sinturon sa akin.Sinuot niya ulit ang damit ko at iniharap ako. Ngunit hindi siya nag salita.
"Y-yung pulis na n-nilapitan ko p-para matulungan ako na mahuli y-yung p-pumatay kay hasly k-kasabwat din nila s-siya yung nagdala sa akin kala j-joco dun sa club",tuloy koHabang siya ay nakikinig at nanatiling nakatitig sa akin.
"K-kaya g-ganon na lang k-kita itaboy ng malaman k-kong pulis ka at para sa kaso ni h-hasly. N-natakot ako na b-baka gawin mo yun din sa a-akin",
"Kaya ba? Kahit sino na humawak sa kaso ni hasly tinatakasan mo?",
"O-oo",hindi ko na napigilan ang humikbi ng makita ang nakaraan ko sa utak ko, pakiramdam ko nakakabit na yon sa akin.
"I-ito yung joco", tiningnan ko ang selpon niyang hinarap sa akin
"Pumayag si meiann na e-identify ang itsura ni joco sa tauhan ko na isang artist. At ito yung lumabas sa drawing","S-siya n-nga yan.", tumingin ako sa kanya
"Pinapahanap ko na siya",
"S-siya din yung l-lalaking nanligaw non kay h-hasly",dagdag ko
"Yun ang modus nila. Sabi ng tauhan ko may nakarecognize sa kanila dahil minsan na silang nakapunta dun sa club ng mga taong ito, at ang grupo nila ay puro bata at may mga itsura kaya mabilis silang nakakakuha ng biktima para ipasok sa negosyo nila at pagkakitaan yung mga babae. Isa ron ang kaibigan mong si hasly",
"P-pero hindi siya napunta s-sa club. Umuuwi pa rin siya sa amin non, marami pa n-nga siyang dala na pagkain at grocery tuwing uuwi siya. Meron ding mga bagong gamit. At...at kinikilala siya dun sa c-club na pinagdalhan sa akin na isa ring ginagalang d-dahil yun ang sinabi ni meiann sa akin ng makarating ako ron",
"Pwedeng nagustuhan siya ng kuya ni joco ang pinaka leader nila", bumuntong hininga ito
"Kaya nga nandito si rey hindi ba?","P-pero bakit nila pinatay si hasly?",
"Dahil itinakas niya ang bata. Pero kung ano mang dahilan niya ay hindi na importante",kibit balikat niya.
"Ang importante ay ang mabawi natin si rey, at mahuli sila para kay hasly",dagdag niya.Marami pa akong sinabi sa kanya sa nakaraan ko at nakikinig lang siya. Pero sa totoo lang gumaan ang loob ko, gumagaan ang pakiramdam ko habang nag kwekwento ako sa kanya yun ay dahil alam kong may nakikinig sa mga sinasabi ko.
Dahil nararamdaman kong may taong nasa tabi ko at handa akong pakinggan sa mga dinadala kong problema.
At nararamdaman ko na naiintindihan niya ako at hindi niya ako hinuhusgahan sa mga nakaraan ko hindi kagaya ng ibang tao.
Kinabukasan ay tumayo ako medyo napangiwi ako dahil sa kirot ng sugat ko sa balikat pero hindi na ito kasinglala kagaya nung una.Nang makababa ako ay nakita ko kaagad si omel na may kausap sa cellphone kaya minabuti kong hindi umimik para pakinggan ang sinasabi niya.
"Ihanda yung tauhan. Tatawag ako sa station para sa backup",binaba nito ang cellphone at humarap sa gawi ko, napahinto ito bago mataranta.
"Bakit ka bumangon? Hindi pa magaling an—","N-nahanap mo n-na si rey?",
"Hmmm.",tumango ito
"Balak ko na siyang bawiin ngayo-","Sama ako",
"What?",
"Sasama ako. Gusto kong makuha ang anak ko",
"Giovanni hindi pwede hindi pa magaling ang sugat mo",
"Javi, okay na ako. S-sama ako sige na",pagpupumilit ko. Wala itong nagawa kung hindi ang pumayag, kaya naman bumalik ako sa kwarto ko at naghanda para sa pag-alis. Kaya ng matapos ay sinalubong ako ni javi sa pinto ng kwarto.
"A-ano ito?",takang Tanong ko sa kanya ng iabot niya sa akin ang kulay black na jacket, makapal yon."Bulletproof yan, baka sakali isuot mo. And this",bigay pa niya ng makapal ulit na jacket, ginaya niya ang pagsuot non sa akin bago ako inaya na bumaba. Pagkababa ay nakahanda na kaagad ang sasakyan.
"Get in", giit niyaPumasok ako ron at nagulat ako dahil may mga hawak na mahahabang baril ang nasa loob, tumingin ako kay javi at hindi siya umimik,kaya naupo na lang ako masyado akong kinabahan dahil nakatingin sa akin yung mga lalaki na nandito sa van.
"Let's go", tumingin ako kay javi dahil sa paraan niya ng pagsalita ay may kakaiba ron. Hindi ko na lang pinansin at nanatili na lang tahimik, kumunot ang noo ko at lumingon sa likuran dahil nakita ko sa front mirror na may kasunod.
"J-javi? M-may sumusunod sa at-",
"Tauhan ko yan",pagputol niya sa sasabihin ko, nilingon ko ulit yon ngunit napatingin ako sa mga lalaking nandon sa likod, lumingon din si javi sa tinitingnan ko ay hinawakan ang pisnge ko para iharap sa kanya.
"Sakin ka tumingin",seryosong saad niya"H-ha?",
"Tss",inalis niya ang kamay sa pisnge ko, kaya lumingon ako pero napahinto ako at umayos ng samaan niya ako ng tingin. Huminto ang sasakyan at nagbaraba ang mga lalaki. Tumingin ako kay javi na nilahad ang kamay sa pinto, kaya kinuha ko yon at bumaba.
"N-nasaan tayo?",
"Kung nasaan si rey", tumingin ako sa mataas na building.
"Ang nasa loob niyan ay puro smuggling, and... Nandyan din ang mga club nila",dagdag niya, don ay nakaramdam ako ng kaba"I-ibig s-sabihin? Nandito sila?",
"Hmmmm. Nandito yung joco. Remember him?",napalunok ako at namuo ang luha sa mata at tumango. Pano ko siya makakalimutan? Siya ang dahilan kung bakit sa akin nangyare yon?
-vienriex ❤️
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
RandomMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...